#Duplikado CHAPTER 61 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Nakatayo sa gilid ng kama si Dylan, nakatingin sa nakahiga at natutulog ng si Alexander sa kama. Nasa loob sila ngayon ng kwarto niya. Bakas sa mukha ni Dylan lalo na sa mga mata nito ang kalungkutan habang nakatingin sa asawa. Nalulungkot siya dahil nakikita niya ang hirap sa mukha ni Alexander, ramdam niyang hirap na rin ang kalooban nito sa kanyang ginagawa. Napabuntong-hininga siya. Hindi naman niya ito gustong gawin. Sa totoo lang, habang pinapahirapan niya si Alexander, tila hindi na rin niya kilala ang kanyang sarili. Alam niyang hindi siya ganito pero dahil nabulag na siya ng galit at sakit, nagagawa niya ang mga bagay na kahit sinong taong nakakakilala sa kanya ay sasabihing imposible na magawa ito kay Al

