What? Kaya ba ang lakas ng loob niyang hindi sumipot sa mga meeting arrangement namin dahil wala naman itong pakialam sa business na nakapangalan sa kanya. Huminga ng malalim si Lea. Kulang pa talaga siya sa kaalaman tungkol sa negosyo at higit sa lahat, pinaikot siya nina Lea at Conrad. Hindi rin niya masisi ang Personal Assistant, trabaho lang nito ang sinusunod. Kahit nagtataka na siya noong una kung bakit master na master niya ang tungkol sa business ng mga Montalban at kahit na sa America, hindi ito nalilito. Lahat ng karangyaan na meron si Toffer ay totoong nakapangalan kay Conrad Montalban. Ang papeles na nasa kanya at mga transfer ng ari-arian at businesses ni Toffer Agustin ay peke lang. Totoo namuhay sina Lea at ang kanyang nanay kasama si Toffer na marangya, dahil ‘yun ang

