#Duplikado CHAPTER 77 Nasa loob kami ngayon ni Jerold ng opisina ni Dr. Montelibano dito sa malaking ospital. Nakaupo ako sa kanan habang sa kaliwa naman si Jerold at nakaupo naman ang doktor sa swivel chair nito na nasa likod ng office desk nito kung saan nasa harapan naman kaming dalawa dahil nakapwesto sa magkabilang gilid nito ang mga inuupuan namin. Napatingin si Dr. Montelibano kay Jerold. “Nice to see you again Jerold.” Sabi nito saka ngumiti. Napatango naman si Jerold. Matapos nitong batiin si Jerold ay tumingin naman ito sa akin. Ningitian rin niya ako kaya sinuklian ko na lamang din nang ngiti. “Nice to see you too... Rhaven.” Sabi nito. Napatango ako. Pinatong ng doktor ang kanyang siko sa kanyang mesa, pinagdaop ang mga palad. “Sorry kung nataga

