Conrad? Si Conrad lang pala pero s**t ang gwapo ng walanghiya. Halos matapilok si Lea sa paglalakad makarating lang agad sa lalaking akala niya ay kung sino na ngunit si Conrad pala ito. Bagong gupit at nakaporm ang buhok nito, bagong trim ang bigote at balbas, daig pa ang ikakasal dahil naka suot ito ng puting polo habang nakasabit lamang ang suit sa balikat nito. Makintab na sapatos at liston ng pantalon na kala mo makakahiwa ng binti kung sino man ang masayaran nito. Dali-daling lumapat si Lea sa ngiting- giting lalaki. Agad na tinaas ang kaliwang palad at walang pag-aalinlangan na sinampal ng malakas si Conrad. “Ba't ang gwapo mo?! Muntik na kitang hindi makilala!” bulyaw ni Lea kay Conrad pagkatapos niyang sampalin ito sa kanang pisngi. Hindi ito inaasahan ni Conrad kaya hindi si

