Bago matapos ang shift namin sa boutique, Travis came. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya sa boutique ko dahil meron siyang trabaho sa office ng asawa ko. Susan entertained him but he requested for me. Kaya naman wala akong nagawa kun'di iwan itong ginagawa ko sa opisina ko para lang puntahan siya. "Ano raw ba ang bibilhin?" tanong ko. She shrugged. "Undecided. He wants a diamond earrings, a necklace, hindi ko alam. Basta siya na lang tanungin mo. Halatang hindi pa siya decided sa bibilhin niya." Sambit ni Susan habang naglalakad kami papunta kay Travis. "Mukhang may pinapabili na naman sa kaniya ang gold digger na girlfriend. Tsk. Tsk." Bulong sa akin ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung pagbebentahan ko ba itong si Travis. Malinaw ang pagkasabi sa akin ni Don Tresiano na wag kon

