#Duplikado CHAPTER 65 Ilang araw rin ang lumipas... nabuo na ang plano namin ni Jerold para mapuntahan at maitakas na rin si Alexander kung sakali at ngayon nga ay isasakatuparan na namin iyon. Nakakubli kaming dalawa sa isang poste, sa kabilang kalsada kung saan kita namin ang mansyon ni Dylan. Malalim na ang gabi pero hindi naging hadlang iyon para walang makita ang aming mga mata dahil may mga ilaw pa naman na nanggagaling sa mga street lights sa paligid at ang sinag ng buwan na nagbibigay liwanag. “Sa tingin mo ba maaakyat natin ang bakod na ‘yan?” tanong sa akin ni Jerold. Nasa likod ko siya at sa totoo lang, hindi maiwasang madikit niya sa likod ko ang katawan niya dahil na rin sa sumisiksik siya sa akin. Hindi ko na lamang masyadong binibigyang pansin. Napat

