“GO ahead, Lea. Open the door,” utos ni Conrad. Natulala kasi siya nang makita ang ribbon sa doorknob. “B-Bakit may ribbon?” atubiling sagot niya. Medyo kabado pero nae-excite na hinawakan niya ang doorknob. “Surprise yourself, Lea.” Tumayo si Conrad sa likuran ni Lea at yumakap sabay ikot ng mga kamay sa baywang niya at pinatong ang baba sa kanang balikat ni Lea. Dahan-dahang pinihit ni Lea ang doorknob at tinulak ito. Kahit na nag-iiba ang pakiramdam niya dahil sa pahalik-halik na ginagawa ni Conrad sa leeg niya, nagtitimpi na lamang siya. “Do you like it?” agad na tanong ni Conrad. “C-Conrad? How did you—” Biglang humarap si Lea kay Conrad at hinalikan ito sa labi saka niyakap ng mahigpit ang lalaki. Hindi niya makakalimutan ang pangarap niyang bahay na may ganitong design ng mas

