#Duplikado CHAPTER 59 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Halos ibalibag ni Dylan si Alexander sa kama ng makapasok sila ng kwarto dito sa mansyon. Malakas na isinarado kaagad ng una ang pintuan at ini-lock iyon. Kaagad namang napatingin ng masama si Alexander kay Dylan. Hinihimas ang braso nitong mahigpit na hinawakan kanina ng asawa. Ramdam na ramdam nito ang sakit sa parteng iyon. Wala namang ekspresyon ang mukha ni Dylan habang nakatayo at nakatingin kay Alexander. “A-Anong gagawin mo sa akin ngayon?” tanong ni Alexander. Masama man ang tingin niya kay Dylan pero hindi niya maitatangging may takot siyang nararamdaman. Kilala niya si Dylan, minsan lamang itong magalit pero hindi gugustuhin kapag nangyari dahil sa sobrang tindi. Napangisi si Dylan. Humalukipk

