CHAPTER 49 AND 50

4492 Words

#Duplikado KWARENTA’Y NWEBE     Sabay kaming umuwi ni Dylan sa mansyon at ang akala ko ay tapos na ang selebrasyon pero hindi pa pala dahil dito, naghanda rin ang lahat para sa kaarawan ko.     Napatingin ako kay Dylan, alam kong siya ang may pakana nito. Punong-punong ng lobo na kulay pula ang buong paligid ng mansyon. Ang mga trabahador, ayun, nakapalibot sa amin na may mga ngiti sa labi.     Napangiti sa akin si Dylan.     “Dapat hindi ka na nag-abala pa dito sa mansyon... Nagcelebrate na nga tayo kanina.” Sabi ko.     “Hindi naman pwede iyon... dapat lahat ng taong bahagi ng buhay nating dalawa, kasama sa selebrasyon, ‘yung mga nasa opisina man at dito sa mansyon.” Sabi ni Dylan.     Napangiti na lamang ako.     “Sir... Nakahanda na ho ang mga pagkain.” Sabi ng isang yay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD