#Duplikado CHAPTER 63 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Nasa hapagkainan na ngayon sila Rhaven at Dylan at kasalukuyang pinagsasaluhan ang nakahandang almusal. Magkatapat ang kanilang kinauupuan. Napahinto sa pagkain si Dylan at napatingin kay Rhaven. Tama nga siya ng hinala, hindi ito kumakain at nakatingin lamang sa kanya na kanina pa niya nararamdaman. “Bakit ka nakatingin sa akin? Saka bakit hindi ka diyan kumakain? Hindi ka ba gutom?” pagtatakang tanong ni Dylan. Napangiti si Rhaven. Nangalumbaba pa ito at mas lalo pang tiningnan si Dylan na nakaramdam naman nang pagkailang sa ginagawa niya. “Sinusulit ko lang kasi ‘yung panahon na nandito ako at kasama ka.” Sabi ni Rhaven. Hindi na ito nahihiya pa sa mga sinasabi niya dahil iyon naman talaga ang tunay

