Paano ba ako makakatakas dito? Paano ba ako makakawala sa monster na yun? Kausap ni Aki sa sarili habang naka tingin sa salamin. Nagising na lang sya na nasa ino-okupa n'yang kwarto na siya, dali-dali s'yang naghilamos, at sinubukan na pihitin ang seradura ng pinto. Bukas nanaman iyon gaya ng dati, isinilip nya ang ulo, at saktong tila nakita niya si Van Leeuwen na papasok sa isang kwarto sa palapag na iyon. May dala itong tray ng pagkain at nakapandamit opisina na din ito, napakunot-noo siya at lumabas sa kanyang kwarto para sundan ang binata. Inaatake nanaman s'ya nang pagka-curious niya, nang nasa tapat na siya ng pinto na pinasukan ng binata marahan niya iyong pinihit at bahagyang iniawang para s'ya ay makasilip. Mabilis ang pintig ng kanyang puso dahil baka mahuli siya, pero natigi

