#Duplikado CHAPTER 55 Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ko ang sulat na natanggap ko at nabasa ko mula rito. Magkahalong takot at kaba ang aking nararamdaman na hindi pa rin nawawala. Hindi ko maiwasang isipin kung sino ba talaga ang taong nagpadala ng sulat na siyang may alam sa lahat ng sikreto. Paano niya nalaman? Bakit ngayon lamang siya nagparamdam na may alam pala siya? Ano bang mga binabalak niya? Sa tingin ko ay may alam nga ang taong ito. Alam niya ang pangalan ko at pangalan ni Jerold. Given na kilala si Alexander dahil isa itong dating modelo pero bakit pati kami ay kilala niya? Hindi kaya malapit itong tao sa buhay ni Alexander? Dati niya kaya itong tagahanga? Nakakalito ang mag-isip. Iniisip ko rin, baka may alam din dito sila Alexander at Jero

