Kabanata 4
Pinilit kong huwag mapabanda doon sa pwesto ng lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Tanging pinagtuanan ko nalang ng pansin ay ang mga customers dito sa pinakadulong parte ng club.
"Ayos kalang?" ngiti sa akin ng katrabaho kong si Jade na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay na sanay na ang kanyang katawan sa ganitong trabaho kaya hindi na nabibigla ito.
"Ayos lang," sagot ko naman. "Eto pala iyong order nung mga nasa table number eleven," dagdag ko at inilahad sakanya iyong notepad kung saan nakasulat iyong mga order.
Agad nya iyong inihanda, at lumipas lang ang ilang sandali ay naka-tray nya na itong iniabot sa akin. Kinuha ko iyon at lumabas ulit doon at aligagang nagtungo dun sa table number eleven.
Mga magbabarka sila na puro finger foods at beer ang inorder. Pagkaserve ko sakanila nila ay umalis agad ako.
Suddenly, kinulbit naman ako ni Chesca, isang katrabaho ko din. Lumingon ako sakanya para itanong kung anong nais nya.
"Lorraine, tawag ka nang customer dun sa table three," bulong nya sa tenga ko. Kumunot ang noo ko at sinipatan yung table na binanggit nya, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na iyong table na iyon ay nandoon ang creepy'ng lalaki na tingin ng tingin sa akin.
"B-bakit daw?" takang at may bahid na din ng takot na tanong ko.
Tinaas lang ni Chesca ang kanyang balikat nababakas din sakanya ang pagtataka kung ba't nga ba ako pinapatawag nang lalaking iyon. "Ewan e, basta puntahan mo nalang, o-order siguro ulit?” kibit-balikat na ang kanyang tono.
Kinilabutan ako bigla. Kung o-order pala sya, bakit hindi nalang dito kay Chesca. Ba't pinatawag nya pa ako? Nagsimula na akong kabahan.
Umalis na si Chesca, at ako naman ay hesitant na lapitan iyong lalaki, pero sa huli, lumapit din naman ako ngunit di ko sya matitigan ng diretso.
He look's delighted saktong paglapit ko sakanya, nawala bigla ang pagkakahilig nya sa kanyang upuan.
"Oorder po ba kayo sir?" Sabi ko habang ang higpit nang pagkakahapit ko sa tray na hawak ko, ni hindi ko sya matignan ng diretso sa mga mata.
Ngumisi sya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalagok ako ng bayolente. Gusto ko syang sapakin ngayon sa totoo lang. Halata na kasi ang pagnanasa sakanya. Napaka manyak.
"Yes, oorder ako," wika nya. Agad kong tinanong kung ano ang mga ito. Habang naglilista ako ay sinisipat ko sya. Pinagsalubomg ko ang aking kilay nang mahuli ko syang habang binabanggit nya ang kanyang mga order ay sa dibdib ko sya nakatingin.
Nakakairita sya, Napakabastos. Unang beses ko sa ganitong kamanyak na customer.
"Yun lang ba sir?" Mariin kong tanong. Lumapad ang ngisi nya at dinilaan nya ang kanyang labi.
Diring-diri ang nararamdaman ng sistema ko ngayon.
"Yes." Sagot nya, tumalikod na ako at nagmamadaling umalis na doon.
Nanginginig ang kamay ko ng inilalatag na sa mesa nya yung order nya. Hindi ko rin tinangkang tignan sya dahil kinikilabutan ako.
Sumipol sya bigla at sinabing. "Can you sit here beside me first?" yaya pa nya na mabilis kong tinanggihan.
"Hindi po pwede, madami pang customer ang naghihintay." Ngumiti ako ng hilaw, dahil doon ay kumunot ang noo nya. Para bang gusto nya na dapat hindi ko magreklamo na sundin ko lang ang nais nya.
Tumayo sya at lumapit sa akin, dahilan upang manigas ako na parang tuod sa kinatatayuan ko ngayon. Nagsimula na nya ding haplusin ang balikat ko. Nanlamig ang aking sistema at napamura ako ng malulutong sa isip ko. Mabuti at hindi iyon lumabas mula sa bibig ko napigilan ko pa ang aking sarili.
Ang nasa isip ko kasi ay hindi ko sya maaaring sungitan dahil baka ikasibak ko pa sa trabaho ‘yon kung magkataon.
"Sige na," pamimilit nyang bulong-bulong at nagtangka syang hawakin ang aking baba subalit mabilis kong nahawi ang kanyang kamay. At tsaka ko sya iritang-iritang tinignan.
Lumayo ako ng konti at umiling. "Sorry sir, hindi po talaga pwede," matigas kong sinabi. Sa kaloob-looban ay sobra na ang inis ko. Kung gusto nyang may makalandian bakit hindi sya maghanap ng iba?
Akala ko ay titigilan na nya ng pabadya na akong umalis ngunit hindi. Hinawakan nya ang aking kamay dahilan upang matigilan ako.
"Wait, ano nga bang pangalan mo?" Lumunok ako. "Lorraine," tugon kong simple at tumalikod na. Aamba na naman akong pumalayo sakanya ngunit mabilis nya na namang hinigit ang aking kamay. Pakiramdam ko ay nahaharass na talaga ako kaya hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili.
Paglingon ko sakanya ay galit na ekspresyon ko, at kulang nalang ay dumapo ang aking isang palad sakanyang pisngi.
"Magkano ba ang gusto mo para mapapayag kitang makasama ngayong gabi?" mayabang nyang sabi na animo’y siguradong-sigurado sta na mapapayag ako. Sino ba sya sa akala nya?
"Waitress lang po ako dito sir.” Pinilt ko pa rin ang maging kalmado dahil ayokong mapatalsik sa trabaho ko.
Ayokong manlaban dahil customer sya, pinanghahawakan ko yung paalala sa amin ng aming manager na customer's are always right. Pag nilabanan ko ito, paniguradong bukas na bukas ay sibak na ako sa trabaho, at pupulutin ako sa kangkungan pag nagkataon.
"Magkano ba ang gusto mo, tell me..." Mas lalo syang naging agresibo this time. Tinangka nya ring hipuin ang pwet ko. Kaya hindi ko na napigilan ang kanina ko pang nagtitimping sarili. I burst out it anger at nasampal ko na sya ng tuluyan na animo’y kusang may buhay ang aking palad at automatikong dumapo ‘yon sakanya.
"Waitress nga lang ako dito! Ano ba!" Singhal ko. Tuloy-tuloy din ang marahas kong paghinga. Sa ginawa ko ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at nakaganti ako sakanya.
Nagsimula na ang komsyon kaya naman ang mga tao ay pare-parehong napabaling sa amin.
Ang manyak na customer na sinampal ko ay ngayon ay nagngingitngit sa galit habang hawak-hawak ang kanyang kaliwang pisngi na binatan ko ng sampal. Ang alab ng kanyang tingin ay sadyang nakapagpabalik sa huwisyo ko na eto na ang katapusan ko sa trabaho kong ito.
Insulutong-insulto ang kanyang ekspresyon at anytime ay gagantihan nya ako.
Napatili nalang ako nang makita kong aamba syang gantihan ako. Sasampalin nya din ako? Pumikit ako at hinintay na may dumampi sa pisngi kong palad ngunit wala.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, at nakita kong kaya hindi ako tuluyang nasampal nang lalaki dahil may pumigil sakanya.
Umawang ang aking bibig habang pinagmamasdan iyong lalaking pumigil. Naka igting ang panga nya and his eyes are pitch black.
"How dare you to harrass a woman like that? Ang sabi nya ay Waitress lang sya dito, kung gusto mo ng GRO humanap ka andami sa paligid!" galit nyang saad. Napatulala iyong lalaki at bakas sa mukaha nya ang takot. Hindi sya makasagot.
Maski ako ay gulat din dahil sa nangyayari ngayon, isa lang ang nasa isip ko, malaki ang pasasalamat ko sa lalaking ito.
"Sino kaba?" Parang nahimasamasan na ang lalaking nangharass sa akin. Pinandilatan nya ng mata iyong lalaki.
Sasapakin nya na sana ito subalit naunahan sya, lumipad muli kaagad ‘yung kamao nang lalaking tumulong sa akin sa pisngi nya at tuluyan ng humalandusay ang manyak na customer sa sahig.
"Let's get out here," utos nya sa akin. Napatigil ako saglit dahil gulo pa sa mga nangyayari. Ngunit hindi ko alam kung bakit ko sya sinunod. Hinubad ko ang apron ko at nagpahigit sakanya.
Paglabas namin ng club ay dun ko lang sya nagawang kausapin. Basta’t ang ginawa ko na lamang ay ang magpatianod sakanya palabas ng club.
"Uhh... Salamat sa pagligtas sa akin dun sa lalaki kanina," wala sa sariling sabi ko. Habang hingal na hingal pa rin.
Natigilan sya at hinarapan nya ako, at the moment na binalingan nya ako. Ang sandaling paglingon nya sa akin ay sadyang nakapagpa-impress sa akin ng todo-todo. Ngayon ko lang nakita ng high definition ang kanyang mukha. Sobrang kisig nya.
Maganda ang tabas ng kanyang mukha; naturally chizzled, makinis, matangos ang ilong at napakaganda ng mga mata. Parang syang katulad ng mga modelo kong nakikita sa mga fashion magazines.
Meron din syang hikaw sa isa nyang tenga sobrang pula at sa tingin ko’y sobrang lambot din ng kanyang mga labi.
Perpektong kombinasyon sya ng maamo yet hot-seductive aura.
Napakurap-kurap ako at napahawak ako sa aking naghaharumentadong puso. Para itong drums ngayon na sobrang lakas ng pagdagundong.
"Mabuti nalang talaga at nandoon ako," Aniya na parang lumabas sa kabilang tenga ko. Wala parin kasi ako sa huwisyo, nanatili akong titig na titig sakanya.
Kalaunan ay napansin nya na ang pagkawala ko sa sarili. Kaya doon lang ako napaiwas ng tingin sakanya. Nakakahiya masyado yata akong naging tutok sakanya.
Napatampal ako sa aking sarili at mabilis na umiwas ng tingin. Unti-unti na talagang gumapang ang hiya sa aking sistema at the same time hindi ko maitanggi sa sarili ko na naattract ako sakanya.
"Hey... You Okay?" Hinawakan nya ang kamay ko, at parang may boltaheng nanalaytay sa akin.
"Uh, oo okay lang ako, Salamat ulit pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Nahihiya kong tanong.
"Simon, I'm Simon Fontanilla."
Para ulit tumigil ang mundo ko pagkasabi nya ng kanyang pangalan, at lahat ng mga ala-ala ko ng bata pa ako ay gumuhit lahat sa isip ko. Simon Fontanilla? Iyong anak ng mag-asawang pinagsisilbihan ni nanay noon, na labis kong hinangaan? Iyong batang iyon agad ang pumasok sa isip ko. Sya ‘yon? Kumurap-kurap ako at inaalala ang batang kakilala ko noon. Unti-intinna ko ng nakukumpirma na sya nga. Sigurado ako.
"S-simon?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
Tumango sya pero bakas sakanya ang pagtataka marahil sa naging ekspresyon ko. "Uh, yes.”
"And you are??” Kung sabihin ko kaya na kakilala ko sya? No.. Parang hindi naman na importante. lalo na kung sabihin kong ako iyong anak ng katulong nila noon, wala naman siguro sakanya iyon. Wala naman syang pake, ni hindi ko nga alam kung naaalala nya pa ako? Tsaka never ko naman syang nakausap noon.
"Ako nga pala si Lorraine," wika ko. Walang bumukas na ekspresyon sakanya ni hindi man lang sya natigilan pagkasabi ko ng aking pangalan. Hindi nya ako maalala.
"Nice to meet you Lorraine," aniya at naglahad sya ng kamay sa akin na mabilis kong tinanggap. Nagharapan ulit kami at unti-unti kong napagtatanto na sya nga si Simon, Iyong ibang mannerisms nya noong bata sya ay ginagawa nya parin hanggang ngayon, lumaki lang sya at nag mature.
"By the way, babalik kapa ba sa loob ng club?" Tanong nya, napayuko at the thought na baka wala na akong trabaho.
"Are you bothered na baka tanggalin ka nila dahil sa paglaban mo dun sa moron na customer?" Sabi nya. Tama sya, kung bakit ko pa kasi pinatulan e.
"Tama lang naman iyong ginawa mo, kung sakaling tanggalin ka man nila, just call me, I will give you a job." Parang wala lang ba sakanya ang kanyang naging offer sa akin. Ngumiti sya at ibinalandra sa harap ko iyong calling card. Totoo ba 'to? Willing syang bigyan ako ng trabaho, parang biglang nagbunyi ang sistema ko.
Uminit din bigla ang aking pisngi.
Sa huli, ay tinanggap ko iyong calling card.
"I have to go," Nagpaalam na sya at parang ayoko muna syang paalisin. Sa dinami-daming panahon na nakikita at nakakasama ko sya noon hindi ko lubos akalain na ngayon lang kami nagkausap.
"Uh.. Salamat ulit," sabi ko. Ngumiti lamang sya at nagsimulang maglakad papalayo.