"She will not going to make it Mr. Van, Anytime, sooner or later she will.." "Shut up." Sawata niya sa kaharap na Doctor. "You can leave now." Dagdad pa niya. Alangang tumayo ang Doctor at lumabas na sa kanyang opisina, nagtanong siya tungkol sa kalagayan ni Yaya Eden. Ngayon ay parang piniga ang puso niya sa nalaman. Sooner or later she will going to leave him, and that's f**k! Sinuntok niya ang mesa, at hinilot-hilot ang sintido. Natatakot siya, natatakot siyang maiwanan, Natatakot siyang iwanan ng itinuring niyang ina. Akala niya tangap na niya na doon naman hahantong ang lahat. Pero mali siya, mahirap pala. Iniisip pa lang niya parang pinipilipit na ang puso niya. Napabuntong hininga siya at tumayo. Uuwi na siya, gusto niyang magpahinga, masyadong mabigat ang iniinda niya. -

