“Kailan ang kasal?” Nag-angat ng tingin si Kourtney nang muling magsalita ang ama ni Rick gamit ang bilog na bilog nitong boses. Nakita niyang nakatingin ito sa gawi nila Avery at hinihintay na sagutin ng mga ito ang tanong niya. “Next month, Sir. No specific date yet since my fiancé is busy saving lives,” sagot naman ni Red dito. Tumango-tango si Mr. Sanchez at sandali na tinignan ang dalawa. Dumako pa ang tingin nito kay Avery na tipid lamang na ngumiti saka nagpatuloy sa pagkain. Avery didn’t know what to say kaya pinili niyang tumahimik at makinig na lamang. Napag-usapan din nila ni Red na ito lamang ang sasagot sa mga tanong na ibabato sa kanila ng ama nito. Sa isang banda ay tahimik lamang si Kourtney na nagmamasid sa ginoo hanggang sa makita niya na mula kina Red

