“Mga bata, ano ang masasabi ninyo sa juice ala Conrad?” masayang tanong ni Manang. Agad naman na sumagot si Aliah. “Syempre masarap, gawa ni Daddy eh. Ikaw Leandro, ano sa palagay mo?” tanong nito sa kapatid. “It tastes like Conrad, strong but sweet.” bibong sagot ni Leandro saka uminom ulit. Nabilaukan naman si Lea sa tinuran ng anak. Agad na inabot ni Conrad ang tubig at pinainom ito kay Lea. Dahil uminom ng tubig, wala siyang nagawa nang hagurin ni Conrad ang likod niya upang i-comfort siya. Napadilat ang mga mata ni Lea sa pagkabigla. Manyakis talaga itong si Conrad, naisip ni Lea. Pasimple nga naman na humahagod at hindi niya maiwasan na hindi napaigtad sa nararamdaman na tila kuryente na naglalakbay sa katawan niya. Imbes na mahimasmasan ay lalong nasamid sa tubig si Lea dahil

