TYRONE: LUMIPAS ang mga araw na wala pa ring nagbabago sa pag-iimbestiga ko kung nasaan na si Bhelle. Hindi mapalagay ang loob ko at konti na lang ay matutuluyan na akong masiraan ng bait. Ayon sa kinausap kong doctor ni Bhelle ay may leukemia ito. At habang tumatagal na napapabayaan ito ay palala nang palala ang sakit niya. Buntis pa naman siya at sa kalagayan niya ngayon ay wala namang ibang makakatulong sa kanya. Paulit-ulit ko ng pinapapunta ang private investigator ko sa bahay nila Bhelle para manmananan kung nandoon ito o kaya ay magawi ito doon pero maski anino ni Bhelle ay hindi nagagawi doon. Ang sabi naman ni Tito Cloudy ay nagpahatid si Bhelle kay Typhus. Kinausap ko na si Typhus tungkol kay Bhelle pero ang sabi nito ay kinumusta lang ni Bhelle si Isabella at umalis din kaag

