The sun was setting down when they reach the rest house. The touch of the sun on her skin was smooth and painless. Naglakad lang sila dahil gusto niya munang suyurin ang paligid at pagmasdan ang mga maliliit na detalye. From the hills in the distance, the trees and the flowers, and even the perfect weather to stroll.
Gusto niya na bukas na bukas rin ay mamasyal sa sakahan ng mga Vitaliano. Sa mga masisiglang puno pa lang ay masasabi niya talagang inaalagan ang mga ito ng mabuti. Para silang dinadala sa paraiso.
Sa totoo lang ay nabighani talaga siya sa lugar na ito. Their farm is so big that it could accumulate thousands of guest. Gan'to sila kayaman at hindi lang iyon, marami pa silang ibang mga negosyo na pinapalago.
They could be easily taken advantage if they will not know the person first. Pero basi pa lang sa personalidad ng binata ay mukhang walang makakalapit rito.
Sapphire moved closer to a ripe mango tree nearby and can't help it but to fetch one. Mangoes had been her favorite fruit ever since she was a child. Lalo na kung maasim ang mangga at isinasawsaw iyon sa asin. Nakita niya sa gilid ng mga mata ang paglapit ng binata sa kaniya.
Naurong tuloy ang pagpitas niya sa bunga, "Uhh Can I have one?"
Gusto niyang matawa sa sarili dahil heto siya'y nanghihingi ng permiso ngunit dagli namang pinitas ang bunga ng mangga kahit hindi pa ito naka-oo.
Just wow, Sapphire
"Suit yourself." Malapad ang ngiti niyang binalatan ang mangga at nagsimulang kumain. Her mouth is salivating.
Kulang nalang ay lagyan ito ng iodized salt to make a perfect combination. Pinakatitigan lang siya ng binata na kumain ng mangga kaya nakaramdam tuloy siya ng pagkailang.
"Gusto mo ba?" She pointed at the mango tree near her.
"Can I have both?" Ngumisi ito at nakapamulsang tinanaw ang ginintuang tanawin sa harap. Hindi niya nagets ang ibig sabihin nito kaya kinunotan niya ito ng noo.
Gago ba siya?
"Alam mo ikaw, deritsuhin mo nalang kaya yung mga sinasabi mo. Hindi 'yung pinapaisip mo pa ako kung anong ibig mong sabihin. May topak ka 'ba?" He mouthed me 'what' kahit alam niyang narinig nito ang sinabi niya.
Inismiran niya lang ito at tinulungan ang papalapit na ginang sa mga pagkaing dala nito. Hindi niya alintana na nakasunod pala ito sa kaniya.
"You're too innocent for it." Bulong nito sa tainga niya at dinaluhan rin ang ginang. Nabitin sa ere ang paghakbang niya at nahihinuhang tinignan ito.
She what?
"O mga anak, kumain na kayo rito. Dito kayo sa labas kumain para makita niya ang papalubog na araw. Ang ganda pa naman sa pakiramdam kung kasama mo yung taong alam mong komportable ka." Makahulugang tumingin ang ginang sa kanilang dalawa. Kung alam lang talaga nito ang totoo nilang rason kung bakit sila naparito ay hindi nito masasabi ang mga 'yun.
"Ang hilig mo talagang magbiro nay, hindi kana naman siguro nilambing ni Tatay Dencio no?" Biro ni Azariah sa ginang. Tinawanan lang ito ng ginang at naghain ng kanin.
"Asus palagi namang malambing si tatay mo. Maiwan ko na muna kayong dalawa at sana mawili kayo sa pagbakasyon niyo dito mga anak." Nagpasalamat sila rito bago ibinaling ang tingin sa pagkain.
Mainit na tinola at pritong isda ang hapunan nila ngayon. Medyo kumakalam na nga ang sikmura niya dahil hindi pa siya nakakain magmula kanina. Agad niyang nilantakan ang pagkain at tila ba nakipagkarerahan sa kung sinuman. Hindi naman kasi siya mapili sa pagkain.
Nagsimula na rin ang binatang kumuha ng ulam at ganadong-ganado na kumain. Gustong-gusto niya ang timpla ng pagkain at lalo pa't mainit pa ang mga yun. Sa kanilang apat na magkakapatid ay siya lang ang hindi marunong magluto. She knows how to bake but don't how to cook some dishes. Laging ang iba niyang kapatid ang naglulut para sa kaniya.
Sinubukan naman niyang magluto noon, but it ends up as a disaster. Kung hindi naman sunog ang niluluto niya ay matabang naman ang timpla. Kung hindi matabang ay hindi maayos ang pagkakaluto.
"Slowly, you might burn your tongue." Namulahan siya ng mukha sa pagpahiya at mas hininaan ang pagkuha sa ulam. She finds a bit unusual about Azariah's personality today. Most days he's arrogant and bossy, but when they arrived here, he is completely a different person. But it's a good thing.
Mas nakakausap niya ito ng mas matagal at hindi na maikli ang mga sinasagot nito sa kanya.
"Pwede magtanong? If it's okay for you," sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain nila. Tumango ito habang sinasabawan ang kanin nito. Nagulat nga rin siya at kumakain pala ng mga ganitong ulam ang binata.
Most of her friends didn't even know that these dishes exist. Ganito rin kadalasan ang inuulam nila kaoag umuuwi sila ng probinsya kasama ang buong pamilya. It was a worth to keep memory to looked back.
"How dangerous your work could be? Am I in danger because I accepted the arrange marriage?" Bumalot sa kaniya ang pag-alala kapag iniisip ang patungkol roon. Ang magagawa nalang niya ay sundin ang mga ito dahil mas nakaka-alam ang mga ito sa dapat nilang gawin.
Bigla itong sumeryoso dahil sa klase ng tanong niya, "Let's just say that this kind of danger will put me to death, you or anyone. We need to be careful with this one. Prepare yourself."
"What can I do to help you? I can't just sit here all week and do nothing." Puno ng determinasyong sabi niya.
"As of now, enjoy your stay here while it lasts. I'm still waiting for the profile background of the people I asked to be investigated. I will be discussing something important to you after." Hindi niya mapigilan mapaisip.
Isa ba siya sa mga taong pina-iimbestigahan nito?
"Ano ang kinalaman ng mga taong yun sa plano natin?" Curios niyang tanong sa binata. "We will put them behind bars, and as for you, ikaw ang tutulong sa amin para makuha sila."
"So you will use me?" may halong pagkainis niyang tinignan ito
"Yes."
"And what would I benefit if I will participate in your plan?" Hindi naman sa hindi niya gustong tumulong sa mga ito, pero unfair iyon sa part niya na gagamitin siya para sa pansarili nilang plano.
"You're innocent but not too innocent to know anything. I hate liars, Sapphire. I really do. Sigurado kaba talagang wala kang alam kung bakit ka napunta sa sitwasyong 'yan?" Prangka nitong sabi sa kanya at umungklo upang magpantay ang tingin nilang dalawa.
Kahit merong malamig na hanging bumabalot ay tila pinagpawisan siya sa klase ng pagtitig nito sa kanya. Para itong nagbibigay ng utos sa kanyang empleyado.
"A-Ano ba ang ibig mong sabi---" Azariah cuts her off and her reaction blanked.
"Stop asking questions and just follow." Iniwan siya nito sa lamesa at pumasok sa bahay na gawa sa molave. Napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa frustration.
Mag-isa niyang tinapos ang pagkain at nilabas ang cellphone niya. She tried contacting Maite but there was no signal in the area. Mas lalo iyong nakadagdag sa inis niya at bigong ibinalik iyon sa bulsa niya.
Ilang minuto pa ang nilagi niya roon bago niligpit ang mga pinagkainan at hinugasan ang mga plato. She flinched when something sting on her shoulder.
"Nakakainis naman e!" Hindi niya alam kung para saan ang inis niya, sa lamok ba o sa mga katanungang nagpapagulo sa isip niya. Damn it.
"Go inside. You might get a dengue from it." Malamig na sabi nito ngunit mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito.
Palihim niyang nirolyohan ito ng mata at patuloy na hinugasan ang mga pinggan. May pa walk-out walk-out pa siyang nalalaman, babalik din pala. Sarap mong sapukin Azariah.
Sinadya niyang balewalain ito nang naramdaman niyang umangat ang katawan niya sa ere at nakita ang sariling buhat-buhat nito. Para siyang isang sakong bigas na nakasampay sa balikat nito. She tried to loosen his grip on her thighs but Azariah held her hands stopping her from moving.
"Put me down Azariah!" pinaghahampas niya ito sa likod dahil bigla siya nitong binuhat papasok sa rest house.
"You will stop or I drop you to the ground right now. Choose." May pagbabanta sa boses nito kaya hindi na siya nagpumiglas.
Masama niya itong tinignan nang binitawan na siya nito ngunit nagkibit balikat lang ang binata.
"That's what you get for being so stubborn." Feeling hari nitong ani at umupo sa sofa. She rolled her eyes at him.