An hour passed, I noticed that hindi makapagtrabaho ng maayos si Susan. Yung dati na kapag may customer na papasok sa boutique namin ay agad niyang nilalapitan pero ngayon pinapasa niya agad sa iba naming employee at maayos na ineendorse sa mga iyon. Mawawalan siya ng customer kung patuloy na ganiyan ang gagawin niya. Hinayaan kong lumipas pa ang ilang minuto at inobserbahan lang ang mga galaw ng kaibigan. I think there is something bothering her. Kaya hindi na ako nakatiis at pinapunta na siya sa opisina ko para makausap ko ng masinsinin. "Tell me your problems," I told her. "What problems?" She asks. Akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang ginagawa niya sa labas. "Kanina pa kita tinitingnan, Susan, alam kong may problema ka hindi mo lang sinasabi sa akin. Tell me," Natawa s

