Kourtney just came out from the operating room nang makatanggap siya ng text message mula kay Kim. Mabilis na naglakad si Kourtney patungo sa locker room para kunin ang doctor’s gown at iba niya pang gawin. Tinanggal din niya ang surgical cap na nasa ulo pa saka tinanggal sa pagkakatali ang mahabang buhok saka naglakad palabas ng silid. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makasakay sa elevator, sandali niya pa na tinignan ang wristwatch at nakita na alas tres na ng hapon. Hindi pa siya kumakain ng lunch kaya tamang-tama ang pagpunta ng pinsan niya. “Anong dala mo?” bungad na tanong niya sa pinsan nang makarating siya sa cafeteria at malapitan ito. “Uy, hello rin sayo, Kourtney!” sarkastiko na wika naman ni Kimberly na hindi pinansin ni Kourtney at kinuha mula dito ang lagay

