“Nasaan sila?” tanong ni Conrad. Nakasunod naman si Manang at biglang nagsalita. “Saan pa ba pupunta ang mga ‘yon kundi sa kwarto ni Aliah. Alam mo naman ang anak mo, may bagong laruan na gustong ipakita sa dalawa.” kinuha nito ang tray sa kamay ni Conrad at siya na ang nagdala sa center table ng living room. Walang nagawa si Conrad kundi ang sundan ang anak sa kwarto nito. Komportableng pumasok sa kwarto ni Aliah si Conrad. “Hi, Daddy. Look what present I got from Leandro. He gave me a new set of Barbie dolls.” pagmamalaki nito sa ama. Natuwa naman si Conrad dahil masaya ang kanyang anak sa regalo ng bisita. Hindi niya nakita sa loob ng kwarto ng bata si Lea kaya tinanong niya ang tungkol sa ina ni Leandro. “Oh, we left her in the living room." mabilis na sagot ni Leandro, tumango na

