#Duplikado CHAPTER 57 Naging masaya ang date namin ni Dylan kahapon. Nagpunta lang naman kami sa isang amusement park. Sa ibang lugar ito at hindi namin binalikan ‘yung nauna naming pinuntahan noon. Tawanan, asaran at walang katapusang lambingan ang naganap na sa totoo lang, ayoko nang matapos pa. Ngayon ay nasa Cebu na si Dylan. Isang araw lang naman siyang mawawala pero sigurado ako sa aking sarili na mamimiss ko siya. Hindi na rin kasi ako sanay na hindi siya kasama. Mag-isa lamang ako sa opisina niya ngayon. Nakaupo ako sa aking swivel chair at may ginagawa sa kaharap kong computer. Napatigil ako sa aking ginagawa. Napatingin ako sa mesa ni Dylan. Napangiti ako. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit sa mesa niya na ngayon ay walang Dylan na umuukopa

