Kabanata 5

2054 Words
Kabanata 5 Halos mapatalon sa higaan nang biglang bumukas nalang ang pintuan sa kwarto. Bumulaga sa akin si Anne na ngayon ay para bang bigla nalang narelief pagkakita nya sa akin. Napahugot sya ng malalim na hininga pagtama ng tingin naming dalawa. Marahil taka pa sya kung bakit hindi ako nakisabay umuwi sakanya ngayon. Hindi nya kasi alam iyong nangyari kanina. "Lorraine, Anong nangyari? Bakit ang aga mong umuwi? Hindi ba't sabay lang tayong mag-out? Bakit napaaga ka?" tanong nya sa 'kin, Nahimigan ko din sakanya ang pagkakuryoso. Pumikit ako at pumirmj bago ko sya nasagot. "May nangyari kasi kanina, May bastos na customer, pinatulan ko, Anne. . . Baka sibak na 'ko sa trabaho." Parang bumagsak lahat ng enerhiya ko pagkatapos ko iyong sabihin. Naguluhan si Anne, bakas iyon sakanyang ekspresyon. Dinaluan nya ako at hinawakan sa balikat. "Huh? Ano bang ginawa mo dun sa customer?" usisa nya. "Nasampal ko sya dahil punong-puno na ako, paano naman kasi binabastos na nya ako. Nakanguso ako habang pnagpapaliwanag hawak-hawak ko din ang aking mga daliri. "Tapos anong pang nangyari?" usisa nya ulit. "Buti nalang kamo, may nagtanggol sa akin," Wika ko, at inalalang muli kung paano labanin ni Simon iyong lalaki kanina. "Alam ba ng manager nyo ang nangyari?" aniya. Umiling ako at sya naman ay sumimangot. "Umalis nalang kasi ako bigla, natakot din kasi ako baka gantihan uli ako nang lalaki, kaya umuwi nalang ako," sabi ko. Parte sa akin ay alam kong mali ang ginawa ko dahil hindi ako bumalik upang kausapin ang mga club heads. Kaya alam ko na hahantungin nito. Sibak talaga ako malamang sa malamang. "Naku, so paano nyan? Dapat kasi pag may customer na ganun, isumbong mo nalang sa manager," Aniya. Iyon nga ang mali ko, medyo dismayado si Anne at the same time nag-aalala rin. "Sa tingin mo, sibak na kaya ako sa trabaho?" tanong ko. Kahit alam ko naman na, tinanong ko parin iyon. Tinaas nya ang kanyang balikat. "Hindi ako sigurado Lorraine, baka siguro kakausapin ka ng manager mo nyan," Aniya. Napa-buntong hininga ako at bumaba ang tingin sa sahig. Kinuha ko naman iyong calling card na binigay sa akin ni Simon kanina. "Pero kung sakaling tanggalin man nila ako, may nag offer naman sa akin ng trabaho," Umawang ang bibig ni Anne pagkasabi ko non, mukha din syang naintriga bigla. Sumigi pa sya sa akin at kyuryosong naki-usisa. "Talaga? Sino naman?" sabi nya at kinurap-kurap nya ang kanyang mga mata. "Yung tumulong sa akin kanina, eto oh, binigyan nya ako ng calling card nya." Iniabot ko sakanya, mabilis nya iyong kinuha. Hindi ko sinabi sakanya na in somehow, ay kakilala ko na iyong nagbigay ng calling card. "Patingin." Binasa nya iyon, at hindi ko alam kung ba't bigla nalang nanlaki ang mga mata nya at tila ba sakanyang ekspresyon na nanalo sya sa lotto. Napamura sya ng malutong at napatutop sakanyang bibig. "Lorraine, sunggabin mo na 'to kung ako sa 'yo." Napaisip ako, hindi ko nga alam kung anong ibibigay sa akin na trabaho e kung sakaling tanggapin ko man. "So si Simon pala ang nagligtas sa 'yo kanina?" Maintrigang wika nya. Tumango lang ako. "Oo." "Shucks! Ang swerte mo naman, Simon Fontanilla is the hottest chef in town." Parang ako naman ngayon ang naintriga, para kasing madaming alam itong si Anne kay Simon, it seems that she is also a fan of him. "Kilala mo sya?" sabi ko. "Oo naman! Crush ko kaya iyan, sikat na chef yan girl, sa pagkakaalam koy ay may cooking show din iyon. Regular din yan sa club, madalas mag isa sya, madalas may kasamang iba’t-ibang babae." Nanlaki ang mga mata ko doon sa huling bahagi ng kanyang sinabi. Pero agad ko rin winaksi ang naisip ko panandalian tungkol kung ano man ang ginagawa nila ng mga babaeng kasama nya minsan doon. Ibig sabihindin pala ay lumitaw nadin pala sya sa T.V, bakit wala akong alam? Bigla kong naalala noong na kanila uncle pa pala ako nakatira wala akong tyansang makapanuod ng telebisyon. Hindi ko sinabi kay Anne na na-meet at kilala ko na si Simon noon pa, para kasing hindi naman na importante, matagal naman na kasi iyon at isa pa ako lang naman ang may pake, dahil alam kong hindi din naman ako matandaan ni Simon. "Kaya kung ako sa 'yo, kung hindi ka man masibak sa trabaho mo bilang waitress, mag-resign kapa din at lumipat dyan sa restaurant ni Simon," udyok sa akin ni Anne, habang nakangisi ng malapad. part of me ay masaya at gustong umoo dun sa offer. Kasi palagi ko syang makikita hindi ba? Inaamin ko din pakiramdam ko ay nanumbalik ang pagka-infatuated ko sakanya. Para akong naging teenager ulit. Though alam ko na wala naman akong pag-asa sakanya. Like, isa syang gem na mamahalin at ako’y isang tanso lamang na wala masyadong sinasabi sa lipunan. "Kung ikaw ang tatanungin, iga-grab mo ba?" Tanong ko pa kahit alam ko naman na ang isasagot nya. Ngumiwi pa sya na para bang iyon ang pinakatangang tanong na narinig nya. "Oo naman! Sino bang a-ayaw na maktrabaho ang pinaka-hot at pinaka-gwapong chef sa buong Pilipinas!" Walang kagatol-gatol nyang sinabi. "Swerte mo nga e, kaya ‘wag ng magdalawang-isip pa.” Kumindat sya. Napagdesisyonan ko nga sa huli ay tanggapin nalang ang offer ni Simon. Hindi ako natanggal sa pagiging waitress ko, kinausap lamang ako ng aming manager at winarningan, pero sinabi ko sakanila na mag re-resign na ako, hindi naman nila ako pinigilan dahil karapatan nnaman ng isang empleyado na magresign kung ayaw na sakanyang trabaho. At sa tingin ko rin ay mauulit pa iyong nangyari sa akin kanina, kasama na talaga iyon dahil sa club iyon. Pero hindi ko talaga gusto, kaya pipiliin ko nalang ang umalis. Papunta na ako ngayon sa opisina ng aming boss para ibigay sakanya ang inihanda kong resignation letter. "Are you sure with this? Talaga bang magre-resign ka?" Ani Mr. Sandoval, Ngumiti ako at tumango. "Opo, sir." Bumuntong hininga sya at binasa nya ang aking resignation letter. "Dahil ba ito sa nangyari nung isang gabi?" Parang kasama nadin iyon sa dahilan. Pero ang pinakadahilan talaga ay hindi ko gusto talagang magtrabaho sa bar. "Or may nahanap ka ng ibang trabaho?" Natumpak nya ang pinakadahilan. "Yes po," Simple kong sagot. Bumuntong hininga sya. "Okay, if that's the case," Aniya at pinirmahan nya na ang aking resignation letter. Ngayon terminated na ang kontrata ko kaya pwedeng makahanap na ako ng trabaho, kaya naman sa araw ding iyon ay napagdesisyonan kung tawagin si Simon. Humiram pa ako kay Anne ng cellphone upang makatawag lang, hindi ai Simon ang bumungad sa akin. Sinabi ko kung pwede bang makausap si Simon. Nanginginig ang kamay ko at labis-labis ang nararamdamang hiya nang marinig ko na ang boses nya sa kabilang linya. "Hello?" Bungad nya. Hindi ko alam kung saan sisimulan ang aking sabihin. Napatingin naman ako kay Anne na ngayon ay panay ang senyas. Ako naman ay binigyan ko sya ng hindi-ko-alam-ang-sasabihin-look. Nang makahugot na ako ng lakas ng loob ay nakapagsalita din ako. “Uhh... Hello? Si Lorraine ito," Nauutal-utal kong sambit. "Oh, yung waitress sa isang club sa BGC?" Aniya at nahimigan ko sakanya na recognize na nya ako. "Tama ka po," pormal kong saad. "Bakit ka nga pala napatawag?" Parang hindi nya pa anticipated ang pakay ko. Napapikit ako. Eto na, kailangan ko ng sabihin ang aking dahilan. "Uh sir, gusto ko sanang i-grab yung ino-offer nyo na work sa kin?" Nahihiya kong sambit habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. “Uh yeah. I offered you right? Great. Just come here," Aniya na parang wala lang naman sakanya. "Just follow the adress na nakalagay dun sa binigay kong card sa iyo," dagdag nya pa sa kaswal na tono. Nagliwanag ang mukha ko. "Talaga po?" hindi ko makapaniwalang sabi. "Oo naman, just bring your resume, I will wait for you," Aniya, at para akong kinilig sa saya. Binalingan ko si Anne at tsaka ako nag thumbs up sakanya. "Okay po sir." Sabi ko, naputol na ang linya sa aming dalawa, kaya iniabot ko ng muli kay Anne iyong kanyang cellphone. "Ano raw sabi?" tanong ni Anne. "Pinapapunta nya ako dun sa restaurant nya," Sagot ko. Nanlaki ang mga mata ni Anne. "Ngayon na?" Tumango ako. "Oo." Naexcite pa lalo si Anne at napahagikgik. "Samahan kita dun gusto mo?" Umiling lang ako. "’Wag na, ikaw ah? May boyfriend kana tapos may pinagpapantasyahan kapa," biro ko. Humalakhak lang sya at kilig na kilig na lumapit sa akin, samantalang ako ay nakakaramdam din ng labis na saya ngunit hindi ko lang pinapahalata. Mukhang kahit dekada na ang lumipas parang hindi pa rin talaga naaalis ang pagka-crush ko kay Simon. I'm still attracted with him. First crush never dies I guess? I suddenly laughed at that thought. Wala naming masama hindi ba? Normal lang naman ang humanga. Abnormal na sa isang tao kung hindi sya nagkakaroon ng crush. Nagpunta nga ako sa restaurant na pagmamay-ari ni Simon, maganda dito at masasabi kong isa itong first class resto, ambiance palang kasi ay alam mo ng sobrang sosyal. Unang beses kong makapasok sa ganitong kaenggrandeng restaurant. Kinakabahan ako nang kinausap ko ang guard para itanong si Simon. "Naku miss, kakaalis lang nya, meron daw kasi syang urgent meeting. Pero.. May ibinilin sya e, may expected daw syang darating ngayon, Lorraine daw ang pangalan-" Hindi ko na sya pinatapos at agad kong sinabi na ako iyon. "Ako po si Lorraine!" Sabi ko at inilahad sakanya yung card na binigay ni Simon sa akin, nang sa wakas ay kumbinsido na sya ay pinapasok nya ako don sa room na pang authorize person only. Nadatnan ko doon ang manager ng resto na agad akong nginitian. "Good afternoon po," bati ko. "Ikaw ba si Lorraine?" panimulang tanong nya. Tumango agad ako. "Ako nga po," maagap kong sabi. "Well, may urgent meeting si chef Simon kaya hindi sya ang mag-iinterview sa 'yo ngayon. Ibinilin ka nya sa akin kaya ako ang te-take over, Please have a seat." Pormal ang boses ng babae, kaya bahagya akong nai-intimidate, gayunpaman ay sinunod ko sya. Umupo ako sa silya sa harapan ng mesa nya. "May I see your resume?" Walang ka-abog-abog ay binigay ko sakanya iyong resume ko. Agad nyang binasa ang mga nakasulat doon. "You know what miss, you are very lucky," Aniya na nakapagpaconfuse sa akin. "Bakit po?" takang tanong ko. Suminghap sya at binaba muna ang aking resume at nakangiti nya 'kong binalingan. "Kasi ang may-ari pa mismo ng restaurant ang nag-offer sa iyo ng work. Kaya walang dahilan para hindi kita i-hire,” sabi nya. Uminit ang pisngi ko sa hiya. Sabagay, kung titignan parang ang lakas-lakas nga naman ng backer ko. Mismong ang may-ari pa. "Waitress ka sa dati mong pinagtatrabauhan 'di ba? But.. Hindi kita maha-hired as waitress dahil walang slot para doon." Bahagyang gumuho ang pakiramdam ko, so anong ibig nyang sabihin? "Kahit ano nalang pong ibigay nyong trabaho sa akin okay lang po,” sinsero kong sabi sabay ngiti. "Well.. Kailangan namin ng maintenance dito sa restaurant. That work is okay with you?" Napakagat ng labi ang babae at parang biglang nahiya pagkatanong nya sa akin non. "Okay lang po iyon.. Wala pong problema sa akin, basta may trabaho," Ngiti ko. Sino naman ako para kumontra don? Ako na nga 'tong ino-offer'an, aarte pa ba ko? At isa pa marangal na trabaho ang janitress. Tsaka hindi naman talaga sila hiring e, parang isiniksik lang nila ako sa mga empleyado nila. "Really?" Aniya. "Opo," sagot ko. Lumapad ang ngisi nya. "Okay.. I'll talk to Sir kung kelan ka mag-istart, tatawagin nalang kita kung kailan ka magsisimula alright?" sabi nya. "Okay po," sabi ko. Nakipagkamayan sa akin ang babae at mabilis ko naman 'yong tinanggap. Mas mabuti na itong pagpili ko sa offer na trabaho ni Simon. Umaga ang duty hindi nakakapuyat at mas sanay ako at isa pa may tsansang makikita ko sya lagi. Bago umalis ay napatingin ako doon sa salamin na parte ng double doors ng kitchen area ng restaurant, magkatabi lang kasi nila ng maliit na opisina kung saan ako kinausap nang manager. Nakaawang ang bibig ko sa mga chefs na nakikita kong abala sa pagluluto. The way kung paano sila magtrabaho ay sadyang nakakamangha. Napangiti ako dahil ganito din ang dream job ko na sana ay marating ko din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD