#Duplikado CHAPTER 51 Tahimik kaming dalawa ni Jerold habang binabagtas na namin ang daan papunta sa unit niya. Siya, seryoso lamang ang kanyang mukha na nakatingin sa dinadaanan habang ako, nakatingin sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Iniisip ko kung ano na ang ginagawa ngayon nila Dylan at Alexander. Bukod pa roon, may bahagi sa akin na nakakaramdam ng selos at sakit. Alam ko na wala naman akong karapatan para maramdaman ang mga iyon dahil in the first place, si Alexander naman talaga ang tunay na nagmamay-ari kay Dylan at mahal nito habang ako’y nagpapanggap lamang pero kasi, mahal ko siya. Siguro naman sa dahilan na iyon, may karapatan na ako kahit papaano di ba? Napabuntong-hininga ako. Marahil ito na siguro ang kaparusahan sa lahat ng kasalanang nagawa

