Three

3828 Words
Chapter Three Your Highness, You're My Slave                 "DUDE, kilala niyo ang isa't isa?" Pagsabat ni Nieder sa gitna nang gulat nila Alex at Zenwel. "Paano ko makakalimutan ang isang 'to, eh sinira ng tangang baklang ito ang bike ko!" Malakas na namang napa-gaps ang lahat nang marinig ng mga ito kung paano tawagin ni Alex si Zenwel. "Kaya hala sige! Bayaran mo ako!" Paniningil ni Alex rito. "Anong karapatan mong tawagin akong bakla?!" Hindi na maitago pa ni Zenwel ang galit nito kay Alex . Susugurin na sana nito ang kaharap pero bigla itong hinawakan nila Kyle at Nieder sa magkabilang braso para pigilan ito. "Get off me!! Papatayin ko ang patpating iyan!" Singhal nito habang dinuduro si Alex . "Wala akong pakialam basta bayaran mo ako!" "At bakit kita babayaran? Ikaw 'tong may utang sa 'kin! First, you ruin my perfect face!" Sabay turo sa mukhang nakaband-aid pa. "And second, binasa mo ako ng nakakadiring... nakakadiring... bagay na 'yan!" Halos manginig pa si Zenwel sa pagkakaalala sa kung ano ang meron ngayon sa katawan nito. Pinamumugaran na ito ng baktirya. "Wow! Bakit? Mahal ba 'yang pagpapagawa mo sa mukha mo? H'wag kang mag-alala ako na mismo ang tatahi d'yan. Para naman sa pangalawang utang ko na sinasabi mo, iligo mo lang 'yan! Mawawala na 'yan! Gusto mo ako pa magpaligo sa 'yo! Tss. Ang arte nito. Bakla nga." "W-what did you say?! Ikaw magpapaligo sakin?" Halos mamula sa galit si Zenwel! No way in his life na sasabay itong maligo sa kahit na sino lalo na sa isang taong katulad ng kaharap nito ngayon. "Oo, hihiluran pa kita!" Pagbubunganga ni Alex . "Kadiri ka! Hindi ako pumapatol sa katulad mo!" "Alam ko, kasi nga bakla ka! Bakla! Baklang tanga-tanga! Sa sobrang tanga mo hindi mo alam na tanga ka!" Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Alex kaya mas lalong kumawala si Zenwel sa pagkakahawak nina Kyle at Nieder; pero dahil sa hindi nila inaasahan 'yun at wala silang lakas dahil sa kakatawa nila sa sinabi ni Alex ay nakawala si Zenwel sa pagkakahawak nila. *** NAGING huli na ang lahat para sa kanila na pigilan si Zenwel dahil agad na sinugod niya si Alex ng isang suntok. Napapikit nalang sila upang hindi makita ang susunod na mangyayari. Pero hindi nila inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Imbis na si Alex ang humandusay sa lapag ay si Zenwel ang tumumba sa simpleng self-defense na ginawa nito sa pag-atake niya. Gulat at napapahiyang tiningala ni Zenwel si Alex na nakatayo sa harapan niya. Agad siyang tumayo para gumanti rito at handugan pa ng isang suntok pero naulit lang ang nangyari. Tumumba ulit siya sa sahig at hindi niya man lang nakita ang ginawang kilos ni Alex . Hindi pa man nakakarecover si Zenwel sa nangyari ay nagulat na lang siya nang hagisan siya ng mop ni Alex . "Tumulong kang maglinis sa'min. Hindi 'yung inuuna mo 'yang kabaklaan mo!" May awtoridad na saad nito at parang walang nangyaring naglinis muli. Mas lalong nagdilim ang mukha ni Zenwel. Mahigpit na hinawakan niya ang mop at agad na tumayo upang ihambalos 'yun kay Alex na sa mga sandaling 'yun ay nakatalikod. Pero bago pa man tumama kay Alex ang kahit na anong bahagi ng mop ay nakaramdam na siya ng sakit sa sikmura niya. Hindi niya nakita ang mabilis na pagkilos ni Alex . Patalikod na sinipa siya nito. Bago bumagsak ay nakita niya pa ang tuwid na sipa nito papunta sa kanyang sikmura. Kahit galit ay hindi niya maiwasang mamangha rito. "AAHHH!" Daing niya at namilipit sa sahig dahil sa sakit. "Zenwel!" "Dude!" Agad naman siyang dinaluhan nina Kyle at Nieder. "Kasalanan mo 'yan!" "Anong sabi mo?!" Tumayo kaagad si Zenwel hawak ang mop. "Hindi kasi ako pumapatol sa bakla." Mapang-asar na sabi pa ni Alex at nginitian siya ng matamis. Imbis na mabadtrip pa lalo ay may kakaiba siyang naramdaman sa kaliwang dibdib niya. Bigla itong sumikip. "Anong kaguluhan 'to?" May otoridad na bigkas ng isang babae at mula sa kumpol ng mga tao ay nahati ito at niluwa si Crystal. Agad na nagsialisan ang mga estudyanteng nakikiisyoso sa takot na madamay sa gulo. "Uh, Si Crystal." -Kyle "Ate?" - Nieder "Ms. Crystal!" Sabay-sabay nilang bigkas. Si Zenwel lang 'tong walang pakialam sa bagong dating. *** APAT silang dinala sa loob ng opisina ni Crystal. Pero syempre, bago 'yun ay pinagbihis muna sila dahil sobrang rurumi nila. Present na ang tatlo na sina Kyle, Nieder at Alex sa loob office. Si Zenwel nalang 'tong hinihintay kaya hindi pa makapagsimula. Basa pa ang buhok, tumutulo pa ang duluhan ng buhok at may towel pa sa leeg na syang pinamumunas sa buhok nang pumasok si Zenwel sa loob ng office. Sinulyapan niya sa gilid si Alex at napangisi siya rito. Alam niyang sa pagkakataong 'to mananalo siya. Janitor pala, ah. Tignan natin. "Kahit kailan ka talaga Zenwel, napaka-VIP mo." Paninermon sa kanya nito. "The hell you care? Eh, pinanganak ako para maging espesyal, eh!" Ganti niya rito. "Baka kamo pinanganak kang special child." Bulong ni Alex na narinig din naman ng lahat. Napabungisngis sina Kyle at Nieder dahil doon at nagpantig naman ang tenga ni Zenwel sa narinig. "What did you say?!" Asar na asik niya rito. "Tumahimik ka nga! Hindi porque marunong kang mag-ingles sisigaw-sigawan mo na ang amo natin!" Pangangaral pa sa kanya nito. "Boss your face!" Asik niyang pabalik. "Enough, the both of you!" Pagpapatigil sa kanila ni Crystal. Napayuko naman si Alex at agad na humingi ng sorry habang umismid naman si Zenwel. "Can anyone explain to me what exactly happened awhile ago?" Pagsisimula ni Crystal. "Tinuturuan ko po silang maglinis Miss Crystal. Hindi po kasi sila marunong at 'yung isa pa dyan ay inuuna ang kabaklaan niya." Pagpaparinig ni Alex kay Zenwel. "May pamparetoke sa mukha tapos hindi mabayaran 'yung sinira niyang bike! Tama ba naman 'yun?" Bulong nito pero dinig naman ng lahat. "Bakla?" Nakangiwing pag-uulit ni Crystal sa sinabi ni Alex na salita kaya hindi na napigilan nina Kyle at Nieder ang matawa, pero agad din silang tumigil sa pagtawa nang sikuhin sila ni Zenwel. "H'wag mo nga akong matawag-tawag na bakla! Payatot na 'to!" singhal ni Zenwel kay Alexis. "Bakit mo naman tinuturuan ang tatlong 'to sa paglilinis Alex ?" "Kasi hindi sila marunong. Pero mabilis naman po silang matuto Miss Crystal kaya h'wag niyo po silang tatanggalin, ah." Pagtatanggol ni Alex kina Kyle at Nieder na inakala nitong mga janitor. "Pero ang isang 'yan tanggalin niyo na. Malala na ang sapak niyan sa ulo." Dagdag pa nito at hindi na naman napigilang matawa nina Kyle at Nieder. Maging si Crystal ay natatawa sa kung anu-anong lumalabas sa bibig ni Alex . "Ako? May sapak sa ulo? Gusto mo sapakin kita?!" Pagbabanta ni Zenwel dito at umakmang susugod. "Try mo. Tignan natin kung makatama ka, lam-pa." May diin ang huling salitang sinabi nito kaya mas lalong naasar si Zenwel. Ngayon lang siya naasar ng ganito sa iisang tao ng paulit-ulit. "Ulitin mo 'yang sinabi mo makakatikim ka na talaga sa 'kin!" "No thanks! Ayokong tikman ka at hindi ako pumapatol sa bakla." "Aba't! Ginagago mo talaga ako, ano?!" Susugod na sana si Zenwel pero napigilan siya nina Kyle at Nieder. "Relax, dude." Pagpapakalma sa kanya ni Nieder. "Anyways, Alex , hindi ko alam kung bakit inisip mo na mga janitor 'tong tatlong 'to pero kasi, hindi sila mga janitor dito." "Po? Hindi po ba?" At napatango naman si Crystal. "Kapatid ko lang naman ang tinatawag mong bakla, Alexis. At itong si Nieder, bunso namin. Samantalang si Kyle naman ay anak ng isa sa mga investors ng school." Lihim na napangisi si Zenwel. "Kaya patalsikin mo na iyang janitor na payatot na iyan!" Agad namang nangamba si Alexis sa sinabi niya. Hindi maaari! Kailangan nito ang trabaho at hindi pwede na mapa-alis ito! "Pa-patawad po talaga, Miss Crystal! Hindi ko po sinasadya na pagkamalan silang mga tagapaglinis dito!" "Walang patapatawad dito!" Singit ni Zenwel at lihim naman siyang tinignan ng matalim ni Alex. "Okay lang, Mr. Gonzales. Papalagpasin ko ito para wala ng gulo." "Talaga po?!" Agad nagliwanag ang mukha ni Alexis sa narinig pero salungat naman ito sa mukha ni Zenwel. "Why?! Crystal! This is unfair!" Humalukipkip si Crystal at hinarap siya, "it's not unfair my poor little brother. Sige na at kailangan ko pang umalis." Bumaling ang tingin nit okay Alexis, "tapusin mo na ang shift mo, Mr. Gonzales." "Sige po! Salamat po talaga!" Bahagya itong yumuko bago tuluyang umalis sa opisina nito. Tiim bagang naman na napakuyom ng mga kamay si Zenwel. Hindi siya makakapayag na gano'n nalang! Humanda talaga ang payatot na janitor na iyon! Hindi pa ito nagtatapos ang laban nila. GAYA ng nakagawian, naghatid ng mga dyaryo si Alex ng umagang 'yun sa Hill's Subdivision. Mga high class at exclusive na mga tao ang nakatira doon. Matapos 'yun ay umattend siya ng Judo/Taekwondo Class. Kahit papaano ay parame na ng parami ang mga estudyante niya kumpara noong nag-uumpisa palang siya. Matapos ang klase ay agad siyang naghanda para pumasok sa Willford Academy bilang janitor. Lakad mode siya dahil ayaw niyang mamasahe dahil makakabawas 'yun sa iniipon niyang pera. Sa pagkukwenta niya ay hindi niya kayang makaipon ng 15,000 sa isang Linggo pero alam niyang may himala na mangyayari kaya sige kayod pa rin siya. Habang naglalakad ay naabutan siya ni Joe na kaibigan niya. "Alex !" Pagtawag nito sa kanya. "Uy, Joe! Long time no see!" Aniya rito at nakipagfist-bump. "Kamusta na? Nakahanap ka na ba ng trabaho? Napakiusapan ko na si Aling baby, pwede ka na raw bumalik." "Talaga? Pero mahuhuli lang ako palagi gaya ng dati. Hectic ng schedule ko, eh." "Ganoon? May isa pa akong trabaho, anong oras ka ba libre?" Sinabayan siya nito sa paglalakad. "Hmm... gabi lang, eh. Puno na ang schedule ko kapag umaga." "Wow, ang astig mo talaga, Alex ! Kaya idol kita, eh!" "Wala akong pera, Joe." "Hahaha 'kaw talaga. Pero sakto gabi 'yung trabaho kong 'yun." "Baka naman illegal 'yan, ah." "Hindi, bouncer lang sa isang bar. Mas maganda sana kung waitress ka roon pero ayoko naman na ma-bastos ka kaya bouncer nalang." "Okay sa 'kin 'yan." "Pero lalaki kasi dapat 'yung bouncer, eh. Tsaka dapat malaki katawan." Pagpoproblema pa ni Joe. "Aba't naliliitan kaba sa katawan ko?" Pinakita pa niya dito ang muscle niya sa braso kaya natawa naman si Joe. "Oh sige, basta mamayang gabi mag-report ka kay boss. Mapakikiusapan ko naman siguro 'yun kasi kakilala ko. Pakitaan mo nalang ng mga galawang Alex ." "Sige, Joe. Ako ng bahala. Papakitaan ko 'yun ng tinatawag na tinamaan ng magaling." "Hahahaha oo na. Yabang, ah. Pero saan ka pala pupunta? Hindi pa rin ayos bike mo?" "Oo 'di pa. Tsaka na siguro kapag nairaos ko na 'yung utang ng kapatid ko sa iskul niya para makagraduate siya this year." "Ahhh sa'n ka punta? Hatid na kita?" "Hatid? Tapos lakad tayo?" "Oo, para mas matagal ang oras na pagsasaluhan natin." "Baliw. Diyan lang ako sa Willford Academy, janitor ako roon. Mataas sahod. Gusto mo ipasok kita?" "Talaga? Pero may trabaho ako sa palengke ng umaga." "Aww, sayang. Mas mataas sahod dito, Joe." "Sige pag-iisipan ko. Total parang all package na rin kapag tinanggap ko 'yang offer mo." "Bakit naman?" "Kasi mataas na ang sahod, nakasama pa kita buong araw at pati gabi magkasama pa rin tayo." "Wow, ah. Anong all package roon, eh buong araw ka lang makukunsume sa 'kin dahil sa mga pang-aasar ko." "At kamanhiran mo." Bulong pa ni Joe. "Ano?" "Wala. Ang sabi ko malapit na tayo sa Willford. Bilisin na natin." *** PAPALIKO na papasok ng Willford Academy ang sinasakyan ni Zenwel nang mahagip ng mata niya ang taong laman ng isip niya buong gabi. Don't get him wrong, laman ito ng isip niya dahil nag-iisip siya kung paano ito magagantihan. Pinahinto niya ang sinasakyan sa isang tabi upang mapagmasdan ito. Nakita niyang may kausap itong lalaki na may nakatali pang towel sa ulo. Akala mo isang debotante ng Poong Nazareno. 'And who was the guy with him? His Boyfriend?' He thought. Naiinis siya sa paraan ng mga ngiti ng lalaki sa mayabang na patpatin. Kung makipag-usap pa ang lalaking kasama nito ay akala mo ay kinikilig. "Bakla ba ang isang 'yun? Ano 'yun namamakla siya para makakuha ng pera? Ganoon na ba siya kahirap? Kaya ba pati ako ay sinasabihan niya ng bakla? Siraulo 'to, ah." Bulong pa ni Zenwel habang titig na titig sa dalawa. Inutos niya na paandarin na papasok ang sasakyan nang makitang pumasok na sa loob ang mayabang na patpatin matapos kumaway-kaway roon sa baklang kalaguyo nito. "Pausukan mo," utos ni Zenwel. "Young master?" Paninigurado sa utos ng butler niyang si Levy. "'Yung amazonang patpating 'yun, pausukan mo!" Itinuro pa ni Zenwel si Alex na prente lang na naglalakad. "Opo young master," masunuring ani butler Levy at kinambyo ang sasakyan at mabilis itong pinaandar para maglabas ng usok na nasamahan pa ng alikabok kaya nilamon si Alex nang makapal na usok na may kasamang alikabok. Mula sa side mirror ay nakita ni Zenwel ang pag-ubo-ubo ni Alex kaya napangisi siya sa tuwa. Nakita niya rin ang pagkaasar sa mukha nito at agad na pinuntahan ang kotse niya na pinahinto niya 'di kalayuan. "Gago ka, ah! Sinong nagsabi sa 'yong bugahan ako ng usok!" "Me," preskong sabi ni Zenwel habang bumababa ang bintana ng mamahalin niyang sasakyan. "Tangina! Wala ka na bang magawa sa buhay mong gago ka?!" "What.ever," pabalang na sagot niya rito at pinaharurot ang sasakyan. Uubo-ubo namang naiwan si Alexis sa daan. "Aaahhh!!" Nasabunot pa nito ang sarili sa sobrang inis sa lalake. *** AWTOMATIKONG napangisi si Zenwel sa pagkakakita pa lamang kay Alex . Naghanda siya ng kung anong surpresa para sa pagdating ni Alex nang araw na 'yun. Mula sa kinalalagyan niya ay kitang-kita niya ang bawat kilos ni Alex gamit ang telescope na pinabili niya pa para sa kanyang plano. "Humanda na kayo," sabi ni Zenwel sa walkie talkie na hawak na kumukunekta sa hawak na walkie talkie ng butler niyang si Levy. Ito ang kasabwat niya sa planong 'to dahil hindi niya maaasahan sina Kyle at Nieder. "Sige, buksan mo." Bulong niya pa ng akmang hinawakan na ni Alex ang doorknob ng maintenance room at pinihit ito para bumukas. Paghakbang ni Alex papasok ay siya ring paghila ni Levy sa taling sumusuporta para hindi malaglag ang balde ng tubig na punong-puno ng ice tube. Bumuhos ang malamig na tubig kay Alex . Natawa si Zenwel nang makitang nahulog sa bitag si Alex at nakita niya ang gulat at panginginig nito sa lamig. Buo pa 'yung ibang ice tube! Ang sakit siguro noon sa ulo. "'Yung isa pa." Bulong ni Zenwel at agad na hinila ni butler Levy ang tali na sumusuporta sa isa pang balde na naglalaman naman ng harina at gaya kanina ay sakto na bumuhos ito kay Alex kaya sobrang puti na nito ngayon. Tawa ng tawa si Zenwel sa nangyari at pinuri niya ang butler sa galing ng performance nito at sinabihang magkakaroon ng malaking bonus. Sinilip muli ni Zenwel mula sa telescope si Alex at nakita niyang nakatayo pa rin 'to roon. Doon niya na napagpasyahang kunin ang mikropono na syang kumokonekta sa speaker na nilagay ni butler Levy sa loob ng maintenance room. "Nagustuhan mo ba ang pag-welcome ko sa'yo mayabang na patpatin?" Narinig ni Alex ang isang pamilyar na boses na nagmula sa isang maliit na speaker na nakapatong sa isang lamesa sa gilid. "Zenwel," naibigkas nito ng mahina at hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan. Inaantok pa ito at masama ang pakiramdam ngayong araw. Hindi gumagana ng maayos ang mga senses ni Alex kaya hindi nito napansin ang patibog na nakahanda. "Kung hindi mo 'yan nagustuhan h'wag kang mag-alala, marami pang susunod kaya be ready! Nandito na ang pusang handa kang paglaruan bago ka kainin ng tuluyan." Naiimagine ni Alex ang pagngisi niya habang nagasasalita kaya napailing nalang ito sa kanya. "Sira ulo talaga, hindi ko malaman kung ano ba ang utak ng baklang 'yun." Nasabi nito habang pinapagpagan ang sarili. Buong akala ni Alex ay okay na sila ni Zenwel pero mukhang hindi pa. *** MATAPOS linisin ni Alex ang sarili at makapagpalit ng damit ay nilinis niya rin ang kalat na ginawa ni Zenwel kaya imbis na makapagsimula na siya sa trabaho ay naabala pa dahil sa kagagawan nito. Nang matapos na siya ay kinuha niya na ang mga cleaning materials na gagamitin sa paglilinis. Pero nang buksan niya ang pinto sa kwartong iyon ay hindi niya na ito mabuksan. "Tangena." Napamura siya ng wala sa oras. "Good day, skinny dolt rat!" Napalingon siya sa may speaker ng may nagsalita doon. "Enjoy your stay!" May pang-aasar na dagdag nito. "Tangena naman Zenwel, oh! Buksan mo 'tong pinto hindi na ako natutuwa." Kausap niya sa speaker, inaakalang makakarating kay Zenwel ang sinasabi niya pero hindi. Wala ng ibang nagsalita pa roon. Sa inis ni Alex ay naibato niya ang speaker na nakapatong sa lamesa sa pader at nawasak 'to. Nagtry pa ulit si Alex na buksan ang pinto pero ayaw talaga. Wala siyang ibang choice kundi ang sirain ang pinto. Pero kung sisirain niya ang pinto, bawas 'yun sa kikitain niya. Pero kailangan niya ng maglinis. Kung hindi niya sisirain ang pinto malamang na manatili siya habang buhay doon. Wala naman kasing ibang pumupunta sa kwartong dahil nag-iisa lang siyang janitor. Sa huli ay napagpasyahan niyang sirain ang pinto. Ipapakaltas niya na lang sa sahod niya ang nasira niya. Ibinaba niya ang mga hawak na panglinis at napatingin sa isang kamay niya na nakabenda. Masama ang lagay ng isang kamay niya dahil sa punong braso kagabi kay Big J. Iyon kase ang paraan para makapasok siya bilang isang bouncer sa Chocolate Bar na-inoffer ni Joe. Nabalian ata siya ng mga buto sa kanang kamay at ito nga rin ang dahilan kung bakit ang sama ng pakiramdam niya ngayon. Binaliwala niya ang injured na kamay. Bumwelo siya at dalawang kamay na hinawakan ang doorknob. Buong lakas na hinila niya ito pero natanggal lang ang hawakan ng doorknob at hindi nabuksan ang pinto. Sinilip niya ang nasa labas at wala man lang katao-tao na napapadaan. Pumwesto ulit siya para sipain na lang ang pinto para tuluyan na itong bumukas. *** NAGLALAKAD-LAKAD si Kyle sa loob ng campus at wari'y may hinahanap. Pero iba sa gusto niyang makita ang nakita niya. Nakita niya kasi si Zenwel na parang tanga na kinakausap ang sarili habang pasulyap-sulyap sa isang direksyon at nang sundan niya ang tingin nito ay nakita niya si Alex na kanina niya pa hinahanap. Bigla siyang nakaisip ng kalokohan kaya inunahan niya si Zenwel na lapitan si Alex . "Alex !" Tawag niya rito kaya napahinto naman ito sa pagma-mop at napalingon sa kanya. "Kyle," ani Alex at ngumiti sa binata. "Anong nangyari sa kamay mo? Ba't nakabenda?" Agad iyong napansin ni Kyle. "Ah... wala lang 'to." Ngumiti sa kanya si Alex pero hindi pa rin maalis ni Kyle ang tingin sa kamay ni Alex na may benda. Hindi maayos ang pagkakabenda nito at kitang-kita niya ang pamumula't pamamaga kaya alam niyang hindi lang ito basta wala. Nagpatuloy sa pagma-mop si Alex at napansin niya na hindi binibigyan ng pwersa ng dalaga ang kanang kamay. "Tara, samahan mo ako, Alex ." Pag-aya ni Kyle rito. "May trabaho ako," agad na pagtanggi ni Alex kaya napangiwi si Kyle. "Akong bahala sa 'yo." Pagpupumilit pa rin ni Kyle at kinuha ang mop mula kay Alex . Iginilid niya ito pati ang iba pang mga panglinis. "Kyle, anong ginagawa mo? Mapapagalitan ako niyan, eh." "Sige na please... sama ka na sa 'kin." Pagpapa-cute niya pa. Tumatalab ang ganito madalas sa mga magulang niya kaya sana tumalab pati kay Alex . "Sige na nga, saan ba?" "Basta." Nakangiting aniya at hinawakan na ang kamay ni Alexis at hinila. Napatingin si Kyle sa peripheral vision niya at doon niya nakita ang iritadong mukha ni Zenwel na nakasunod sa kanila. Tama nga ang hula niya, susunod ito. Pumasok sila sa isang clinic. Wala ang nurse kaya si Kyle na ang kumilos. Pinaupo niya si Alex sa isa sa mga kama na nandoon. "Anong ginagawa mo?" "Gagamutin kita." Ani Kyle at naupo rin sa inuupuang kama ni Alex at kinuha ang kamay nito na may benda. "Kung ano mang ginawa mo, sana sa susunod mag-iingat ka." Sabi niya pa rito habang tinatanggal ang pagkakabenda. Napatingin si Kyle sa isang salamin na bintana sa gilid niya. Nakita niya ang reflection doon ni Zenwel na sumisilip-silip sa pinto. Gusto niya tuloy matawa pero pinipigilan niya. "Hala, ang lala nito sa inaakala ko Alex . Nangingitim na siya, oh." Nagulat si Kyle nang makita ang kabuoan ng kamay ni Alex nang matanggal niya ang benda. Bukod sa namamaga ito at namumula nangingitim na rin ang ibang bahagi nito. "Ano ba talagang ginawa mo?" "H-Hindi naman 'yan nangingitim kanina, ayos na 'yan kagabi, eh." "Binasa mo ba?" Pagtatanong ni Kyle. "N-Nabasa siya kanina." *** 'DAMN you Zenwel. It's you to blame.' Bulong ng konsensya ni Zenwel. Napangiwi siya nang makita ang kamay ni Alex . "Hindi ko alam kung anong gagawin dito. Hintayin na lang muna natin ang nurse." Narinig niyang sabi ni Kyle. Naiinis siya sa 'di mawaring dahilan. Ang mga titig kase ni Kyle kay Alex at 'yung paghawak-hawak nito sa kamay ng huli. Parang may iba. "Talaga bang bakla na 'tong si Kyle?" Kunklusyon niya pa. "Mr. Ashfortz, anong ginagawa niyo po d'yan?" Napatayo nang maayos si Zenwel at nataranta. Nag-sign siya sa nurse na h'wag maingay. "Don't tell them I am here, go get in!" Bulong na utos niya rito at wala ng nagawa ang nurse ng itulak niya ito papasok sa clinic. "Nurse Fe, mabuti po't nandito na kayo. Medyo malala po kasi ang kalagayan nitong kasama ko." Narinig niyang salubong ni Kyle sa nurse nang makapasok ng tuluyan. Agad namang sinuri ng nurse si Alex . Marami itong ginawa at sinabi kay Alex . Sa bandang huli ay binendahan ulit nito ang kamay ni Alex matapos itong painumin ng kung anong gamot. Natarantang muli si Zenwel nang makitang tumayo na ang dalawa at akmang aalis. Agad siyang naghanap ng mapagtataguan at palihim na nagpasalamat ng hindi siya nahuli ng dalawa. Bumalik ang mga ito kung saan nito iniwan ang mga panglinis. Ang mas malupet ay tumulong na naman si Kyle sa pagma-mop ng sahig kahit hindi ito pinapatulong ni Alex . "s**t! And his taking advantage of Alex ?! Ano bang ginagawa ng lokong 'to?"Asar na sabi niya habang pinanonood ang dalawa na masayang nagkukwentuhan habang naglilinis. Nang mga sandaling 'yun ay saka lang pumasok sa isip niya kung bakit nga ba niya sinusundan ang dalawa. Ano bang paki niya sa mga 'to? Nababaliw na ba siya? "Tss." Tinalikuran niya na nga ito at bumalik sa leisure room. VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! THANK YOU FOR YOUR SUPPORT! Chapter Three END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD