Kabanata 2
Sa sumunod na dalawang araw ay nagsimula na agad sa aking trabaho. Alas sais palang ay naghanda na ako ng aking sarili. Mejo kinakabahan din ako, dahil unang trabaho ko ito at isa pa ay anxious din ako. Iba ang tingin ko pag club. Dahil sa isip ko ay nandoon lahat ng mga liberated at mga maniac na mga lalaki, pero wala akong choice. Kailangan kong sanayin ang sarili ko.
Humigop ako ng hangin nang makarating na ako sa club. Hindi ako komprtableng pumasok sa loob.
Wala pang mga customer kaya hindi pa ganoon kaingay. Pero sigurado ako na maya-maya lang ay makikita muna ang mga dagat ng mga tao na nagsasaya dito.
Na-orient naman ako kahapon kaya alam ko nadin naman ang gagawin. Pumunta ako sa kwarto kung saan naroon yung aming mga locker. Pagkatapos ay mabilis akong nagpalit ng uniporme.
Habang kasalukuyan akong naglalagay ng apron bigla namang dumating ang supervisor namin. Nag-ayos lahat kami ng tayo at bumati sakanya.
Dumagundong ang puso ko nang biglang sumagi ang tingin nya sa akin. "Bago ka?"
Tumango ako. "Opo," sagot ko. Tumango lang din sya at naghalukipkip, at nagsimula na nyang sabihin lahat sa akin ang mga kailangan at hindi kailangang gawin.
Komportable naman ako na waitress lang talaga ang trabaho ko, at wala ng iba. Iba nang iniisip ko noon na waitress s***h pagbebenta ng laman.
Maya-maya pa ay nagsi-datingan na ang mga customers. Isang iglap lang ay halos mapuno na ang club. Kaya naging abala ako, yet naging produktibo.
Kailangan kong magpakabibo sa trabaho. Para maganda naman ang maging feedback sa akin ng mga boss ko.
"Miss?" May nagtaas ng kamay na lalaki at bumaling sa akin. Patakbo ang lumapit sakanya.
"Yes po?" magalang kong sabi, at tumungo ako sakanya. Nagsimula naman nyang sabihin lahat ng mga order nya at ako naman ay mabilisan ko itong tine-take down sa aking maliit na notepad.
"Anything else sir?" Wika ko. Ko tsaka ako muling nag-angat ng tingin.
"Yes," kaswal nyang sinagot. Tumalikod na ako at nagmamadaling umalis doon at agad na nagtungo sa kusina.
Tagaktak ang pawis ko nang lumipas pa ang ilang oras. Hindi ko expect na ganito pala kapagod ang pagiging waitress. Walang humpay sa pag ha-half run. Daig ko pa yata ang nag ma-marathon sa sobrang kapaguran, hindi bale Lorraine. Masasanay Karin.
Mas lalo ding dumami ang mga taong nagsisidatingan nang lumipas pa ang ilang saglit. Nakakabingi ang tugtog na galing sa soundsystem. Para din akong nahihilo sa bawat pagtama ng mga neon lights sa aking mga mata.
Hindi talaga ako sanay sa ganito, hindi naman kasi ako pumupunta ng club noon. Hindi ko rin akalain na ganito pala ang itsura kapag sumapit na ang gabi, taliwas nung araw na nag-apply ako dito.
Hilo-hilo ako ng mapabaling ako sa entablado, dahil doon lahat ang atensyon ng mga tao, naghiyawan pa ang mga kalalakihan at nagpalakpakan. Anong meron?
Naging perfect shape O ang bibig ko dahil nakita ko doon si Anne na ngayon ay sexy'ng nagsasayaw doon. Holy Crap! Dito din pala sya nagtatrabaho?
Wala syang nasabi sa akin. At hindi ko rin naman kasi naitanong kung saan sya nagtatrabaho, at tsaka madalang lang kasi kung mag-usap kahit na roomie kami.
Pinanuod ko ang pagsasayaw nya, hindi naman iyong tipong malaswang tignan. Parang nag-seseduce lang sya at gumigiling-giling in a sexy way. Napalunok ako, sana naman hindi sya pumapayag na i-table sya ng mga lalaki.
Suddenly, bigla nalang syang napatingin kung saan ako nakatayo ngayon. Bakas sakanya ang pagkagulat marahil hindi rin sya makapaniwalang parehas lang pala kami ng club na pinagtatrabauhan.
Sandali lang ang tinginan naming dalawa. Agad din syang nag-iwas ng tingin. Para tuloy akong nagkaroon ng urge na gusto ko pang makilala pa ng husto si Anne. I wanna know her better, at ang istorya ng buhay nya.
I erase all the thoughts at my head at muling nag-concentrate sa pagtatrabaho. Madami ng mga customer ang nagpaabot ng kanilang mga bayad.
Maligaya ako dahil sa unang pagkakataon ay meron isang nagbigay ng tip sa akin. Thank yo lord, malaking tulong itong binigay nya lalo na't hindi pa ako sumasahod.
"Maraming salamat po," natutuwa kong sabi.
"That's not a problem, by the way, bago ka dito no?" Tanong nya at nagpalumbaba sa mesa.
Tumango ako. "Opo," sabi ko. Pagkatapos nun ay hindi na sya muling nagtanong pa, humilig nalang sya sakanyang upuan.
Para tuloy naibsan lahat ng pagod ko dahil sa natanggap kong malaking tip.
Nang matapos ang duty ko ay hinubad ko na ang aking uniporme. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin, grabe ang tagaktak ng aking pawis kaya maagap ko 'tong pinunasan.
Nang ayos na ang lahat ng mga gamit ko ay handa na ako sa pag-out. Karamihan ng mga katrabaho ko ay halatang pagod na pagod din.
Ang mga maintenance na ang naabutan ko paglabas ko ng aming quarters. Sila ang mga naglilinis sa kabuuan ng club na ngayon ay magulo na tila ba dinaanan ng isang buhawi.
I sighed, pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng club. Malamig na, madaling araw na kasi kaya hinagkan ko ang sarili ko.
Aamba na sana akong sumakay ng jeep nang bigla nalang may tumawag ng pangalan ko.
"Lorraine!" May narinig akong lagatik na tunog na galing sa heels. Lumingon ako upang makumpirma kung sino ba iyon, at laking gulat ko nang si Anne pala ito.
"Anne," sabi ko na wala sa sarili.
Hingal na hingal sya nang lumapit sa akin. "Ngayon ko lang nalaman na dito kadin pala nagtatrabaho," Pambungad nyang sabi sa akin.
"Uh.. Sa totoo lang, first night ko palang dito sa pagtatrabaho bilang waitress." Tumango-tango sya pagkatapos ko iyong sabihin.
Agad ko namang sinegundahan iyong sinabi ko. "Ikaw, bakit hindi mo sinabi sa akin na dito ka pala nagtatrabaho?" Tanong ko.
"Madalang lang naman kasi tayo kung mag-usap, at hindi napupunta ang usapan doon kaya hindi ko rin nasabi sa iyo," bulalas nya.
"Uuwi kana ba? Gusto mo bang sabay na tayo?" Yaya ko. Ngumiti sya, at agad namang pumayag.
Kaya ayun, sabay kaming sumakay ng jeep, habang nagke-kwentuhan padin. Sa tatlong araw na pagkakakilala namin ni Anne, ngayon palang lumawak at tumagal ang pag-uusap namin ng ganito.
Hanggang pagbaba namin at paglalakad patungo sa tinitirhan namin ay nagkekwentuhan parin kami.
"’Wag ka sanang mao-offend ha? Pero anong tawag sa trabaho mo doon sa club?" Awkward kong tanong, I'm afraid that I might said a wrong question. At maging awkward iyon sakanya. Paano nalang kung ayaw nyang pag-usapan ang tungkol doon.
Hilaw syang ngumisi, "Hindi pa ba obvious Lorraine? Halata naman sa pananamit at make-up ko hindi ba? Entertainer ako," Masyadong naging mahirap para sa akin ang pag follow up question.
"Entertainer, it means nagpapasaya, yun lang naman iyon hindi ba?" Wika ko. Tama naman ako dun hindi ba? Iniisip-isip koi to, entertainer, nagbibigay lang ng kasiyahan pero doesn’t necessarily mean na nagbebenta kaagad ng laman hindi ba?
"Tama ka, pero sa tingin ng mga iba ay pokpok kami, dahil nagsasayaw kami ng sexy?" Umawang ang bibig ko dahil dun sakanyang sinabi. Stereotype na kasi talaga iyon. Tingin talaga ng mga iba kapag nagtatrabaho ka sa club ay pokpok na agad. Kahit sa totoo nyan, ay hindi lang naman pagbebenta ng laman ang mga trabaho doon.
"Hindi ka naman ganun hindi ba?" Sabi ko.
Napasinghap sya at tumingin sa kawalan. "Oo, pero sa totoo lang, sinubukan ko, sinubukan ko yung ginagawa ng iba na magpa-table o---ibenta ang kanilang sari--, pero hindi ko talaga keri e, kaya hindi hamak na ako ang pinakakonti ang kita sa lahat ng mga kasamahan ko." Halos yata magkasugat ang labi nya sa labis na pagkagat ditto nang sinabi nya iyon.
Napangiti ako, mabuti naman pala kung ganun. Tingin ko, mabuting babae naman itong si Anne.
"Pero kung ako ang nasa posisyon mo, di ko rin naman iyon kayang gawin." sabi ko.
"Pero minsan, hindi mo rin maiiwasan na may mambabastos at hihipo sa yo, common na yun sa trabaho namin. Pero sabihin mo nga Lorraine, hinusgahan mo ba ako noong nakita mo kong sumasayaw kanina? Agad bang pumasok sa 'yo, yung alam mo na.. Na GRO ako?" Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin. Nagulantang ako sa tanong nya.
"Sabihin mo ang totoo, hindi naman ako ma-oofend," Muli nyang sabi.
Noong una ko pa lang nga syang nakita ay inaamin ko ay nahusgahan ko na sya agad sa isip ko. Pero ngayong nakapanayam ko sya at lumalim ang mga pinag-uusapan namin ay naglaho na lahat ng mga masasamang iniisip ko sakanya.
"Oo, pero ngayon hindi na.. Iba ka sa inisip ko kung ano ka nung una, sorry." Napakagat ako sa labi ko at napayuko.
"Sorry kung napag-isipan man kita ng masama Anne," pagpapaumanhin ko. Tumawa lang sya, kahit wala namang nakakatawa doon sa sinabi ko.
Hinampas nya ako sa balikat. "Ano ka ba, okay lang yun ano!" Kibit-balikat ang tono nya, at mukha namang hindi sya nagkahard-feelings towards dun sa sinabi ko.
Sya ang nagbukas ng pintuan ng bahay. Naging tahimik ng panandalian hanggang sa nagsalita sya ulit noong makarating na kami sa aming kwarto.
"Maiba naman tayo, taga dito kaba talaga?" Aniya at umupo sa may harap ng salamin, kumuha sya ng wipes mula sakanyang bag at inalis ng unti-unti ang kanyang make-up.
Hinubad ko muna ang bag ko at sapatos ko bago sumagot. "Hindi e, sa totoo nyan kaya lang ako napadpad dito, dahil pinalayas ako dun sa dati kong tinitirhang bahay," Paliwanag ko.
"Bakit naman?" tanong nya. Kuryoso. Naisip ko ang demonyo kong tiyo. "Pabigat na daw kasi kami, kaya ayun." matabang kong saad.
"Kami?" nalilito nyang sabi. Hindi ko pa pala nasabi sakanya na may kapatid akong kasamang lumuwas dito.
"Oo, kasama ko ang kapatid ko." Napatigil sya sa pagpupunas ng kanyang mukha at napabaling sya sa akin. "Nasaan sya?"
"Nasa shelter sya ngayon, mga social workers ang nag-aalaga sakanya," malungkot kong tugon, naalala ko bigla ang kapatid ko.
"Bakit sya naroon?" Aniya, nagtatka. at umalis doon sa harap ng salamin at tumabi sa sya paanan ko.
"May kapansanan kasi sya, cerebral palsy, isang kapansanan kung saan ang paa at kamay nya ay habang-buhay ng mahina. Hindi ko kaya na ako mag-alaga sakanya, dahil hindi ako makakapaghanap-buhay kung ganon." Kita ko ang simpatya sa mukha ni Anne pagkasabi ko nun. Para ding biglang nagtubig ang kanyang mga mata.
"Kawawa naman pala, mas pang-MMK pala ang buhay mo kesa sa akin." Humalakhak sya, siguro para pigilan din ang lungkot na bumabalot.
"Ilang taon naba sya?" tanong nyang muli. "She's eleven years old." Ngiti ko.
"Ano ang kanyang pangalan?"
"Angel," ngiti ko.
"Eh ang mga magulang mo, nasaan sila?" Untag ni Anne.
"Ang nanay ko dalawang taon na ang lumipas ng mamatay sya sa sakit sa baga, samantalang ang tatay ko naman ay patay na sampung taon pa lamang ako." Wika ko. Unti-unting lumungkot ang mukha ni Anne at napayuko. "Parehas pala tayo," bulong nya sa malungkot na tono.
"Wala nadin sila?"
Tumango sya. "Oo, matagal nadin silang patay," Pinahid nya ng mabilis ang luhang pumatak mula sakanyang mata.
"Matagal na akong mag-isa sa buhay, sanay na sanay na nga ako. Pero hindi ba nakakabilib dahil ang tatag natin?" Tumawa sya. Napangiti ako, hindi na ako magtataka kung bakit matatag si Anne. Bakas naman iyon sa personalidad nya, tingin ko sya iyong tipo ng babae na hindi kaagad magigiba, kaya parang namo-motivate akong magpatuloy sa buhay dahil nakahanap ako ng katulad ko na mahirap ang mga pinagdaanan sa buhay.