Ang bilis ng mga araw. Ngayon ay ang huling araw namin dito sa White Soul Beach. Walang araw na hindi ako nairita kay Trevor noong dumating sina Maxine at Travis. Halos mawalan na kami ng time sa isa't isa dahil palagi na lang may gustong gawin si Maxine at laging sinasama itong si Trevor. Tulad ngayon, I don't even know where they are. Kanina ay nasa tabi lang namin sila pero bigla na lang nawala at hindi na namin mahanap ni Travis, kaya naman kami na lang ni Travis ang magkasama ngayon. Wala pa naman kaming dalang mga phone kasi iniwan namin sa hotel room. Hindi namin sila makokontak. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Tanghali na rin kasi at hindi naman marami ang kinain ko kaninang breakfast. Hindi ako nag heavy meal, nag breads lang ako and some hot chocolate. Huminto ako sa pag

