#Duplikado CHAPTER 67 Lumipas pa ang mga araw at lagi kaming magkasama ni Jerold sa unit niya. Sa panahong iyon, mas nakikilala ko siya lalo na ang mga ugaling meron siya. Minsan bugnutin pero madalas ay ok naman siyang kausap. Sa totoo lang, hindi naman siya ganun kasamang tao, masasabi kong mabait pa rin siya sa kabila ng lahat. Siguro nagawa at nasabi lamang niya sa akin ang mga bagay-bagay noon na makakapagsabing masama siya ay dahil sa may pinoprotektahan siya, may ayaw siyang mawala sa buhay niya at iyon si Alexander dahil sa pagmamahal niya para rito. Sa ngayon ay wala pa kaming naiisip na susunod na hakbang para mapuntahan ulit si Alexander sa mansyon ni Dylan at subukang maitakas ulit ito. Nagpapalamig muna kasi kami dahil ilang araw pa lang naman ang nakakalipa

