Kabanata 6

1968 Words
Kabanata 6 Kinagabihan bago ang duty ni Anne sa trabaho ay nagkwentuhan muna kami tungkol kay Simon. Ang nakakabigla nga ay sobrang dami nga talaga nyang alam sa personal na buhay ni Simon. Nakakinngit nga sya ako kasi, magsimula nang umalis na si nanay sakanila ay nawalan na ako ng balita sakanya, sa buong pamilya Fontanilla. Ngayon ko lang nga din nalaman na naging successful sya sa larangan ng pagiging chef. Abala si Anne sa pagme-make up ng bigla syang may naisingit sa kwentuhan na labis na nakakaintriga. "Pero, alam mo na babaero... Playboy daw ‘yang si Simon. Parang totoo naman ‘yang bali-balita na ‘yun. Nakikita ko kasi sya mismo palagi sa club na iba-iba ang mga nakakasamang babae.” Parang asido na umagos sa kabuuan ng sistema ko sa sinabi ni Anne. "Totoo ba 'yan?" Mahina at medyo naging barado ang bibig ko. Ngumuso sya at parang may inalala bigla. "Oo nga... Madalas sya sa club may kasama palaging babae. Para bang may flavor of the week sya, month, day whatever.... basta palagi syang may babae.” Kung ano-ano nalang bigla ang pumasok sa imahinadyon ko. Ang imahe ni Simon na may kaakbay na babae at kung ano-ano pa; The thought is depressing kaya winaksi ko nalang ng mabilis sa isip ko. "Ahhh..” Yan lang ang nasabi ko, sabay tingin sa malayo. Ngumiwi si Anne at nakuta ko sya sa gilid ng aking mga mata na binabas nya ako. "Disappointed ka girl?" Ngumisi sya. Agad akong umiling, kahit sa totoo nyan ay parang nadisappoint nga ako doon sa mga kinuwento nya. "'Di ah, bakit naman ako madi-dis appoint?" Wika ko, at tsaka ako muling nag-iwas ng tingin. Sumimangot sya at bakas sakanyang ekspresyon na hindi sya kumbinsado. Nanunuya nya din akong pinagmasdan at kinulbit sa tagiliran. "Weh? Talaga? Umamin ka na crush mo din sya ano?" tukso nya sa akin. Natameme ako at nangapa ng masasabi. Kung alam lang nya dati pa, dati pa ako may crush kay Simon. "Hindi," sabi ko nalang. "Parang ano naman kasi... parang natural nalang sa ganong kagwapong lalaki ang pagiging babaero, mismong mga babae na kasi ang lumalapit sakanya." Parang lumabas lang sa tenga ko iyong hayag ni Anne. May punto sya, alam ko iyon pero ‘pag iniisip ko na babaero si Simon naiirita ako. "Pero kahit babaero sya ay mabait naman," Aniya at pinagdikit ang kanyang mga palad na tila nagdadasal. "Hayyy..." she took a long sigh. Pagkatapos ay sinuot nya na iyong kanyang bag. Mukhang aalis na sya ngunit naudlot nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Nagmamadali nya itong kinuha sakanyang bag. Nanlaki ang mga mata nya at nanigas pagkakita nya sa screen at parang nahihinuha ko na kung sino iyong tumawag. Tumili sya. "Sht Lorraine! Si Simon tumatawag!" Nakakabingi ang tili nya, ‘yung tiling kilig na kilig ganun? Kulang nalang na maglumpasay. Ako naman ay mabilis pa sa alas kwatro na napatayo. Anne cleaned her throat bago sinagot. "Hello?" Hindi ko na alam kung anong sinabi ni Simon dahil hindi naman ito naka speaker phone. All of a sudden, biglang sumenyas si Anne. Linayo nya iyong phone nya tsaka sya nagsalita ng mahina. "Hinahanap ka nya!" Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagharumentado. "Okay po sir. . . Kasama ko sya ngayon, eto nga po Iaabot ko na sakanya. ." Binigay sa 'kin ni Anne iyong kanyang phone. "Kakausapin ka daw," pabulong nyang sabi. Kinuha ko sakanya iyong cellphone, hindi agad ako nakapagsalita dahil ewan ko ba sa tuwing kakausapin ko si Simon ay natatameme ako. Narinig ko syang tumikhim sa kabilang linya. "Hello Lorraine?" Bungad nya. Napakaganda talaga ng boses nya, very masculine yet may pagka-soft. Sexy is the right term to describe his voice. Lumunok ako bago nagsalita. "Uh... Hi Sir?" Awkward pero pormal kong sabi. "I'm sorry pala kanina, may urgent meeting kasi ako kaya hindi kita nakausap-" Talagang nagpaliwanag pa sya? Uminit ang pisngi ko dahil doon. Para tuloy akong nakahalandusay sa cloud nine ngayon. "’Yun po ba? Uh... ayos lang po iyon," maagap kong sabi. Napakabait nya naman dahil talagang tumawag pa sya upang magpaumanhin kahit in the first place hindi nya naman iyon kailangan gawin. "May gusto pa akong sabihin.... Uhm. Adriana told me, na inaccept mo ang offer nya na sa maintenance ang magiging trabaho," patigil-tigil sya at nahihimigan ko sakanya na para bang nahihiya sya. "Ah oo! Ayos lang po sa akin iyon!" Masiglang sabi ko. Dinig na dinig ko ang pagsinghap nya, ilang segundo din syang natahimik. "I'm sorry for that.. Pwede naman kitang ilagay sa iba, pwede nkitang gawing waitress, magdadagdag ako ng waitress para sa iyo." Napangiti ako, talagang willing syang dagdagan ang mga waitress ng kanyang restaurant para lang 'di ako bumagsak sa pagiging janitress? Pero para sa akin talagang ayos na iyon sa akin. Isang dahilan din kasi at ayokong isipin ng iba ‘pag nagkataon na may special treatment pagdating sa akin. Kung nagkataon baka may ibang empleyadong magtaas ng kilay sa akin. "Naku. Huwag na po! Okay lang ako sa pagiging maintenance. Promise.” Talagang diniianan ko ang salitang 'promise' para iparating sakanya na walang kaso at okay na okay lang sa akin. "Are you sure?” Nahihiya parin ang tono nya. Natawa ako ng bahagya, inayos ko rin ang takas kong buhok, linagay ko 'to sa likod ng aking tenga. Nagmamaganda lang. Bahagya akong natawa. Para kang tanga Lorraine ang harot-harot mo sambit ng isip ko. Napabaling naman ako kay Anne na ngayon ay makahulugan ang tingin nya sa akin. Nakangisi rin sya na akala mo ay may something amusing. Nahahalata nya ata ang pagkakilig ko. "Opo! Wala po talagang problema sa akin iyon." Ang laki na nga ng tulong nya e. Ang swerte-swerte ko na nga dahil binigyan nya ako ng trabaho. "Okay kung ganun. You can start tomorrow if you want." Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi makapaniwala dun sa narinig. Naintriga si Anne kaya bigla nya akong dinaluan at kinulbit. "Ano daw sabi?" Hindi ko muna sya pinansin. "Talaga po?" hindi ko makapaniwalang wika. "Right, yes.." Aniya at gusto kong tumili sa saya ngunit pinipigil ko dahil nakakahiya sakanya. “Thank you po talaga sir! Hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ngayon, salamat po talaga." sabi ko, labis talaga ang pasasalamat ko, lalo na't hindi dapat ako matengga dahil kailangan na kailangan ko ang pera. Narinig ko syang nag-chuckle. "No problem, by the way, can you please cut off the formalities? I don't want to hear with you anymore the word 'po' ayoko kasing marinig yon lalo na sa mga kaedaran ko lang." tawa nya. Natawa din ako. "Sige.." sabi ko na hiya pa rin. "Okay, see you tomorrow Lorraine," Aniya at naputol na ang linya. Naiwan akong tulala at labis padin ang pagkawindang. Bumalik lang ang diwa ko ng hinampas ako ni Anne. "Huy! Ano bang sabi? Bakit shock na shock ka jan?" usisa nya. "Magsisimula na ako sa pagtatrabaho sa restaurant nya bukas!" Masayang balita ko. Nanlaki din ang mga mata ni Anne, bakas din sakanya ang tuwa. "Talaga!" hindi makapaniwala nyang untag. "Oo," sagot ko. Tumalon talon sya at yinakap ako. "Naku Lorraine! Ang swerte-swerte mo boss mo sya!" Sabi nya. Ngumiti lang ako. "Ang bait nya sa akin Anne." wika ko. "Kaya nga e, Pero teka. Ano palang magiging trabaho mo sa restaurant nya?" Tanong nya, kuryoso. "Maintenance," mabilis kong sagot. Kibit-balikat lang din ang naging ekspresyon ni Anne. "Ayos lang 'yan. Kung ako din siguro susunggabin ko na yang trabahong yan basta makita ko lang araw-araw si Simon," biro ang tono nya at tsaka na sya nagpaalam na pupunta na sakanyang trabaho. "Sige, alis na ako.” Nag-paalam na sya sa akin. "Okay, ingat ha?" Tumango lang sya dun sa sinabi ko at lumabas na ng kwarto namin. Napangisi naman ako at the thought na palagi kong makikita si Simon, at sa sayang may trabaho na ako. Kinabukasan ay nagsimula na nga ako sa pagtatrabaho sa resataurant ni Simon. Nahihiya pa ako dahil unang araw ko. Laking pasasalamat ko dahil mabait naman ang pakikitungo sa akin ng mga kapwa maintenance ko. Tinuro nila sa akin ang mga dapat at palaging lilinisin. Agad ko namang nakuha iyon. Sisiw lang to sa akin, dahil bata palang ay sanay na ako sa ganitong trabaho, ang pagma-mop, pagdampot ng mga kalat at pagwawalis. Madalas madami lang daw ginagawa sa tuwing magsasara ng itong restaurant. Agad kong hinanap si Simon, hindi nya pa ako nakikita. Siguro ay busy iyon ngayon. Pumunta ako sa kitchen area ng restaurant kung saan narito ang mga chefs na abalang nagluluto, at dito kami halos naka toka dahil itong parte na ito ang maraming nililinis. Gumala ang paningin ko sa kusina, at pakiramdam ko ay tumigil saglit sa pagpinting ang puso ko nang makita ko si Simon. Seryoso ang ekspresyon habang may sinasabi sa mga kapwa nya chef. Para bang sinasabi nya sa mga to, na ganito ang dapat gawin dito para mas maging masarap. I assume ganoon ang kanyang sinasabi bakas kasi sakanyang binibigay na ekspresyon at kilos. Napalunok ako, he's so freaking hot sa kanyang chef uniform. Mukhang tama nga ang pagbansag kanyang hottest chef in town. Kahit may kaluwangan ang uniporme ay halata mo parin na napakatikas at well build ang kanyang maskuladong katawan. Naka bib apron lang sila. Very modernize ang kanilang uniporme taliwas sa classic uniform na mga chefs. Sobrang bagay na bagay sakanya, idagdag mo pa ang kanyang seryosong ekspresyon, na lalo pa yatang nakakapagpagwapo, paano pa kaya kung ngumiti ito? Para akong tuod ngayon dito sa aking kinatatayuan. Para kasing hindi ko na pansin ang mga tao sa paligid, sakanya lang talaga nakatuon at naka focus ang tingin ko ngayon. Ngunit halos mabitawan ko ang mop na hawak ko ng magtagpo ang mga mata namin. Bumalik ako sa ulirat at nag-iwas ng tingin, napapikit din ako sa hiya sapagkat nahuli nya 'kong titig na titig sakanya. Lumalala pa ang hiya ko noong lapitan nya ako. Sumaya ang mukha nya sabay bati sa akin. "Oh Hi, Lorraine!" Sinuklian ko rin sya ng ngiti kaso lang awkward dahil naiilang kasi ako sa mga taong nakatingin sa amin. "Hi," wika ko. Sumandal sya bigla sa may counter at humalukipkip. "I'm so glad dahil simula ka na sa pagtatrabaho dito, ayos ka lang ba talaga sa pagiging maintenance crew?" Ayan na naman tayo. "Oo nga po," Sabi ko. "Hmmm. Come, I will introduce to my co-chefs.” Nalaglag ang panga ko at tsaka sya pinigil ngunit wala akong nagawa dahil hinawak nya ang palapulsuhan ko na sobrang higpit. Pinakilala nya lahat magmula sakanyang sous chef, pastry chef nya at iba pa. Hindi sila ganoon kadami pero ang hirap tandaan ng mga terms na gamit na pantawag sa bawat chefs. Napapikit ako ng mariin, dahil sino ba naman ako para ipakilala sa mga bigating mangagagawa dito ano? Hindi naman sa minamaliit ko ang aking sarili pero kasi naman ‘di ba? Masyadong special ang pagtrato sa akin ni Simon na syang ikanakatuwa ko talaga. Kinuha nya lahat ng atensyon ng mga abalang chefs. At pinakilala nya ako, may mga nagtanguan, ngumiti at nag hi sa akin, at yung iba ay keber lamang dahil masyado silang abala sakanilang ginagawa. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kitchen area, nakakamanghang Makita ang mga skilled na chefs na magluto, sa paraan kung paano sila mga toss ng wok, at pan ay sadyang nakakamangha. Nag ‘hi’ nalang din ako pagkatapos ay kumaway sakanila. "Dito ako madalas Lorraine,” aniya. Tumango nalang ako, at napangiti. Pangarap ko din kasing makapagtrabaho ng ganito, katulad ng sakanya ang head chef sa sarili mong restaurant. "Tutuloy na ‘ko sa paglilinis," sabi ko, sumenyas na aalis na, ngumiti lamang sya at sumaludo pagkatapos ay pinagpatuloy nya na ang kanyang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD