#Duplikado CHAPTER 81 Napahinga ako ng malalim, isinara ko ang pintuan ng tinitirhan kong apartment saka ako tumungo sa kama at naupo sa gilid nito. Kakauwi ko lang, medyo nanakit ang mga paa ko dahil sa kakalakad kanina. Nagpunta kasi ako sa dati kong eskwelahan para kunin ang mga credentials ko. Nagtanong na rin ako kung pwede pa akong mag-apply ng scholarship para matapos ko ang pag-aaral ko ngunit dahil biglaan akong huminto noon ng walang naging pasabi, naging bad record ko iyon dahilan para hindi na ako mabigyan ng another chance for scholarship at kung gusto kong mag-aral muli, kailangan ko ng magbayad ng tuition fees na sa ngayon, hindi ko pa mapupunan dahil sa wala pa naman akong sapat na pera panustos. Napabuntong-hininga muli ako. Hay! Ngayon ko na ulit nararan

