PROLOGUE
PROLOGUE
Mainit ang gabi. Hindi dahil sa panahon—kundi dahil sa presensyang pilit ni Liam iniiwasan.
Nakaharap siya sa malaking salamin sa loob ng safehouse. Basang-basa ang buhok niya mula sa katatapos lang na shower, at tanging tuwalya lang na nakatapis sa baywang ang nagsilbing balot sa katawan nya. At ang lamig na naramdaman nya kanina ay napalitan ng init dahil nakita nyang nakatayo sa labas ng banyo si Ava. Nakangiti at tila ba kanina pa nag-aabang.
"Tapos ka na ba?" Malambing at halos pabulong na boses nito.
"s**t! Ito na naman tayo." Mura ni Liam sa isip nya.
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya, pilit kinokontrol ang sarili habang sinusuot ang puting shirt.
"Ang boring matulog mag-isa," sagot ni Ava habang papasok sa kwarto at umupo sa kama.
Pilit na iniiwasan ni Liam na huwag itong tingnan. Pero sa isip nya sino ba naman ang hindi lilingon kung may nakaupong babae sa kama, nakahiga sa unan, nakaoversized shirt na halatang walang suot na pan loob?
"Ang init," bulong ni Ava habang dahan-dahang ibinuka ang bintana ng safehouse, kahit malamig na ang aircon. Sinasadya nitong galawin ang neckline ng suot nitong t-shirt at iangat ang hita para akitin kay Liam.
"Pero mas mainit ka yata ngayon kaysa sa gabi." Dagdag pa nito.
Pakiramdam ni Liam ay may kung anung nabuhay sa loob nya. Nanatili pa din syang nakatayo at nakaharap sa malaking aparador. Ngunit konti nalang ang kontrol at pagtitiis na meron sya para sa dalaga.
"Don’t start." Maikli at tipid na wika nito.
Saglit syang sumilip sa bintana hindi dahil para tignan kung may threats kundi para makaiwas sa panunukso ng dalaga.
Umayos ng pagkakaupo si Ava, nakalapat ang mga paa sa malamig na semento, bahagyang nakatingala, at ang mata nito ay puno ng biro at tukso.
“Akala mo siguro, hindi ko napapansin.” Muling sabi nito.
"Anong hindi ko napapansin?" Umupo ito sa bakanteng bangko na malapit sa kama.
"Na kahit anong iwas mo..na kahit anung bawal, tumitigil ka pa rin sa tuwing lumalapit ako."
"You're imagining things. Magpahinga kana, maaga pa dadating ang dad mo para sunduin ka bukas."
Napangiti ang dalaga at napayuko.
“Ayaw mo na naman sa laro ko, Liam?”
"Hindi sa ayaw ko, pero yun ang dapat at bawal." Halos pabulong na sagot nito.
"Really?" Walang ingat na humakbang ito palapit sa kanya. "Then why do you stop breathing every time I get this close?" Mapang akit at marahang hinahaplos ang kanyang braso. At ang mga daliri nito ay mapanukso na inilakbay sa leeg ng t-shirt nito hanggang sa pababa sa dibdib nya.
Hindi siya makagalaw o nakatingin ng diritso sa dalaga at hindi din nya magawang umalis.
Rinig pa nito ang mahinang tawa ni Ava.
"Bawal ako diba, pero bakit nanatili ka? Hindi mo ba ako pagbabawalan?" Mapang akit pa na sabi nito. Ang mga mata'y nangungusap at parang nagsusumamo.
"Hindi ako Diyos, Ava." Diritso ang tingin nito sa dalaga. At sa mga titig nya ay gusto na nyang ankinin ito.
Lihim na napangiti si Ava. "Good. Kasi kung Diyos ka, matagal mo na akong pinatawan ng parusa."
May ilang segundong bumalot ang katahimikan. Mabigat. Mainit. Mapanganib.
Ilang saglit ay dahan-dahang naglakad si Ava papunta sa likod ni Liam. Hindi ito sinubukang lingunin ng binata. Naamoy nito mula sa likuran ang shampoo sa dalaga na palihim nyang inaamoy sa tuwing magkakalapit sila. Ramdam din niya ang init ng balat ni Ava na pilit nyang iniiwasan.
“Alam mong wala akong suot sa ilalim ng shirt na ’to, ‘di ba?” Napalunok ng laway si Liam.
Hindi na nya kayang tiisin pa kaya hinawakan nya sa kamay ang dalaga at inilapit sa kanya.
"Please, Ava. Baka pagsisihan ang gagawin ko kapag hindi ko na napigilan pa ang sarili ko."
"Bakit hindi mo gawin kung magsisisi nga ba ako..." Malapit na malapit habang hinahaplos nito ang pisngi ng binata at ang kaliwang kamay ay dahan dahang inilakbay pababa sa hita ni Liam. Bawat hinga niya, bawat galaw ng palad nito na dumapo ang mas nagbigay ng init sa katawan nya-----
Hanggang sa biglang tumunog ang security alert sa cellphone ni Liam sa mesa.
"Sh!t!" Bulong nito.
Ang init at tensyon ay biglang naputol ng kumawala sya at sinagot ang tawag.
“Rivera speaking.”
“Liam, we have a situation. Code Red. Breach alert. Perimeter movement sa labas. Possible entry.”
Sa isang iglap, bumalik ang tensyon sa katawan niya. Pero hindi dahil kay Ava, kundi dahil sa panganib na pwedeng mawala ang dalaga na sinumpa nyang hindi nya gugustuhin.
"Stay here!" utos niya habang kinukuha ang baril sa drawer. “Whatever happens, huwag kang lalabas.”
"Liam…" tawag ni Ava, may bahid ng takot pero bakas pa din panunukso.
Tumingin siya rito—isang beses lang.
At saka mabilis na isinuot ang baril sa holster. At nilapitan si Ava.
“Sa kwarto. Lock the door. At h'wag kang aalis o lumabas hanggat hindi ako bumabalik."
“Anung meron?”
“Someone’s trying to get in.”
Ramdam ni Liam ang takot ng dalaga. Gusto nya itong yakapin at halikan sa mga oras na 'yun para iparamdam na walang mangyayaring masama. At ang malala pa, gusto nyang hubarin ang suot nitong t-shirt at patahimikin gamit ang bibig at palad na dapat ay kanina pa nya ginawa.
Pero hindi puwede. Hindi ngayon.
Hagya itong lumapit sa dalaga at may ibinulong. "Pagbalik ko....doon tayo maglaro.”