"Gusto niyo raw po akong makausap?" Iyan ang bungad ko pagkapasok ko sa opisina ni Don Tresiano. Ang lamig sa loob. Hindi ko nadala ang pansapin ko sa katawan upang panlaban sa lamig. "Maupo ka, hija," Don tresiano offered me a seat in front of him. Agad kong pinaunlakan iyon. "Salamat po," "Hija, didiretsahin na kita. Pinatawag kita rito sa opisina ko hindi dahil sa pag gasta ng pera ni Travis." "Kung hindi po iyon ang dahilan, ano po?" Hindi ko maiwasan ang kabahan. Ewan ko ba, kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na hindi dapat ako kabahan ay hindi ko naman nagagawa. Mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko. "Tungkol ito sa West Building. Gusto kong makiusap sa iyo na sana hindi malaman ni Trevor ang tunay na nangyari sa building na iyon. Wala siyang alam at hindi

