Chapter Two
Your Highness, You're My Slave
"MABUTI naman at pumasok ka ngayon Alex. Akala ko tatanggihan mo ang offer ko sa 'yo." Bungan ng kaibigan ni Alex sa si Joana nang pumasok siya sa loob ng locker room ng mga empleyado ng isang sikat na Japanese Restaurant sa Maynila.
Pagdating ng alas-otso ng umaga ay may klase siya sa taekwondo sa mga bata at sa alas diyes dapat nasa palengke siya pero natanggal na nga pala siya doon, pag-ala-una naman dapat nasa construction site na siya pero natanggal na rin pala siya roon kaya wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang trabahong ito.
"No choice ako, si Miss Nagisa na rin kasi ang kumuha sa 'kin. Nakakahiya namang tumanggi dahil ang dami niya ng naitulong sa 'ming magkapatid." Ani Alex. Tinanggal niya ang suot na cap at sinunod na hinubad ang suot na hoodie hanggang sa nakasando nalang siya ng itim.
"Ito, oh." Inabot sa kanya ni Joana ang uniporme nila sa trabaho. Isa 'yung cute na damit ng isang maid since isang Japanese Restaurant ang pinapasukan nila.
Agad na sinuot ito ni Alex at saka hinubad ang rubber shoes at jeans na suot. Nagsuot siya ng mahabang medyas na itim at isang cute na doll shoes. At para sa finale, isinuot niya sa kanyang buhok ang isang maido headband na may cute na design.
"Ang ganda mo, baks! Tinalo mo ang beauty ko." Komento ng kanyang kaibigan nang makita ang kabuuan niya.
"H'wag nga ako ang lokohin mo, wala akong pera."
"Ay wala ba? Akala ko meron, eh." Pagsakay pa nito sa sinabi niya kaya nagtawanan sila.
Bago magsimula sa trabaho ay nagtungo muna siya sa amo para magpasalamat at makapag-umpisa na.
"Miss Nagisa, okay na po ako."
"Ganun ba? Pwede ka ng mag-umpisa ngayon." Nakangiting anito at halos mawala ang mata dahil sa pagkakangiti.
Si Ms. Nagisa ay nakilala niya noong mga panahong nagtatrabaho siya bilang isang taxi driver. Naiwan nito ang bag sa kanyang taxi'ng pinapasada kaya agad niya naman itong binalik. At magmula noon ay naging mabuti sa kanilang magkapatid ito. Sa simpleng kabutihan na nagawa niya rito ay marami na itong naitulong sa kanila kaya nahihiya siyang tanggihan ito.
"Sige po, maraming salamat po ulit." Ngumiti siya at bahagyang yumuko bago umalis sa opisina nito.
Pumwesto siya sa entrance sa gabing 'yun para batiin at salubungin ang mga customers na pumapasok.
Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok sa trabahong ito ay ang katotohanang kailangan niyang magsuot ng cute na cute na uniporme ng restaurant. Hindi siya sanay at naiilang talaga siya. Para siyang sinukahan ng rainbow at feeling niya hindi bagay sa maangas niyang dating ang cute na uniporme. Nakakabawas ng angas niya, eh.
Mabuti na lamang at walang customer na kakilala niya kundi, patay siya.
***
MATAPOS ang shift ay magkasamang naglilinis sila ni Joana nang mapansin nitong balisa si Alex
"Bakit ganyan naman ang mukha mo, girl?"
"Kailangan ko pa ng isang trabaho." Hindi nakatingin na sabi nito.
"Ano?! Tao ka ba? Wala ka bang balak na magpahinga? Ilan na ba ang trabaho mo?"
"Tatlo pa lang,"
"PA LANG? Niloloko mo ba ako? Ang dami na nun. Nagpapayaman ka ba?"
"Buti yumaman."
"Eh, ikaw naman kasi, eh! Para kang bumubuhay ng labing dalawang anak, eh dalawa lang naman kayo ni Kia." Sabi nito at pinagpatuloy ang pagpupunas sa huling lamesa.
"Hindi, kailangan na kasing magbayad ng tuition ni Kia. Kailangan kong makakuha ng 30,000 pesos sa loob lang ng isang Linggo."
"Thirty thousand pesos?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Joana at tumango lang si Alex rito. Nagtungo na siya sa locker room para kunin ang gamit dahil tapos na silang maglinis at nakasunod naman sa kanya si Joana.
"Magkano na pera mo?"
"15 thou, kinse nalang!" Nakangising sabi ni Alex na para bang pinararating na 'Ako ba pa? Yakang-yaka 'yan'
"Kinse nalang pala. Kaya 'yan, isang gabi lang." Taas baba pa ang kilay na sabi ni Joana kaya nakatikim tuloy ito ng batok niya.
"Magtigil ka nga! Ito pa nga lang na pagsusuot ng maido costume na 'to hindi ko na masikmura. Kungdi ko lang talaga kailangan ng pera at hindi lang nakakahiya kay Ms. Nagisa," napailing-iling nalang si Alex.
"Joke lang, baks. Ikaw naman."
NANG gabing 'yun ay sabay na umuwi ang dalawa matapos isara ang restaurant. Hinatid ni Alex si Joana sa sakayan since madaling araw na at matapos noon ay naglakad na siya pauwi. Wala na siyang bike kaya lakad mode siya.
Dahil sa pagkakaisip sa bike bigla na naman tuloy siyang nainis doon sa baklang nakadisgrasya sa bike niya. Kapag nakita niya talaga ulit 'yun, maniningil ito ng mahal.
Pagkauwi sa bahay ay naabutan niya pang gising ang nakababatang kapatid na si Kia. Pinanood siya nitong maglinis ng katawan hanggang sa nahiga na silang magkatabi.
"Sabihin mo na ang sasabihin mo." Sabi ni Alex sa kapatid kahit nakapikit na. Kilalang-kilala niya na ang kapatid. Ano mang kilos nito ay alam niya ang ibig sabihin.
"Ate, sinisingil na po kasi ako sa school, eh. Kung hindi raw ako makakabayad mababaliwala raw 'yung pagkaka-enroll ko. Kahit pumasok ako ng pumasok wala rin daw kwenta." May pagsusumbong nito.
"Pinahiya ka ba nila?" Dumilat siya ng mga mata at tinignan ang kapatid na nakaupo.
"Okay lang 'yun, ate. Sanay na rin naman ako. Dapat kasi hindi ko na pinilit na mag-aral sa private university para hindi ka nahihirapan ate."
Napangiti si Alex. Inangat niya ang kamay at hinawakan ang mukha nito.
"Pasensya na. Medyo nagkaproblema lang sa trabaho ko pero this week. Mababayaran mo na 'yun. Sa ngayon mag-down ka muna at 'yung kulang sa susunod na."
"May pang-down ka ate?" Agad na sumilay ang tuwa sa mukha ni Kia.
"Oo, kunin mo roon sa bag ko." Pagod na sabi ni Alex at muli ay pumikit. Agad namang tumayo si Kia at kinalkal ang bag niya at nakita nito roon ang isang brown na sobre at nakalagay doon ang tig-iisang libo. Agad itong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.
"Salamat talaga ate. Promise, mag-aaral pa akong mabuti. Last year ko na ate. Next year ako naman ang magtatrabaho at magiging buhay reyna ka na. Bibili ako ng malaking bahay, masasarap na pagkain--" at nagpatuloy ang mahabang speech ng kapatid hanggang sa nakatulog na siya.
KINABUKASAN matapos ng kanyang klase sa mga bata ay agad na siyang naghanap ng trabaho. Mahirap talagang maghanap ng trabaho sa panahon ngayon lalo na't hindi ka nakatapos. Kailangan niya ng makahanap ng agarang pera. Ngayon tuloy parang gusto niyang i-consider ang biro sa kanya ng kaibigang si Joana. Siguradong sa isang gabi sobra-sobra pa ang kikitain niya. Pero syempre, wala sa option 'yun.
Kaya nagpatuloy siyang maglakad sa kahabaan at sa tirik na araw ng katanghalian habang dala-dala ang nakarolyong brown envelope na naglalaman ng kanyang resume at isang biscuit sa bulsa na magsisilbing pagtawid gutom niya sa buong araw.
Ten thousand nalang. Ngayon pa ba siya susuko? Konting push nalang makakapagpatapos na si Kia ng pag-aaral.
Mag-aalas kwatro na ng hapon pero bigo pa rin si Alex. Kung hindi nangangailangan, ay hindi naman siya pwede dahil puno na. Sa huli ay napagpasyahan niyang bukas naman. Siguro ay malas siya ngayon pero hindi naman habang buhay na malas ka. Darating din ang araw na ikaw--- Hindi pa tapos ang speech niya sa sarili nang mahagip ng mata niya ang isang flyer. Tatakpan na sana ito ng panibagong flyer pero naging maagap siya at nakuha niya muna ang kailangan.
IMMEDIATE HIRING!
WANTED: JANITOR—FOR MALES ONLY
WHERE: Willford Academy (**** Philippines.)
SALARY per day: 700 pesos
Contact #: 09-999-999-999
Automatic na nagningning ang mga mata ni Alexis. Malaki ang sahod kaya galak na galak siya. Kaya nga lang, nanlumo siya ng mabasang panlalake lang ang trabahong ino-offer.
Napabuntong hininga siya at walang salisalitang tinext ang numerong nasa poster gamit ang luma niyang cellphone. Gagawan niya na lang ng paraan iyon para makapasok siya. Kailangan niya ng trabaho para sa kapatid niya.
***
"AH, so ikaw pala ang tumawag kahapon?" tanong ng gwardya kay Alex na nakatingin sa kanyang resume, "Puntahan mo nalang po ang opisina ni Miss Crystal. Nasa third floor po ng pangatlong building sa kaliwa. Makikita n'yo po kaagad." Paliwanag nito.
"Ah, sige ho manong! Maraming salamat po." Nakangiting pasasalamat niya.
May hinalungkat lang sa loob ng guard house ang gwardya at nagbukas na ang mataas na gate ng skwelahan. Namangha siya dahil sa laki ng gate at gintong kulay nito. Medyo nakakatakot lang ang tunog nang pagbukas niyon.
Naglakad na siya sa loob ng skwelahan. Mas lalo pa siyang namangha nang makita ang napaka-sosyal na dancing fountain sa gitna ng quadrangle.
Maraming puno at bulaklak sa paligid. Meron ding mga statues ng mga anghel at kabayong may sungay sa gitna ng noo at pakpak. Kung may selfun lang sana siya na may camera ay nagselfie na kaagad siya sa mga ito.
Palinga-linga siya sa paligid. Ang tahimik. Walang tao. Walang mga estudyante. Malamang ay nasa mga classrooms na ang mga ito at nakikinig ng lecture. Nagpatuloy siya sa paglalakad para hanapin iyong building na sinasabi ng gwardya. Ilang saglit pa'y may napansin siya sa malayuan na grupo ng mga estudyante. Mga anim ata ang mga ito. Dalawang lalake at apat na babae. Halos malaglag sa lupa ang kanyang panga sa sobrang iksi ng mga palda ng mga studyanteng babae at ang tataas pa ng mga takong ng mga sapatos ng mga ito. Mas masisikmura pa niyang suotin ang maido costume kumpara sa uniporme ng mga ito.
Nagulat nalang siya nang sa paglingon niya ay may nakatayo na palang isang lalake sa likuran doon. Napakaputi nito. Kulay brown ang buhok na mukhang ni-wax. Nakangiti ito sa kanya kaya napaatras siya dahil nawirduhan siya sa paraan nito ng pagngiti. Hindi niya alam kung estudyante ba ito dahil iba ang uniporme nito kumpara sa mga estudyanteng nakita niyang dumaan kanina. Kulay brown kase ang pantalon ng mga lalakeng studyante kanina na nakita niya samantalang sa kaharap niya ngayon ay black. Sa pang-itaas naman ay mas maganda ang kulay maroon nitong blazer tapos naka-bold at kulay gold ang mga letrang "WA" nito sa necktie. May tila maliit na kumikinang na bagay pa ang gilid ng kwelyo nito.
"Yo!" Itinaas nito ang isang kamay para batiin siya.
"Err. Janitor ka ba rito?" hindi siguradong pagtatanong niya.
"W-what?" hindi makapaniwalang saad nito pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi.
"Alam mo ba kung saan ang office ng tagapamahala ng school? Kailangan ko sanang ipasa ang resume ko." Sabi niya.
"Ahh, so ikaw ang bagong janitor?" Patangu-tango pang anito. "Kawawa naman 'to." Bulong nito na hindi niya masyadong narinig.
"Halika, samahan na kita sa opisina, kung ganun."
"Salamat, ah." Sabi ni Alex.
By the way, my name is Nieder." At inabot nitoa ng kamaysa kanya. "And you are?"
"Alex," simpleng sabi ni Alex at tinapik lang ang kamay ng binata. Nagkibit balikat nalang si Nieder.
"HERE you go, Alex." Huminto sila sa isang malaking double door na pinto.
"Salamat, ah. Oo nga pala, ang cool ng uniporme ng mga janitor dito. Type ko." Puri pa niya sa suot ni Nieder at nagawa niya pang pagpagan ang balikat nito kaya natawa naman ito.
"'Ge, una na ako!" Maharot na sabi nito saka siya tinalikuran kaya hindi na siya nakaangal pa.
***
PAGPASOK ni Alex sa loob ay bumungad sa kanya ang isang magandang babae na nakaupo sa umiikot na upuan. Namangha siya sa itsura nito. Inaasahan niya kase na isang striktang matanda na nakasalamin ng makapal ang makakaharap niya pero mukhang bata pa ang isang ito.
"Magandang umaga po." Magalang na bati niya rito at saka lumapit sa lamesa nito.
Ngumiti sa kanya ang nasabing babae at nagsign na umupo siya sa katapat na upuan. "Magandang umaga rin naman, Danielle Alexis Gonzales. Maraming salamat at nag-apply ka rito. Talagang nangangailangan kami ng tagapaglinis ngayon." Abot langit ang pasasalamat nito sa kanya na para bang isa siyang anghel na binigay ng langit.
"Ako rin po naman, nangangailangan ng trabaho at Alex nalang po sana ang itawag niyo sa 'kin medyo nakakailang pag buong pangalan."
"My pleasure, Alex. By the way my name is Crystal Ashfortz, I am the President of this school and at the same time, Dean."
"Nice meeting you po, Miss Crystal."
Hindi na humaba pa ang pag-uusap nila. In-orient siya sa kung anu-ano ang mga gagawin niya sa hindi dapat gawin. Sinabi na rin sa kanya kung saan namamalagi ang mga katulad niya at kung nasaan nakalagay ang mga cleaning materials.
"Sige po. Maraming salamat po Ms. Crystal. Mag-uumpisa na po ako ngayon."
"Salamat Alex." Yumuko pa si Alex ng bahagya bago tinalikuran ang nakakataas na babae pero muli siyang humarap nang magsalita itong muli.
"By the way Alex. Mag-iingat ka. Mas mahirap sa inaakala mo ang trabahong 'to kaya sana magtagal ka."
"Wala pong mahirap sa isang Danielle Alexis Gonzales!" Determinadong ani naman ni Alex.
"Mabuti kung ganun. Kung may mangyari man sabihin mo kaagad sa 'kin at ako na ang bahala."
"Sige po. Marami pong salamat ulit." At tuluyan na ngang lumabas si Alex sa kwartong 'yun.
Tuwang-tuwa siya dahil natanggap siya kaagad sa Willford Academy bilang isang janitor. Medjo guilty lang siya dahil nagpanggap pa talaga siyang lalake para lang makapasok. Tutal naman ay palagi siyang napagkakamalang lalake dahil sa maikli niyang buhok, kilos at hindi rin halata ang kaliitan niyang dibdib. Sakto pa na panglalake ang buo niyang pangalan.
AGAD siyang nagtungo sa maintenance room kung saan nandoon ang mga kailangan niya sa paglilinis. Ang unang pinalilinis sa kanya ay ang cr ng boys at girls dahil mas makakapaglinis siya ng maayos kung walang estudyante sa loob since nasa klase pa ang mga ito.
Bago 'yun ay nagsuot muna siya ng kanyang uniporme. Kulay blue jumper ito at sa pangtaas naman niya ay isang t-shirt na may nakatatak din na logo ng school na "WA" sa kaliwang dibdib at kulay blue rin na cap. Nagtaka pa siya kasi kakaiba ang uniporme niya roon sa nakita niyang janitor din ng school na 'to pero inisip niya na baka gano'n ang suot ng mga newbies na janitor.
Hindi rin nagtagal ay inumpisahan na ni Alex ang paglilinis. Walang arte na nilinis niya ang cr ng girls. Napailing-iling pa siya ng maabutang puno ng lipstick vandalism ang malaking salamin sa loob.
"Eat me, master Zenwel."
"Nieder, I want to be one of your girls!"
"Kyle... I love you. Please marry me."
Napangiwi si Alex sa mga nababasa niya na vandalism sa salamin.
"Sino ba namang matinong babae ang magsusulat ng ganito?" Nasabi niya pa sa sarili bago inispreyan ng sabon ang salamin at saka pinunasan ng basahan.
Ilang oras din siya sa loob ng cr ng girls bago niya napagpasyahang lumipat na sa cr ng boys. Syempre iniwan niyang kumikinang at mabango ang cr ng girls. Isa si Alex sa mga taong sigurista pagdating sa kalinisan.
Pinalitan niya muna ang maruming tubig sa baldeng dala at saka inumpisahang linisin ang cr ng boys. Mas okay ang cr ng boys kumpara sa cr ng babae na puno ng vandalism. Sa boys, ang amoy lang nitong mapamnghe ang pinoproblema niya kaya binombahan ni Alex ang bawat cubicle doon.
Nasa last na cubicle na siya ng makarinig siya na bumukas ang pinto ng cr ng boys at nakarinig siya ng yabag. "May tao." Naibulong niya pa.
AYAW sana ni Kyle na sumiar dito pero wala siyang choice kundi ang makigamit ng cr. Paano ba naman hindi sila pinagagamit ng cr ni Zenwel doon sa leisure room. Bakit? Dahil ayaw ni Zenwel na bumaho na naman 'yun dahil sa walang naglilinis kaya napilitan siya na lumabas para dito na magcr.
Pagpasok niya sa loob ay nagtaka pa siya ng hindi maamoy ang kapanghian ng cr. Napansin niya rin ang mga cleaning materials sa loob kaya agad na pumasok sa isipan niya na baka mayroon ng nakuhang janitor ang paaralan nila.
Nagtungo na sa isang ihian si Kyle. Agad na binaba ang zipper at inilabas ang alaga niya para makaihi na. Nasa kalagitnaan na siya ng paglabas ng tubig sa katawan ng bigla ay magulat siya ng may lumabas na tao sa dulong cubicle. Parehong nanlaki ang mata nila sa pagkakakita sa isa't isa at halos sabay na napasigaw.
"AHHH!!!"
Agad na tinago ni Kyle ang dapat itago at tumalikod pa kay Alexis habang natataranta. Napatalikod rin si Alex at tinakpan ang mata. Hindi ito makapaniwala sa nakita.
"P-Pwede ka ng humarap." Nagulat lang kase talaga sa nangyari lalo nan g sumigaw nga ang janitor. Nakakapagtaka kase pareho silang lalake pero kung maka-tila ang isang ito, parang babae.
"Pasensya na. Nakita ko... pero hindi naman gano'n katagal. Sulyap lang, promise!" Natawa si Kyle sa sinabi ni Alex.
"Bakit tumatawa ka diyan? Pinagtatawanan mo ba ako?" Naaasar na puna ni Alex sa kanya.
Umiling na lang siya rito.
"Kasi naglilinis ako. Tsaka tama ba namang ilabas mo 'yang..." sinulyapan pa ni Alex ang gitna ng hita niya at naiilang na binalik ang mga mata nito sa ibang diresksyon kaya hindi maiwasan ni Kyle ang matawang muli.
"Naiihi na ako malamang ilalabas ko siya." Pangangatwiran niya pa habang tumatawa. "Tska, ba't ganyan ka maka-reak, ha? Pareho naman tayong lalake. Maliban na lang kung bak—"
Biglang nagpanic ang janitor at hindi alam kung sa'n sunod na titingin. "D'diyan! Diyan ka na nga! Marami pa akong lilinisin." Pagsuko nalang ni Alex at binuhat ang baldeng may laman na tubig, pang-mop at kung anu-ano pang panlinis.
Nang malapit na ito sa pinto ay nagulat nalang siya ng muli itong humarap sa kanya at hindi pa nakuntento, lumapit pa ito at tinitigan siya ng mabuti.
"B-Bakit?" Naiilang na inilayo niya ang mukha kay Alex. God! Hindi niya akalain na ang ganda pala ni Alex sa malapitan. Ang mga mata nito na sobrang expressive, ang mga labi nito na wala namang nakalagay na kung ano pero natural na pula, ang pisngi nitong mamula-mula dahil siguro sa nangyari kanina at ang ilong nito na pointed. Natural na mukha ng isang babae pero he found her very interesting.
"Janitor ka rin dito 'di ba?" Nagulat siya sa sinabi nito.
"Ano?!"
"H'wag ka ngang tatamad-tamad. Tulungan mo akong maglinis. Marami pa tayong lilinisin. Ang laki kaya ng school na 'to." Sabi nito at hinila siya sa kanyang necktie papalabas.
***
NAKARATING sila Kyle sa hallway sa pinakalast floor bago ang rooftop. Ang sabi ni Alex sa kanya ay mag-uumpisa sila sa taas pababa.
"Oh heto. Mag mop ka habang ako magpupunas ng mga salamin." Binigyan siya nito ng pang-mop at napaawang talaga ang bibig niya sa mga nangyayari.
Una napagkamalan siya nitong janitor, pangalawa hinila siya nito papunta sa pinakataas na floor at inakyat nila 'yun gamit lang ang hagdan at seriously, hinihingal pa rin siya hanggang ngayon. Pangatlo, pinagmamop siya nito. What the heck!
"Oh ano pang tinutunganga mo? Mag mop ka na. Marami pa tayong floor na lilinisin." Utos sa kanya ni Alex kaya napangiti na lang siya at naiiling-iling. Sa huli ay napagpasyahan niyang sakyan ang katangahan nito at sundin na rin ang utos nito tutal nag-eenjoy siya sa mga nangyayari.
"Oo nga pala, ako nga pala si Kyle. Anong pangalan mo?" Pagtatanong niya rito habang nagmamop at si Alex naman ay seryoso sa pagpupunas ng mga salamin.
"Danielle Alexis, pero pwede mo akong tawaging "Alex"'. Tango lang ang isinagot ni Kyle.
Hinubad ni Kyle ang pang-itaas niya hanggang sa nakasando nalang siya ng puti. Nagbasaan na sila at nagbatuhan ng kung ano ni Alex habang tawa ng tawa. Natutuwa talaga si Alex sa presensya ni Kyle. Ang gwapo gwapo kasi niya lalo na kapag ngumingiti dahil lumalabas ang malalim na dimple niya sa kanang pisngi at ang gwapong boses na nagiging sexy kapag tumatawa.
Ang mga nakakakita naman sa kanilang mga estudyante ay nagugulat dahil sa nangyayari. Si Kyle na anak ng isa sa mga investors ng Wilford Academy ay naglilinis.
Natigil ang kulitan nilang dalawa nang magpakita si Nieder. "Alexis? Teka, Kyle? Anong ginaga—""
Agad tinikom ni Kyle ang bibig nito at nagpupumiglas naman si Nieder. "Shshh! H'wag ka ng pumalag Nieder, masaya 'to!" Bulong nito rito tska ay lumapit si Alexis para iabot kay Nieder ang isang mop.
"A-anong gagawin ko d'yan?" Parang nakakita ito ng multo ng abutan niya ng mop kaya natatawa tuloy siya rito.
"Ano ka ba naman! Kung makaasta ka parang hindi ka rin janitor! Tara na't mag-umpisa na tayong maglinis!"
Napaawang ang bibig ni Nieder dahil hindi talaga mag-sink in sa utan nito ang mga nangyayari. Bumaling ito ng tingin kay Kyle pero nginisihan lang siya nito at tinanguan. Para bang sinasabi nito na sumunod nalang kaya sa huli, kahit labag sa loob ay sumunod ito sa ipinagagawa ni Alexis.
SAMANTALA, sa 'di kalayuan, habang naglalakad si Zenwel sa mismong hallway ay napansin niya ang nagkukumpulang estudyante sa unahan. Dahil sa curiousity ay pinuntahan niya ang pinagkakaguluhan ng mga iyon.
"What is happening here?" Natanong niya sa isang malapit na estudyante sa gawi niya.
"Ah! M-master Zenwel! M-may pinagkakaguluhan ho kase sina Kyle at Nieder do'n po!" sabay turo nito sa sinasabi. Naningkit ang kanyang mga mata upang tanawin ang itinuturo nito. Kita niya nga sina Nieder at Kyle na tuwang-tuwa pa sa pagma-mop habang nakatalikod sa gawi niya ang isang janitor na kasama nito.
"Mga walang'hiyang 'to! At nakipagharutan pa talaga sa janitor?!" Napakuyum siya sa inis at nagdirediretso sa tatlo. Ang kaninang nagkukumpulang mga estudyante ay biglang humawi nang dumaan siya.
Prete siyang naglakad patungo sa dalawang kaibigan na halos abot tenga ang mga ngiti. Nagdidilim ang kanyang mukha dahil sa kanina niya pang naririnig ang nakakasulasok na tawa ng mga ito kasama nga iyong janitor na busy parin sa kakatawa kasama ang kanyang mga kaibigan.
"D-dude!" garalgal ang boses na natigil si Nieder sa pagmamop nang makita siya. Tinapik pa nito si Kyle na agad namang nanlaki ang mga mata pagkakita sa kanya.
Ang janitor na kaninang nagmamop din ay nasa harapan niya. Napatigil ito at pumaywang pa, "oh? Ano't bigla kayong naging tuod d'yan? Nagtataka ito sa biglang inasal ng dalawa. Hindi pa kase siya nito nakikita dahil nakatalikod ito sa kanya.
Isang hakbang ang ginawa ni Zenwel para pagmumurahin sana sina Kyle at Nieder sa kahibangan ng mga ito pero natigilan siya nang ipinatong ng janitor ang mop sa balikat nito at maglanding sa ulo niya marumi at nakakadiring tela ng mop.
Rinig na rinig sa buong gusali ang pag-gasp ng mga taong nakakita at ang pagsigaw nila Kyle at Nieder ay naging slow-motion din. "Alex ..." Sila ang takot na takot para kay Alex . Sigurado kasing patay ito ngayon.
Napaawang ang bibig ni Zenwel ng maramdamang umaagosang itim na tubig sa mukha niya papunta sa suot niyang uniporme. Diring-diri siya talaga siya at gusto niya nang mahimatay pero bago iyon ay pagbabayaran muna ng janitor na ito ang ginawang pambabastos sa kanya!
Nagtaka si Alex sa naging reaksyon ng mga tao sa paligid at nila Nieder at Kyle kaya napaharap ito sa likuran. Manghihingi na sana ito ng tawad sa nadisgrasya nitong si Zenwel pero nagkagulatan pa silang dalawa nang makita ang isa't isa.
"IKAW?!" Halos sabay na bulalas nila at naiduro pa ni Zenwel si Alex . "MAGBAYAD KA!!" Pareho pa ring sigaw sa isa 't isa.