Malungkot na nakaupo sa swing ang limang taon na si Kourtney. Nakayuko ito at nakatingin sa mga sapatos niya habang mahina na sinisipa ang mga bato. She should be happy and proud dahil importante ang araw na ito para sa mommy niya ngunit nang marinig niya ang sinabi ng mga kalaro kanina ay bigla siyang napaisip at nalungkot. “Kourtney? Why are you here alone?” tanong sa kanya ng ina nang makita siya nito. Nakasuot pa ang ina niya ng pang-pulis na uniporme dahil kakatapos lang nito pangaralan dahil sa pagkahuli nito sa isang notoryus na lider ng sindikato na nangunguha ng mga bata sa bayan nila. “Mommy do you love me?” malungkot na tanong ni Kourtney na tinignan pa ang mommy niya. Mabilis naman na pumantay sa kanya ang ina at naupo sa harapan niya. “Of course, I love you!

