Kabanata 7
Maayos ang unang araw ko sa pagtatrabaho sa restaurant ni Simon, mababait ang mga katrabaho ko at lahat ay friendly kaya walang problema. Masaya akong umuwi sa inuupahan ko nang biglang halos mapalundag ako sa gulat ng may makita akong lalaki sa loob ng kwarto namin ni Anne. Sino ang lalaking ito?
Sisigaw na sana ako pero pinigil ako bigla ni Anne, lumabas sya ng banyo at binigyan nya ako ng kalma-ka-lang-look.
Humugot ako ng malalim na hininga at kumalma. "Sino sya?” Taka kong tinuro iyong lalaki.
Linapitan sya ni Anne. "Sya ang boyfriend ko Lorraine, sya si Sean, Sean, si Lorraine nga pala, kaibigan ko at kasama kong nangungupahan dito." Nakahinga ako ng maluwag, so sya pala iyong boyfriend nya? Pinagmasadan ko ang boyfriend nya. Maputi at matangkad sya na aminado akong guwapo. Nakikita ko rin na bagay silang dalawa sa isa’t-isa. Maganda din kasi itong si Anne kaya naman panigurado lahat ng mga nagiging boyfriend ay mga gwapo talaga.
Tumayo si Sean at nginitian ako, pagkatapos ay naglahad sya ng kamay sa akin. Agad ko iyong tinanggap. "Ako nga pala si Lorraine, it’s nice to meet you.” bati ko.
"Nice meeting you too, nagulat ba kita kanina?" aniya. Nakaramdam ako ng hiya pagkasabi nya nun.
"Ah oo... Naikwento ka na sa akin ni Anne, finally na meet na din kita," wika ko sabay ngiti.
Nagkwentuhan pa kaming tatlo ni Sean, Anne at ako. Naghapunan na din kami na sabay-sabay.
Madami na din akong nasagap tungkol sa kanilang relasyon. Halos mag iisang taon na pala sila, and it seems their relationship is getting stronger. Bakas sakanila na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Sounds corny pero ganun talaga ang tingin ko sakanila.
Masaya ako para sa kay Anne, napaisip nga ako; Ako kaya kailan ko mararanasan ang ganito? Mabilis din naman akong nagkibit-balikat doon sa naisip ko. Sa ngayon kasi parang hindi ko muna dapat isipin iyong ganung bagay dahil baka makadagdag lang iyon sa mga problema ng akin. Sound’s bitter pero totoo naman, hindi ko muna iyon kailangan pagtuunan ng pansin dahil ang imporatnte sa akin ngayon ay ang kumita ng pera, para nadin sa kapatid ko.
Hindi ko naman sinasarado ang isip ko sa pakikipagrelasyon ngunit alam ko sa aking sarili na may tamang panahon para doon.
Nang oras na ng paghahanda ni Anne para sa trabaho nya ay umalis nadin si Sean.
"Mabait naman pala ang syota mo," ngisi ko sakanya nang pumasok kami ng kwarto.
Tumawa sya at namula na para bang nasiyahan sya dun sa sinabi ko. "Mabait naman talaga ‘yun,” aniya. Sabagay magkakagusto ba sya dito kung balasubas ang kanyang ugali hindi ba?
"Ang saya nyong tignan e, very-very happy couple." tukso ko pa.
"Eh ikaw jan, kailan mo balak mag boyfriend?" paglilipat nya ng tanong sa akin, Natigilan ako saglit at sinabing; "Sa tingin ko ngayon ay hindi pa ako handang makipagrelasyon.” Nag-taas ako ng balikat.
Sumimangot naman sya. "Eh kailan mo balak? Pag trenta anyos ka na? Naku Lorraine, lagpas bente ka na pwedeng-pwede ka ng mag syota.” Sa tono ng pananalita nya ay todo udyok syang magboyfriend ako.
"Pano iyon? Eh wala ngang mahanap at zero suitor ako ngayon, at isa pa, ayaw ko muna talaga,” pagmamatigas ko, tsaka ako umupo sa aking higaan at nag ayos ng mga unan.
"Hayyy...” buntong hininga nya nalang ang narinig ko. May binuling-bulong sya pagkatapos at hindi ko na nawari kung ano ‘yun. Umupo nalang sya sa harap ng salamin at nagsimula nadin syang mag-apply ng make-up.
"By the way, kamusta pala ang unang araw mo sa restaurant ni Simon?" usisa nya bigla. Gumuhit ang ngiti sa aking labi at inalala ang unang araw ko sa pagtatrabaho sa Le Bon Vivant; pangalan ng restaurant ni Simon.
"Ayos naman," simpleng tugon ko.
"Hindi ba mahirap?" aniya.
Umiling ako. "Hindi. Super high class resto kasi kaya hindi mahirap maglinis, hindi ganon kadami ang bolume ng mga tao na kumakain,” paliwanag ko. Tumango-tango naman sya, halatang natutuwa naman. “Mabuti naman pala kung ganun."
Kinabukasan, masigla akong pumasok sa trabaho. Maaga palang ay wala na akong sinayang na oras sa paglilinis.
Nagtungo ako sa kitchen area kung saan naroon parati si Simon, pero ngayon ay labis ang aking pagtataka kung bakit wala sya. Ang tanging nandoon ay ang ibang chefs. Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang sa sistema ko, hindi ko alam kung bakit.
Aamba na sana akong lumabas ng biglang may isang chef na nagkandahulog-hulog ang mga dala-dala nyang mga kitchen utensils, hindi ako nag-atubiling lapitan sya upang matulungan.
Tila nagulat pa sya sa biglaang pagsulpot ko. "Ako na po," sabi ko at pinulot yung mga gamit pangluto.
Natigilan sya at pinakatitigan ako, kita ko kasi sya mula sa gilid ng mga mata ko. "Uh.. Thanks," ngiti nya. Tinulungan nya pa rin ako sa pagpulot. Nang matapos, ay pareho na kaming tumayo. Nagtagpo ang aming tinging dalawa, as far as I remember nang ipakilala sa akin ni Simon ang mga co-chefs nya ang pangalan nito ay Slater. Ang kanyang sous chef. Rumehistro ng maiigi ang kanyang itsura sa akin. He looks so young para maabot ang pagiging sous chef sa palagay ko? marahil siguro ay talagang magaling sya sa larangan ng pagluluto.
Inilapag namin sa mahabang counter iyong mga utensils.
"Ikaw yung bago employee dito right?" nakangising sabi nya. Nagtagal ang paninitig ko sa mga mata ng lalaking ito. Napakagwapo nya, ngayon ko lang sya nakita ng high definition sa mukha. Ang kilay nyang makapal ay at perpeltong chizzled nyang mukha ay nakakadagdag ng kanyang s*x appeal.
Nagkanda-utal-utal ako ng bahagya dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. "Uh oo.. Ako nga po iyong pinakilala ni Sir Simon kahapon," wika ko sabay ngiti.
"Lorraine ang pangalan mo?” Tumango ako. Nakakatuwa dahil naalala nya.
"I'm Slater pala," sabi nya at nakipagkamayan sya sa akin. Nakipagkamayan din ako. Hindi ko akalain na makakapagtrabaho ako sa isang restaurant na pinapaligiran ng mga makikisig na chefs. Requirement ba ‘to sa Le Bon Vivant?
Pagkatapos nyang magpakilala ay pinagtuuanan nya na ulit ng pansin ang trabaho nya at ganun din ako.
Pagsapit ng lunch time, pasado alas dose hanggang sa gabi na ay nagsidagsaan na ang mga customers. Kasabay nun ang pagpasok ni Simon, nagulat pa ako at pakiramdam ko ay nag skip-beat ng pintig ang puso ko the moment na makita ko ang masaya nyang mukha. He look so happy.
Ngunit biglang may kung anong gumuho sa akin ng mapagtanto kong hindi lang syang mag-isa. May kasama syang pumasok na babae.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang ayoko silang makitang dalawa but I can't stop myself. Hanggang sa tuluyan ng pinaupo ni Simon ‘yung babae, at yung babae naman ay wagas kung gumala ang tingin sa kabuuan ng resto. Para syang impressed.
Masaya din ang ekspresyon nilang dalawa, at kung titignan hindi mo maipagkakailang may relasyon sila? Nanghina ang mga tuhod ko, at nakaramdam ng labis na lungkot kaya nag-iwas nalang ako ng tingin. Lorraine, bakit ka ba nagpapaapekto? hindi mo dapat nararamdaman ang ganito.. Sabi ko sa isip ko, at pilit na winaksi lahat ng mga nakita ko kanina.
Umalis ako sa pwesto kong iyon at ibinaling ang sarili sa paglilinis. Mop ako ng mop pero ang nakakainis, kahit anong pilit kong huwaag isipin yung mga eksena kanina pero yun padin ang pilit na pumapasok sa isipan ko.
Wala ng mahabang paliwanagan. Mukhang kumpirmadobnaman kasi na girlfriend nya yun e...
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya muli ko na naman silang sinilip dalawa, ganun padin. Ang sweet pa rin nilang dalawa. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at suminghap ng malalim at tsaka ko tinuruan ang sarili ko na huwag na huwag ng lilingon sakanila.
Nang pagabi na mas naging malupit sa akin ang tadhana, pumunta kasi dito sa kitchen area si Simon at yung kasama nyang babae. Napapikit ako at mabilis na nag iwas ng tingin. Kulang nalang din ay magtago ako. Ititang-irita na ako sa pagiging apektado ko.
Dinig na dinig ko ang batian ng mga kapwa chefs ni Simon doon sa babae. Narinig kong Monika ang pangalan namgbkasama nya. Nagtatawanan silang lahat tila ba may something na amusing na sinabi si Monika.
Hindi man lang ako napansin ni Simon. I sighed, at napaisip bakit nya naman ako papansinin in the first place?
Binalingan ko sila, at ngayon ay nakasuot na ng apron si Simon tsaka sya nag toque. Mukhang magluluto sya. Magpapakitang gilas yata sya sa babaeng ito?
Tinigil ko muna ang ginagawa ko at palihim silang pinanuod. Napakabilis mag hiwa ni Simon, isang iglap ay nahiwa nya na lahat yung mga vegetables na sangkap na kasama sa lulutuin nya. At yung Monika napapalakpak sa tuwa, mukhang super turn on sya sa ipinamalas na skills nitong si Simon.
Hindi kinaya ng sistema ko na matignana ang sweetness ng dalawa kaya umalis na lamang ako doon sa kitchen area at pinilt na maging abala nalang sa iba pang mga bagay.
Pumunta ako sa CR nitong resto. At pinasok ko iyong mga cubicle na walang tao tsaka ko ito nilinisan.
Nagngingitngit ako habang todo linis. Lahat na ng galit ko ay dito ko nalang binuhos lahat. At para ding ayaw ko ng lumabas pa. Dahil siguradong maiirita lang ako.
Nang matapos ko lahat ng mga cubicle na linisan tsaka palang ako lumabas doon. Malapit ng magsara itong resto, ibig sabihin nun malapit nadin ang pag-uwi ko, nakaramdam ako ng ginhawa.Ang oras na ‘to ang pinakahihintay ko, ang makauwi na.
Nang mag-close na ang resto ay pare-parehong nagdadaingan ang mga kapwa maintenance crew ko at the same time relieved nadin sila dahil oras na para umuwi.
Mukhang nakaagaw ako ng pansin sa mga kasamahan ko. Nahuli kasi nila akong tulala habang nakaupo dito sa locker room namin.
"Lorraine, ayos kalang?" Anang isa kong katrabaho na si Christina.
Napatingala ako sakanya. "Uh. Eh....Ayos lang," parang wala sa sarili kong sambit.
"Kanina kapa kasi tulala jan," sabi naman ni Bianca. Pare-pareho na silang nakapagbihis na, pero ako suot-suot ko parin ang uniporme ko.
"Pagod lang," pilit akong ngumiti, at palusot ko nadin yun kahit sa totoo nyan ay merong ibang bumabagabag sa akin.
"Ahh, hintayin ka na namin, sabay-sabay na tayong umuwi?" Yaya ni Christina, pero umiling ako.
"Huwag na, mauna na kayo sige," sabi ko.
"Sure ka?" Anila. Tumango lang ako. "Okay.. Sige, bye!" sambit ni Bianca.
"Bye Lorraine, see you tomorrow," sabi naman ni Christina. Kinawayan ko sila, pagkatapos non ay tuluyan na silang umalis. Ako nalang mag-isa ang natira dito.
Pinalitan ko ang suot ko, pagkatapos ay sinilid ko yung aking uniporme sa aking bag. Pagkatapos nun, dun palang ako umalis.
Madilim na sa kabuuan ng restaurant. Nagtataka ako, dati ako ang nagte-turn off ng mga ilaw dito e. Naunahan yata ako ng mga kasama ko.
Dinungaw ko ang malaking wall clock at kahit madilim nakita ko parin kung anong oras na, alas jis na ng gabi.
Suminghap ako, at aalis na sana ngunit may nakaagaw ng aking pansin. Medyo maliwanag pa dun sa kitchen area,l para bang may umuudyok sa sarili ko na magtungo doon hindi ko alam kung bakit, sa kyuryusidad ay lumapit nga ako doon.
Marahan akong naglakad doon at the moment na sumilip ako ay halos bumagsak ako sa sahig dahil sa panghihinang nararamdaman. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nasaksihan.
"Ahh... Si-mon. Ahh..." Isang ungol ang aking naramdaman, at boses iyon ni Monika. Umawang ng husto ang aking bibig habang nakatingin sa hubot-hubad na Simon, habang paulit-ulit ang pagindayo nya.
Napakurap-kurap ako. Totoo ba itong nasasaksihan ko ngayon? As in live ko silang nakkikitang nagtitipan? Napamura ako ng malulutong sa isipan at pakiramdam ko ay para akong napaso.
"Ahhh...” Sexy at malakas ang paghalinghing ni Simon. Napatingala sya sabay igting ng kanyang panga. At mas lalo ding bumilis ang pagtulak nya ng pabalik-balik kay Monika.
Nanlamig ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay para akong nabulunan sa sarili kong laway. Napatutop ako sa bibig ko. Sa panghihina napahawak ako sa isang shelves kung saan nakalagay ang mga ibang kitchen equpments and utensils, hindi ko namalayan na naihulog ko iyong isang malaking kaserola. Nanigas ako na tila ba isang tuod. Umalingawngaw ang malakas na tunog ng pagbagsak ng kaserola kaya napadalangin ako sa lahat ng santo at nataranta; hindi ko alam ang gagawin.
Tumayo ako ng mabilis at hindi ko na alam kung nahagip ba ako ng paningin nila. Nagmadali nalang ako tumakbo na tila ba hinahabol ng isang aso.
Sa kaba ay marubdob na pumintig ang aking dib-dib, Pabalik-balik din ang aking pagbuntong hininga nang makalabas na ako ng restaurant.
Labis ang aking pagkawindang at anxiety na naramdaman dahil paano kung nakita nila ako? Anong mukha nalang ang ihaharap ko sakanya?
Nilamutak ko ang aking mukha. Bakit kasi kailangan ko pang madanggil iyong kaserola. Damn it.
Tila unti-unti ko ma ring napapaniwala ang sarili ko patungkol sa mga sinabi ni Anne patungkol sa kay Simon. He’s a f.ckboy also I guess? Iyong tipong kahit saan kailan ay handa sya? Napapikit ako ng mariin sa naisip ko.