Pagkatapos naming dalawa ni Trevor sa photobooth ay sina Maxine at Travis naman ang pumasok doon sa loob. Ilang minuto din silang nanatili doon, kumpara kina Maxine at Trevor, mas mabilis sila ni Travis sa loob. Blank face lang si Travis hanggang sa makalabas silang dalawa ni Maxine sa loob ng photobooth, kanina rin noong pumasok sila ay ganiyan na ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Hey, Trav, put a smile on your face, huwag mo namang ipamukha sa kanila na napilitan ka lang na sumama sa akin dito." Natatawang sabi ni Maxine sa kaniya. "Here, take our picture baka sakaling mapangiti ka niyan." "Hindi ikaw ang makakapagpangiti sa akin." "Aw that's so mean, Trav! You're acting as if I didn't get your attention before. Baka gusto mong ikwento ko kung gaano ka kabaliw sa akin before." She

