Kabanata 3

1961 Words
Kabanata 3 Tulala akong kumakain ng instant noodles, araw ng biyernes ngayon at konting tiis nalang ay makukuha ko na din ang aking pinakaaasam na unang sweldo. Kakagising ko lang din, Tinanghali na naman ako kasi madaling araw na ako natulog. Mukhang kailangan ko ng masanay sa ganitong routine ng aking buhay. Gising pag gabi at sa kalahati ng araw ay tulog. Humihigop ako ng sabaw nang bumungad sa akin si Anne na ngayon ay pahikab-hikab pa habang kinukusot-kusot ang mga mata. Kakagising nya lang at mukhang wala pa sa wisyo dahil hilo-hilo pa; antok na antok pa rin. Para syang nakakita ng multo noong magtagpo ang mga mata namin. "Magandang tanghali," simpleng bati ko sakanya. Hindi ko pwedeng sabihing good morning dahil alas onse y media na. Ngumisi sya at hinila ang isang silya tsaka sya umupo roon. Napangiwi sya ng makita nya ang kinakain ko. "Uh, Lorraine... Noodles na naman ba?” Nagtaas sya ng kilay. Bumagsak ang tingin ko sa kinakain ko. Tama sya, noodles na naman.Tatlong magkasunod na araw na palaging ganito ang kinakain ko. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko sa ngayon. Paraan para mas makatipid. Petsa de peligro pa ang aking sitwasyon. Tumawa ako. "Oo, gusto mo?" Nagyaya pa ako. Sumimangot lang sya. "Hindi ka kaya magkasakit nyan, dahil puro instant nalang palagi ang kinakain mo?" Malamang sa malamang pag tumagal pang ganito baka magkasakit na ako sa bato. Napa-bungisngis ako sa aking naisip. Sa kabila ng lahat ay natawanan ko pa rin ‘yun. Ngumuso ako pagkatapos nya iyong sambitin. "Eh alam mo kasi nagtitipid ako. tsaka nalang ako kakain ng masarap kapag sumweldo na ako," halakhak ko. "Seryoso? Kailan ka last nakakain ng may sustansyang pagkain?" Aniya. Tumingala ako upang isipin kung kailan nga ba. "Nang nasa bahay pa ko ng uncle ko, pero nang napalayas kami, du’n na. Di na ako nakakain ng may sapat na nutrisyon." Masyado na yatang kaawa-awa ang sitwasyon ko. Kita ko na sa mga mata ni Anne ang pagkahabag. Uminit ang pisngi ko sa hiya. Biglang tumayo si Anne at hinawakan ang kamay ko. Tumingala ako sakanya at binigyan ng naguguluhan na ekspresyon. "Bakit?" tanong ko. "Mag-go-grocery tayo, hintayin mo lang ako. Maliligo lang ako, pagkatapos nating mag-grocery, magluluto tayo ng masarap!" sabik nyang sinabi. "H-huh? Sasama mo ako?" nalilito ko pang tanong. Tumango-tango sya kaagad. "Oo nga! Tara na, may pera pa naman ako dito e, naaawa na kasi ako sa 'yo, masyado mong tinitipid ang sarili mo," Aniya sa natatawang tono. Kahit paboro iton e alam ko pa rin na lumambot sya sa mga naikuwento ko. Bahagya din akong natawa sa sinabi nya. "Oh sige. Ililigpit ko lang ito," wika ko. Tumango sya. "Okay, hintayin mo ‘ko!" Nagmamadali syang pumasok uli sa kwarto. Ako naman ay napangiti. Ngayon, dahan-dahan ay nararamdaman ko na talaga ang pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan, at nakikita ko sa kay Anne na sinsero sya sa pagiging malapit sa akin. Lumipas lang ang ilang sandali ay lumabas na din si Anne mula sa kwarto. Agad-agad kaming lumabas ng tinitirhan naming bahay at nagtungo sa malapit na grocery. Pareho kaming nakahawak sa cart habang tinitignan-tignan ang mga tindang nasa mga estante. Madaming pinamili si Anne na pagkain. "Anne, hindi kaya maubos ang pera mo nyan? Tama na ito." Sabi ko’t nginuso na ang mga grocery goods sa aming mga cart. Tinignan nya yung mga pinamili nya. "Ang konti palang naman e, kaya 'to. Ano kaba?” baliwala nyang sabi at nagpatuloy sa pagkuha ng kung ano-ano. Pumunta kami sa section ng grocery kung nasaan ang mga karne. Tuwang-tuwa sya nang makakita ng pork at chicken meat. Kumuha sya ng tig-iisang balot at parang tangang ibinilandra sa harap ko. Sumayaw-sayaw pa sya. "Sa wakas, Lorraine makakain kana din ng karne!" Humalakhak pa sya. Umiling ako habang natatawa din. Sa kaloob-looban ay nahihiya din. Ang sabi nya kasi para sa aming dalawa itong mga pinamili nya. Kailangan pag time ko ng sumweldo ay bumawi naman dapat ako sakanya. Kaya naman, pagkauwi namin galing sa pag-gogrocery ay tuwang-tuwang kami. Mas lalo na si Anne, hindi nya iniinda kung maubos man ang sweldo nya dahilan nya ay may dadating pa namang sunod basta magtatrabaho lang sya ng maayos. Nang makauwi kami ay nagluto kaming pareho. At iyong mga pinamili nyang mga delata ay sinilid nya sa cabinet ng aming kwarto. Aniya'y mahirap na daw baka kunin iyon ng land lady namin, at iba pang pang sunod na titira dito. Nagluto ako ng adobo habang sya ay tumitingin lang, na tila ba nanonood sya ng isang cooking show. "Magaling ka palang magluto Lorraine," puri nya sa akin. "Uh... ‘di naman," nahihiya kong sabi. I just want to sound humble, kahit sa totoo nyan ay ang pagluluto ang isa sa mga great skills ko. Nagmana kasi ako kay mama na sobrang galing sa pagluluto. Naaala ko pa nga noong mga panahon na namamasukan pa sya bilang kasambahay sa Fontanilla Family, palagi ako ang kanyang katuwang. "Ang galing e. The way kung paano ka mag sangkutya ay parang isang chef na din! at isa pa, amoy palang nyang niluluto ay mukhang masarap na," sabi nya at pumikit pa ang loka habang inaamoy amoy itong niluluto ko, para bang dinadama nya talaga ito. "Hilig ko kasi ang pagluluto." Ngumisi ako. "Eh bakit hindi ka mag-chef?" Sabi nya na animo'y ganun lang kadali ang maging isang chef. "Yun na nga... ‘Yun ang pangarap ko, kaso sa kahirapan ng buhay parang 50-50 pa kung maabot ko ang pangarap na 'yon." May bahid ng lungkot sa sinabi ko. Bata palang, pangarap ko na talagang maging isang chef. Kaso paano ko matutupad iyon kung di ako mag-aaral ng culinary arts hindi ba? Eh sa kinasamaang palad, hindi ako makaaral dahil walang pampaaral. "Pwede mo namang maabot iyon basta magsikap kalang, eh sa nakikita ko sa 'yo mukha ka namang masikap at masipag,” wika nya. "Pipilitin ko, pag nakaipon baka magawa ko pang mag-enrol," sambit ko. Sana nga. Kasi alam ko na hindi biro-biro ang matrikula sa pag-aaral ng kulinarya. Pwera nalang siguro kung scholar ka. Pero depende pa rin. "Eh, ano bang natapos mo?" tanong nya. "High school lang," simpleng sagot ko. Muntikan ko na ngang hindi matapos nang mamatay si mama. Pero sinikap ko parin ang matapos ang high school. "Pareho pala tayo," aniya. Nakikita kong madami kaming pagkakapareho nitong si Anne. Pareho ding mahirap at pareho madami ng pinagdaanan sa buhay. "Pero kung ikaw ang tatanungin, gusto mo pa bang mag-aral?" tanong ko. Napasinghap sya at sumandal sa may sink. "Syempre. Iba parin kasi kapag nakatapos," malungkot nyang wika at tsaka sya humalukipkip. "Tama ka, bata palang naman tayo, kaya pag may opportunity na dumating para makapag-aral ay sunggaban na agad natin," Sabi ko sabay ngiti. Ganon din sya at playful nya akong yinakap patalikod. Nang kumakain naman kami ay nalihis naman sa usapan bigla ang tungkol sa lovelife. "May boyfriend ka ba Lorraine?" tanong ni Anne sa malisyosong tono. Agad akong umiling. Gusto ko ngang sabihin na minsan ay hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo. "Wala," diretso kong sagot. "Ikaw ba?" paglipat ko ng tanong sakanya. Pumula ng husto ang kanyang pisngi at parang nahihinuha ko na... Na meron ngang nagpapasaya ngayon dito kay Anne. I tease her. "Meron ano?" Ngumisi ako. Tumango naman sya, sinasabi ko na nga ba. Pakiramdam ko noon pa man una kaming magkasama dito sa dorm ay merong boyfriend itong si Anne. Palagi kasi syang tutok sa cellphone nya at palaging may kausap, at kung minsan ay mag-isang tumatawa sa tuwing kaharap nya ang kanyang cellphone. "Sino?" kuryoso kong tanong. "Basta, ipapakilala ko din sya sa 'yo,” maligaya nyang sabi. Nasabik din ako dahil gusto kong makilala ang kanyang boyfriend. But I hope, sana ay maayos sya at huwag nyang tangkaing lokohin itong si Anne. "Palagi ba syang nasa Bobson's Club?" Ang club na pinagtatrabauhan namin. "Madalas sya doon ‘pag weekends," sagot nya. "Ahh, san kayo nagkakilala?" kuryoso kong tanong. "Sa pinagtatrabauhan natin." "Okay? Kumusta naman sya bilang isang boyfriend? Hm. Sigurado ka ba talaga sa lalaking yan? Baka paiyakin kalang nyan ha?" Tila isa akong nanay doon sa mga sinasabi ko na ikangiwin ni Anne. Sumimangot sya para talagang ayaw nya doon sa aking sinabi. "Hindi no, at tsaka isa pa...hindi ko naman sya sasagutin kung hindi maganda ang ugali nya. Eh mailipat ko sa ‘yo ang tanong bakit wala kang boyfriend?" Ang totoo ay wala akong panahon sa pakikipagrelasyon. Tingin ko kasi ay masyadong maproblema ang buhay ko kaya hindi ko na napagtutuunan ng pansin, ayoko ng idagdag pa. "Wala e, walang dumadating, at tsaka ayoko." Ngumuso sya pagkasabi ko non. "NBSB ka?" Natigilan pa ako ngunit tumango din naman kalaunan. "Walang nanliligaw?" Napatigil muli ako at naisip yung mga panahon na hinahabol-habol ako ng mga lalaki noong high school pa lamang ako. Aminado naman ako na madami ang manligaw sa akin noon, subalit, ni isa ay wala akong sinagot. "Dati madami, pero wala akong sinagot," Kibit balikat ang tono ko. "Grabe... Picky ka masyado ano?" Ani Anne na halatang intrigang-intriga. "Hindi naman, ayaw ko lang talaga." Saad ko. Bumuntong hininga si Anne. "I can't wait sa panahon na inlove ka na," humalakhak sya na para bang may bahid ng panunukso. Biglang sumagi sa isip ko si Simon, parang yung lalaking iyon lang talaga ang naging crush ko. Bata pa ako non huh? Kaso, magsimula nang magkasakit si nanay at kinakailangang tumigil na sa pagtatrabaho ay umalis na kami sa bahay na iyon at hindi na kami nagkita pang muli. Kinagabihan ay sabay kaming naglakad papunta sa sakayan ng jipni Anne. Habang naglalakad naman kami panay ang kantsaw at sipol ng mga nag-iinuman sa bangketa dito sa lugar kung saan kami nakatira. Ngumiwi kami ni Anne at nababakas naman talaga sa mukha namin ang pagkayamot. Nagtangkang lumapit yung isa na mapupungay na ang mga mata dahil sa kalasingan. "Hi mga miss!" Anito, at aamba ng lumapit sa amin ngunit pinigilan ito ni Anne. "Huwag ka ngang lumapit!" iritadong sabi ni Anne at inirapan iyong lalake. Sumimangot iyong lasing na tambay. "Ang sungit naman nito!" Bumaling sya bigla sa akin sabay kindat, nagtindingan lahat ng mga balahibo ko sa katawan nang ginawa nya iyon. "Pwede bang makipagkilala miss? Ang ganda mo naman, ako nga pala si Jericho!" saad nya. Umawang ang bibig ko nang binalandra nya ang kanyang kamay sa harap ko. Hesitant pa ako kung tatanggapin ko pa. Bigla na akong hinigit ni Anne papalayo doon sa mga lasenggerong mga tambay. Dinig na dinig ko ang kantsawan nila dun sa Jericho paglayo namin sakanila. "Naku naman! ‘Wag mo ngang itolerate iyong mga tambay na 'yon. Kaimbyerna sila!" Ani Anne. Pinagkibit-balikat ko nalang, at sabay na kaming sumakay ng jip. Habang papunta kami sa trabaho ay panay naman ang text ni Anne, hindi na naalis ang kanyang mga mata sa cellphone nya. Siguro at katrxt nya na naman ang kanyang boyfriend. Nang makarating na kami ng club ay naglihis na kami ng landas ni Anne, sya ay pumunta na sa mga katrabaho nya at ganun din ako. Nang magsidatingan na ang mga customers, as usual todo kayod na naman ako. Habang abala ako sa pagseserve ng samo’t-saring customers may isang lalaking sadyang nakapagpagpagabag sa akin. Kanina pa kasi nakatitig sa akin, at ‘yung tingin nya ay para para bang sinusuri ako. Hindi ko gusto ang paninitig nya ng malagkit, makabuluhan. Binalingan ko sya for the third time. At nakatingin padin sya. Ngumisi sya ng nakakaloko at ako naman ay agad na nag-iwas ng tingin, at halos patakbo ng pumunta ng kusina. Napakagat ako sa aking labi at nagsimula ng dumagundong ng malakas ang puso ko. May balak kaya iyong lalaking iyon sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD