Iisa ang naging payo sa akin ni Gina at ni Susan. Nais na lang bakuran ko ng maigi ang asawa ko mula kay Maxine. Hindi naman siguro magagawa ni Maxine ang ganoong bagay. She's smart enough to be a mistress. Of course, she won't do that to herself. "I love you," Binasa ko yung message sa akin ni Trevor. Hindi ko na siya nireplyan. Talagang pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano ako kasuwerte na siya naging asawa ko. Siya ba ang pag-iisipan ko ng masama? I don't think he can do that to me. Hindi magagawang manloko ni Trevor sa akin. He's too in love with me. I badly want to type I love you too but I don't want to give him false hope. Ayaw ko pang sabihin 'yon sa kaniya as long as hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Though I know I already have feelin

