BHELLE: NANGINGITI ako habang hinahaplos si baby habang nakatambay dito sa may balkonahe ng bahay. Kakagising ko pa lang at nagbibilad sa papasikat na araw. Habang lumilipas ang mga araw ay palaki naman ng palaki ang umbok ng tyan ko. Mas lumalakas na rin ang pagsipa nito mula sa loob. Regular pa rin naman akong dinadalalaw ng OB gyn doctor namin ni Isabella kahit wala dito si Typhus. Natatawagan ko rin ito sa tuwing kailangan ko ang tulong nito. Kahit nga ang mga katulong ni Typhus dito ay napakagalang pa rin nilang inaasikaso ako ng maayos kahit wala na dito ang mga amo nila. "Ma'am Bhelle?" Napalingon ako sa may pinto na tinawag ako ni Manang Louisa. Ngumiti akong tumayo na mabungaran ko nga ito. "Bakit po, Manang?" nakangiting tanong ko. "Uhm, may bisita po kayo sa baba, Ma'am.

