Nakapikit ang mga mata habang binabasa ang buhok, namalayan na lamang ni Lea ang palad ni Conrad na humahaplos sa kanyang katawan. Hindi na siya nasorpresa dahil alam niyang susunod ito. Hinayaan lamang niya ang lalaki, nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Masaya naman si Conrad na pinapanood si Lea habang naliligo. Tumayo siya sa tabi ni Lea at lumayo naman nang kaunti si Lea upang bigyan siya ng espasyo ngunit hinila siya nito at niyakap. Pagmulat ng mata si Lea, guwapong mukha ni Conrad lamang ang nakikita niya. Nabasa na ng tubig ang kanina ay nakaayos na buhok. Hindi maipaliwanag ni Lea pero guwapong-guwapo talaga siya kay Conrad noon pa. Kaya kahit sinasaktan at inaabuso siya nito noon, nakuha niyang magtiis. Totoong pinangarap niya na sana ay malahian siya ni Conrad at natupa

