Chapter One: Beginning of a New Adventure

1693 Words
[March 7, 2005, 9 AM, Unknown Location] "THIS IS KIDNAPPING! WHO THE HELL ARE YOU?" Pilit ko'ng kinakalas ang pagkakatali ng kamay ko sa lubid at pinagsisigawan ang mga nakapaligid sakin. "BITAWAN NIYO AKO MGA HAYOP! ARGH!" Tuluyang naputol ang lubid na nakatali sakin at isa-isa ko silang tinitigan ng masama. Mga walang hiya! Napangiwi ako dahil sa kirot na naramdaman ko mula saking kamay. Bwesit. "Where's my friends you stupid, horny ass old men, y'all look like gorillas in a f*****g isolation booth!" Maging ako ay nalito sa sinabing ko'ng iyon. Masakit talaga ang kamay ko eh, bwesit ba naman kasi ba't ba ako itinali? Naglakad palapit sakin ang isa sa kanila at sinamaan ko ito ng tingin. "Take one more step and I'll rip your throat in an instance." Nanlilisik na matang sabi ko sa kaniya at bumalik ito sa kaniyang posisyon. Napa-upo nalang ako sa sahig dahil ilang oras na rin akong nagsisisigaw at nagwawala dito sa loob. "Putang ina." Napatingin ako sa salamin na siyang nagsisilbing bintana ng kwartong kinaroroonan ko at nagulat sa nakita ko. Bakit? Anong? Kumaway sakin si Yvonne mula sa labas at tumatawa naman sina Judy at Hanes. Tuluyang binuksan ng mga lalaking nakapalibot sakin ang pinto-an at pumasok ang mga kaibigan ko sa loob. Ikinuyom ko ang kamao ko at pinagbantaan ng suntok si Yvonne ng makalapit ito sakin. "Eh ibaba mo na y-yan ano ka ba." Nanginginig niyang tinabig ang kamay ko at ibinaba ko naman iyon. "Ano bang problema niyo ha?" Galit na sigaw ko sa kanila ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot. "Ano? Hindi niyo ako sasagutin o pupugutan ko kayo ng ulo?" "Eh ikaw naman kasi eh, kung wala ka sanang trust issue di ka naman magkakaganyan. Pano ba naman kasi ayan oh." Itinuro ni Yvonne ang isa sa mga lalaki na may benda sa ulo. "Yan yung tinamaan ng ballpen mo nang pinatid mo iyon papuntang kabilang building. Hindi ka naman kasi makausap ng matino eh." Marahas ko'ng pinikit ang mata ko minasahe ang tungki ng ilong ko dahil nawawalan na ako ng pasensya. "So ano? So, putang inang yan kasalanan ko?" Bahagya akong napa-atras dahil sa galit na tono ni Hanzel. Eh kasi naman eh. "Hindi ko naman sinabing kasalanan mo eh." Napanguso nalang ako dahil kung minsan talaga hindi ito nakakaintindi. Siguro dahil sa sobrang talino nito. "Then what? They f*****g tied me on a chair and tranquilized me back at the quarters! I could've talk to them nicely if they're not being weird on approaching me! What? You want to be mysterious and expect me to squeal like a f*****g b***h seeing them in that outfit? Hindi ako bobo putang ina niyo!" Napaigtad kaming tatlo dahil sa malakas na pagsigaw niya at maging ang mga nakapaligid samin ay natatakot din. Sino ba namang hindi? Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya at niyakap ito. Ramdam ko ang mabilis ng paghinga dahil sa galit at maging ang katawan niya ay nanginginig. "Sorry na, wag kana magalit." Lumapit naman sina Judy at Hanes at nakiyakap na rin samin. "Sandali! Hindi ako makahinga ano ba!" Sabay kaming bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya at nginitian ito. Umiwas lamang siya ng tingin at ipinikit ang mga mata niya. "Okay ka na?" Ibinaling niya ang kaniyang tingin samin at tumango. Sa wakas. Kinabahan talaga ako kanina dahil muntikan na akong suntukin. Owemji lord buhay pa ako! Maraming salamat. "Teka asan ba tayo?" Hinilot-hilot niya ang kaniyang pulsohan at hinipan ang dumudugong sugat nito. Nakaramdam ako ng konsensya dahil ako naman talaga ang nag suggest sa kanila na itali siya dahil baka magwala ito. Hinawakan ko siya sa braso at hinila palabas ng kwartong iyon. Sumunod naman samin sina Judy at Hanes na tila may sariling mundo at tawa lang ng tawa. Natanaw ko sa di kalayuan ang nagsilbing guide namin nang mapunta kami rito at mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan niya. "Dahan-dahan naman sa paglalakad Yvonne." Itinaas ko ang isa kong kamay at nag peace sign sa kaniya. Tumigil ako sa paglalakad at tinapik ang babaeng nakatalikod samin. Lumingon naman ito at ngumiti nang makitang kami iyon. "Hi po Ms. Glynde, baka pwede pagamot po ng kaibigan ko po." Isang ngiti lamang ang tinugon niya sinenyasan kami na sumunod sa kaniya. Binitawan ko na ang pagkakahawak sa braso ni Hanzel at pumantay sa kaniyang paglalakad. "Kilala mo yan?" Nagtatakang tanong sakin ni Hanzel at ngumiti muna ako sa kaniya bago sumagot. "Yup. Siya ang nag welcome samin at nag tour nang makarating tayo rito. Mabait yan at tsaka Pilipino din. Mas matanda siya ng limang taon satin." Tumango-tango lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Buti naman kumalma na talaga ito ng tuluyan. Nakita kong pumasok sa isang kwarto si Ms. Glynde kaya naman ay sumunod din kami sa pagpasok roon. May mga malalaking monitor sa loob ng kwarto at mga computer at mga gamit sa panggagamot. Sa bagay Doctor siya dito. "Halika rito." Mahina kong tinulak papunta sa kaniya si Hanzel at pina-upo niya naman ito sa kama. "You must be Hanzel." Tanong nito sa kaniya at ang gaga di man lang sumagot. Jusmeyo talaga. May kinuha ito sa isang kabinet at nilapag sa gilid. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya, mula sa pagkuha nito ng mga gamit sa pag gamot hanggang sa paglilinis nito sa sugat at paglalagay nito ng bandage. Grabe ang galing. "Anong klaseng doktor po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya dahil kinakain na rin ako ng kyuryusidad ko. Gusto ko naman talagang malaman eh. Napalingon ako kay Yvonne na biglang nagsalita sa gilid. Ibinaling ko ang tingin sa gumagamot sakin at tinitignan ang bawat galaw nito. Professional nga yata siya. "Let's just say I'm not actually a doctor." Bahagya kong naitaas ang kilay ko dahil sa sinagot niya. Ang labo naman. "Pano nangyari yun?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Marunong naman ito manggamot pero hindi naman daw siya doctor. Ano siya albularyo? Eh? "I'm a scientist, researcher, undercover agent. I also specialize in making new gadgets and guns. Ako rin ang nagfa-facilitate ng mga bagong recruit and kung ano-ano pa. In short, I'm all around. I kill people, treat people better and do bad deeds also." Nakatitig lang ako sa kaniya at pilit iniintindi lahat ng sinabi nito. Ang dami naman yata nitong trabaho? Paniguradong mayaman ito. "Ah, ilang taon po kayo nang makuha kayo rito sa organisasyon?" Tanong ni Yvonne. Tumayo ito at ibinalik sa kabinet ang gamot na kaniyang kinuha. Isinandal niya ang sarili sa isang malaking kabinet na pinagkunan nito ng gamot at ngumiti samin. "I was 12 when I receive their email." Bakas sa mukha ni Yvonne ang pagkamangha at pagkagulat. Maging ako ay nagulat rin naman. Labing-dalawang taong gulang pa lang siya non, kung mas matanda siya samin ng limang taon ibig sabihin. "Nine years na po kayo rito sa organisasyon?" Manghang tanong ko sa kaniya at tanging tango lang ang sinagot nito sakin. "Ang galing." Masayang ani ni Yvonne at malapad na ngumiti. Para talagang bata. Binalik niya ang kaniyang atensyon sa amin at ngumiti. "I am Glynde de la Cruz, of course you have to call me Miss pag tinatawag niyo ako and-" Naputol ang mga sinasabi niya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok roon sina Hanes at Judy. Teka san ba sila galing eh nakasunod lang sila samin kanina? "Sorry po sa isturbo." Bahagya silang yumuko at nginitian lamang sila ni Ms. Glynde. "As I was saying I-" Naputol muli ang mga sinasabi niya dahil may nagbukas na naman ng pinto at pumasok sa loob ng kwarto. "Hey everyone." Nanlaki ang mata ko saking nakita dahil ang lalaking pumasok sa loob ay ang lalaking muntikan ko ng saksakin ng ballpen. Siya yung humalik sa kamay ko. Nakakadiring pangyayari. Biglang nanayo ang balahibo ko sa pandidiri at sinamaan ito ng mukha nang ngumiti ito sakin. "This is my cousin James by the way." Nakangiting sabi samin ni Ms. Glynde at isa-isa namang nagpakilala ang mga kaibigan ko. Tsk. Nakakainis kaya pagmumukha niya. "Anyway, let's get to know each other next time. May kailangan pa akong gawin and here." Tumalikod siya samin at iniusog ang malaking kabinet na sinasandalan niya kanina. Eh? Anong? May isang malaking pinto sa likod niyon at may tinipa itong code at bumukas na iyon. "Ang galing." Manghang bulong ko sa sarili ko at pumasok roon si Ms. Glynde at may kinuha. Nagkatinginan kaming apat at excited na ngumiti sa isa't-isa. Mukhang hindi naman pala masama ang magtrabaho rito. Lumabas mula sa kwartong iyon si Ms. Glynde at may apat na maliliit na kahong inilapag sa mesa. Isinarado niya ang nakatagong pinto at ibinalik ang posisyon ng kabinet. "Here, para sa inyo yan. That's GPS tracker, makikita niyo diyan ang kwarto niyo and here." Kinuha niya ang hawak na malaking kahon ng kaniyang pinsan at binuksan iyon. Iniharap niya samin ang laman niyon at parang nalaglag ang mga panga ko sa nakita. "This are my newly invented weapons, they're for you." Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit kay Ms. Glynde. "Para samin yan?" Ngumiti lamang siya at ibinigay sakin ang kahon na may iba't-ibang klase ng kutsilyo. "I'm guessing you are good at handling knife my dear?" Kinuha ko ang isa sa mga ito at pinaikot-ikot sa mga daliri ko. "Yeah, this is amazing!" Bakas sa mukha ng dalaga ang saya dahil sa pinakita ni Ms. Glynde sa kanila. Isa-isa namang nagsilapitan ang iba pa niyang mga kaibigan at pinili ang mga sandatang gusto nila. Pagkatapos mamili ay nagpaalam na sila kay Glynde at nagsipunta na sa kani-kanilang kwarto. Hindi maitago ni Glynde ang saya dahil sa pagkakataong iyon alam niyang silang apat ang magiging bagong miyembro organisasyon. "That's the first time I saw you happy about the new trainees." Ibinaling niya ang tingin sa kaniyang pinsan at tinapik ang balikat nito. "They might be even better than us." Isang nakakakilabot na tawa ang pinakawalan ng dalaga at nagpatuloy sa pagsasalita. "I can't wait to make them suffer." "This is amazing indeed."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD