bc

Leux's Private Stripper (AVAILABLE ON w*****d)

book_age16+
14
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
CEO
drama
bxg
first love
friendship
illness
seductive
like
intro-logo
Blurb

Stripper - a person or thing that takes things off. Like a woman who gets paid to dance and take her clothes off on stage.

-

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa kapatid mo?

Sa kapatid mong tanging natitirang pamilya mo.

Sa kapatid mong may isang matinding karamdaman.

Sa kapatid mong kailangan na kailangang mapaoperahan.

Minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi DAPAT dahil KAILANGAN, hindi lang natin kundi pati na rin sa mga taong natitira sa buhay natin.

chap-preview
Free preview
C1: The Stripper
C1: The Stripper "Hindi ko po kayang gawin 'yan." Pagtanggi ni Jocelyn sa baklang si Toneth na inaalok siyang maging stripper sa isang bar. "Hindi ka naman nag-iisa. Tyaka para sa kapatid mo naman ang gagawin mo." Napatingin silang pareho kay Jerald, ang kapatid ni Jocelyn na nakaupo. Namumutla ang mukha at napakapayat dahil sa karamdaman nito. "Ipinapangako ko sa'yong walang mangyayaring masama sa'yo. Kikita ka pa ng malaki dito!" Dugtong pa nito saka binalingan ng tingin ang dalaga. "Pag-iisipan ko po muna ah?" "Osya sige. Basta tawagan mo lang ako kapag okay na sa'yo itong raket. Sayang naman. Sasayaw ka lang at alam mo na, magkakapera ka na agad." "Opo. Sige po. Salamat." Napabuntong hininga ang dalaga nang makalabas na ng bahay nila si Toneth na isang manager ng mga babae sa bar na nagbubukas tuwing 11 ng gabi hanggang four ng madaling araw sa isang tagong lugar na malapit sa kanila. Dalawang sakay lang naman. Kagagaling nga lang niya sa isa pa niyang raket na waitress buti na lamang nakakapagtinda pa siya ng make up at damit sa mga kasamahan niya doon. Nakakadagdag sa pinagkikitaan niya para makaipon sa pagpapaopera sa kapatid nitong may sakit sa puso. Sila na lamang ang natitirang magkasama kaya hindi niya kakayaning mawala pa ito sa buhay niya na tanging nagpapalakas sa kanya para lumaban sa mga pagsubok sa buhay. Madalas niyang iwan ang kapatid na 12 years old kina Aleng Sena dahil kailangan ng kasama sa bahay ng kapatid niya baka atakihin na lang ito bigla. High school lamang ang natapos niya samantalang elementary lang namn ang natapos ng kapatid niya bago ito patigilin para magpagaling sana muna para kayanin ng katawan nito ang pag-aaral at pag-pasok sa paaralan sa araw-araw. Namatay sa kakainom ang kanilang ama at namatay din nan sa breast cancer ang kaniang ina kaya natatakot siyang maiwan muli at mawalan ng minamahal sa buhay kaya gumagawa siya ng paraan para makaraos sila at makapag-ipon para sa kapatid niya. Isang hapon ay napadaang muli si Toneth sa kanilang bahay may mga kasama itong bagong recruit. "Mauna na kayo doon. May kakausapin lang ako dito." Sabi ni Toneth sa mga kasama niya na tumango at ngumiti bago umalis saka siya binalingan nito. "Ano na, Jocey?" Maganda, matangkad at makinis si Jocelyn kaya pinagtatyagaan siya nitong pilitin. "S-sige na nga po." "Hay! Salamat naman. Sa wakas! Sa tinagal-tagal kong pagpilit sa'yo." "Naubusan na kasi si Jerald ng maintenance na gamot. Tyaka kailangan ko ng ipa-check-up ulit siya next week. Kailangan na kailangan ko ng pera." Lakas loob na sabi ng dalaga dito. "Sige. Bibigyan kita ng sampong libo mamaya pagkatapos ng show. May practice ang mga alaga ko ngayon kailangan mo ng sumama sa akin para makasabay ka mamaya." "Sige po." "Cey na ang itatawag ko sa'yo pati ang magiging nickname mo doon. Okay?" "Opo." Katulad ng nakagawian ay iniwan niya muna kina Aleng Sena si Jerald bago umalis ng bahay kasama si Toneth. Ipinakilala siya nitong bilang 'Cey' at tinuruan naman siya agad ng mga kasamahan niya doon. Naging isa silang grupo. Siya ang naging gitna sa kanilang lima at parang naging back-up ang apat. Sasayaw at unti-unting maghuhubad lang naman sila sa harap ng mga kalalakihan sa bar na nakapalibot sa stage. Nakamaskara sila kaya hindi din sila makikilala. Mga mata lang din naman ang nakatago sa kanila. Kinakabahan at naiiyak si Jocelyn nang mapagtanto kung ano ang ginagawa niya pero imbis na tuluyang umiyak ay pinalakas na lamang niya ang kanyang loob para sa kapatid. Kulang na kulang kasi talaga ang kinikita niya para sa pangangailangan nilang magkapatid. Pagkatapos ng kanilang practice ay umuwi muna siya para sabay silang kumain ng kapatid 10 ng gabi siya umalis ng bahay nang makatulog na ang kapatid niya at katulad ng dati pinabantayan din niya ito kina Aleng Sena. Buti na lamang ay byuda na ito at walang anak kaya mabait sa kanilang magkapatid. "Are you ready girls?" "Yes, Manager!" Sagot ng mga kasamahan ng dalaga. Tumango lang siya kay Toneth. "Galingan niyo at madadatong ang nasa loob ngayon!" Huminga ng malalim si Jocelyn bago isinuot ang kanyang maskara sa mata. Pare-pareho ilang nakapula ng damit na bakat na bakat sa kaniang mga katawan. Kitang-kita ang ganda ng hubog ng kanilang mga katawan. Nakapaa lamang sila at mapupula ang kanilang mga labi. Inilibot niya ang kanyang mga mata at bigla na lamang siyang sinalubong ng matinding kaba at panginginig. Amoy usok at alak ang paligid habang naghihiyawan ang mga kalalakihan. Nang makarating sa stage at makapwesto ilang lima ay agad silang pinalakpakan ng mga ito lalonanang magsimulang ipatugtog ang kanilang sasabayan sa pagsayaw. Isang nakakaakit na tugtog na sinasabayan ng kanilang mga katawan ang tumugtog. Nanginginig man at kinakabahan ay nagawa niyang sumayaw. Nang magsimula na ang kanilang paghubad ay doon lamang siya nakaramdam ng pandidiri sa kanyang sarili. Pinipigilan niyang umiyak pero hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang sumasabay sa tugtog. Mas lalo lamang siyang kinabahan at nagkaroon ng matinding takot sa mga lalaki sa paligid dahil may umaabot na ng mga kamay sa kanyang mga kasamahan na sumasama naman sa mga ito. Napapikit siya ng mariin at nagdasal na sana ay hindi siya piliin at hawakan ng mga ito habang siya'y patuloy na sumasayaw. Nang dalawa na lamang sila sa stage ay nakahandana siyang may kumuha sa kanya pero buti na lamang ay walang kumuha sa kanya. Dahil na rin siguro sa hindi pa ganoon kaganda ang kanyang sayaw na mapang-akit kumpara sa kanyang kasamahan na sanay na sanay na sa ginagawa nila. Sobra pa rin ang panginginig niyanang matapos ang kanilang show. Buti na lamang isang kanta lang per show ang kanilang ginagawa doon tapos ibang girls naman ang sasalang sa sayaw. Naiiyak pa rin na tinanggap niya ang ibinigay na pera ni Toneth. "Masasanay ka din, Cey. Hindi ka naman nila magagalaw hangga't walang pahintulot ko kaya 'wag kang mag-alala. Hangga't ayaw mo, hindi ako papayag pero kailangan mong paghandaan ang kung sino man ang hahawak o pipili sa'yo. Hindi ka din naman nila mailalabas hangga't wala akong pahintulot. Okay?" "Opo. Salamat po tyaka pasensya na po dahil hindi ko nagawang galingan kanina." "Okay lang 'yon. Ganyan din sila sa simula. Mas mahihirapan ka sa solo show 'no! Pero katulad ng sinabi ko, hagga't 'di mo pa kaya. Hahayaan kita." Malumanay na sabi nito sa dalaga saka niya ito pinagbihis at pinauwi na. Naisip ng dalaga na kung ganito kalaki gabi-gabi ang kikitain niya eh makakapag-ipon agad siya kaya bahala na. Mas lalakasan na lang niya ang kanyang loob sa bawat gabi ng show nila. Pagkauwi niya ng bahay ay two am na kaya natulog muna siya ng ilang oras bago umalis para magtrabahong muli bilang waitress sa isang fast food chain. Dala niya rin ang kanyang mga tinitindang make up at damit. Ganoon na ang pang-araw-araw niyang buhay. Bilang lang ang oras na nakakapag-stay siya sa bahay nila at nakakasama ang kanyang kapatid. Kinakagabihan ay muli siyang pumunta sa bar para magsayaw at katulad ng kanyang nasabi sa sarili ay lalakas na lamang niya ang kanyang loob. This time, may kaunting kaba pa naman pero hindi na siya umiyak pa o nanginig. May ibinigay niya ng todo ang pagsasayaw at katulad ng kanilang inaasahan ni Toneth, may kumuha na ng kanyang kamay at sumabay sa pagsayaw niya katulad ng mga kasamahan niyang may kanya-kanya ng lalaking humahawakkung saan-saan. Hindi maiaalis ang pandidiri sa sarili pero diterminado siyang kumita ng malaki para sa kapatid. Naidala nga niya ang kanyang kapatid sa hospital para magpa-check-up. Katulad ng dati ay suggestion pa rin ng Doctor na mapaoperahan ang kanyang kapatid sa lalong madaling panahon. "Ate, pasensya ka na. Hindi kita matulungan. Wala akong kwenta." Naiiyak na sabi ni Jerald sa kapatid. "May kwenta ka, Jerald. 'Wag kang mag-alala. Kayang-kaya ko ang lahat basta't nandiyan ka lang sa tabi ko, okay? Kakayanin mo din ah?" Naiiyak na sabi naman ng dalaga. "Opo." " 'Wag kang umiyak. Makakasama sa'yo." "Lahat naman nakakasama sa akin eh." "Sumunod ka na lang para hindi nalulungkot si Ate." "Opo." Yinakap ito ng dalaga saka hinalikan sa ulo. Mahal na mahal niya ang kanyang kapatid higit pa sa buhay niya. Ikamamatay din niya kung mawawala ito sa buhay niya. Kulang na kulang pa ang ipon niya para makapagpaopera ang kapatid at mas maganda daw sana ay sa ibang bansa ito mapaoperahan. -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook