Pagdating sa bahay nila ay binagsak ni Lea ang katawan sa couch. Biybit naman ng nanny ang ibang gamit nila at dinala ang iba sa laundry area. “M-Mommy, what's wrong? Bakit we need to go home early?” may halong tampo ang tanong ni Leandro. Nangako siya sa bata na hanggang bukas pa sila sa bahay nila Aliah. Naiinis din naman si Lea sa kanyang sarili. Medyo naging childish siya at halatang hindi niya matanggap ang pagkatalo at sa mga nalaman tungkol sa rebelasyon ni Conrad. Lagot sa akin itong is Ley, banta ni Lea. Pero naisip niya rin na wala naman dapat panagutan si Ley. Ginagawa lamang nito ang trabaho. Nagkataon lang na under pala ito ni Conrad. Pero naiinis pa rin siya dahil naisahan siya ni Conrad. “Don't worry, magkikita pa naman kayo some other day, okay. Now go, wash up yourself

