#Duplikado CHAPTER 69 Lumabas ako ng kwarto, naabutan ko si Jerold na nakadekwatrong nakaupo sa sofa, nakatutok ang mga mata sa pinapanuod sa telebisyon habang may hawak na lata ng alak na siyang iniinom nito. Walang ekspresyon ang mukha nito kahit na nakakatawa naman ang palabas sa tv. Napabuntong-hininga ako. Kanina ok naman siya nung namamasyal kami pero ngayon, nag-iba na naman ang mood niya. Ewan ko ba pero hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit, umupo ako sa single sofa na katabi lamang ng kanyang inuupuan. Sa puntong iyon, napatingin na siya sa akin. “Akala ko tulog ka na.” Sabi nito. Tipid akong napangiti. “Hindi pa ako makatulog.” Sabi ko. Totoo naman, hindi pa ako makatulog.

