Kabanata 8 Dala ng pagkawindang ko doon sa aking nasaksihan ay pre-occupied pa rin ako pagsakay ko ng jip pauwi. Kahit anong pilit ko na iwaksi ito sa isipan ko ay hindi ko pa rin mapigilan. The thought na nasiksahan mismo ng mga mata ko ang ginawang ‘yun ni Simon ay parang bigla akong na turn-of kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko naman dapat ‘to maramdaman dahil wala naman syang pake sa feelings ko. Pag-uwi ko ng dorm ay agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Yinakap ko ng mahigpit ang aking unan at mariin na pinikit ang mga mata. Pinagpapasalamat ko na araw ng linggo bukas; rest day ko, hindi kami magkikita ni Simon. Iniisip ko palang na magtatagpo ang aming mga mata ay naiilang na ako paano pa kaya kapag totoong magkaharap na kami. Nakatulugan ko din naman ang kakaisip. Pag

