Chapter 4

3053 Words
Laglag ang panga, hindi maikurap ang mga mata, parang naninigas ang katawan habang lumulutang kasabay ng pag-ihip ng hangin. Iyan ang eksaktong nararamdaman ko habang nakatitig sa babaeng malawak ang ngiti sa akin ngayon. Ang maputi niyang balat ay tila lalong lumiliwanag sa tuwing tumatamaang pang-umagang sikat ng araw sa kaniya. Idagdag pa ang suot niyang bistiang puti na abot hanggang sa itaas ng kaniyang tuhod na tinernuhan niya ng isang kulay brown na sandals. Ang mahab at tuwid niyang buhok ay sumasabay sa bawat pag-ihip ng hangin na siyang lalong nagpapaganda sa kaniya. Tila nasa isang tv commercial kami habang pinapanood ko siya sa ganoong ayos. "Uy, Kuya?" Hinawi ko ang kamay ng kapatid ko nang subukan ako nitong kalabitin sa braso. Mga maliliit na hagikhik mula sa knaiyang mga kaibigan ang namutawi sa tainga ko na siyag sumira sa momentum. "Ano ba?" Inis n bulong ng kapatid ko. Irita ko siyang nilingon at doon napagtanto ng nangyayari nang makita ang nanlalaki niyang mga mata habang pilit naa nginunguso ang babae. Ang mga kaibigan niya ay pare-parehong mapanukso ang mga tingin sa akin. Inismiran ko sila kasunod ng pasimpleng pagsulyap sa babae. Malawak ang kaniyang ngiti habang nakatitig pa rin sa akin. Gaya ng ginawa sa mga kainpbigan ng aking kapatid, inismiran ko rin ang babae. "Sino ka ba? Bakit mo ako kilala?" Tumikhim pa ako para lang maipakitang wala lang ang pagkatulala ko kanina. Umismid ako sa kabila ng mabilis na pagtibok ng aking puso nang lumawak pa ang kaniyang ngiti sa akin. Patuloy ang mahihinang hagikhik ng mga kaibigan ng aking kapatid, kasama na siaya, na nakatayo sa kaliwang banda ko. Lahat sila ay nakatanaw sa akin at tila nakaabang sa kung anong klaseng katangahan ang gagawin ko. "Ah, bagong kaklase mo ako at sinabihan ako ng adviser natin na lapitan kita at sabihing samahan mo akong libutin ang buong school," aniya na nakangiti pa rin. Ang mga ngipin niya ay nangingintab sa puti at sigurado akong kung mag a-apply siya sa commercial ng toothpaste ay isang ngiti pa lang niya, pasok na agad siya. O baka naman model na siya ng toothpaste? Pwede ring shampoo dahil nakikita ko pa lang kung paanong sumabay ang buhok niya sa ihip ng hangin ay sigurado na akong sobrang lambot niyon. "Uy, ganda!" Isang akbay ang biglang nagpabigat sa balikat ko. Si Chrismir iyon, isa sa mga barumbado kong kaibigan. Sa tabi niya ay nakatayo si Patrick at pareho silang nakatingin sa babaeng hindi nawawala ang ngiti sa akin. Bahaya akong napadaing nang maramdaman ang napakatulis na siko ni Chrismir, "Type ka yata, meyn?" Inartehan pa niya ang pagsasabi ng salitang 'men', hindi naman niya bagay. "Hindi ko siya type." Ang mala-demonyong tawa ng kapatid at dalawang kaibigan ko ang namutawi sa inusal ng babae. "Nandito ako kasi sabi ni Miss Tayag ay hanapin ko ang lalaking ito," naglabas siya ng isang larawan kung saan naroon ang gwapo kong mukha. Iyon ang litratong palaging nakapaskil sa bawat flyers at brochures ng school kaya hindi na kataka-taka na mayroon siyang kopya no'on. Siguradong nakuha niya iyon sa registrar o 'di kaya ay kay Miss Tayag mismo. "Para magpatulong sa paglilibot dito sa school. Bago lang ako, eh," patuloy pa niya. "Anong pangalan mo, Ate? Ako si Shaina, kapatid nito." Itinuro ako ng kapatid ko na parang masama pa ang loob niyang sabihin na kapatid niya ako. Napaka-arte talaga akala mo naman 'di masama ang loob ko nang malamang buntis si Mama sa kaniya gayong lalaking kapatid ang hiling ko noon. "Ah, ako si An-" Matinding inis ang naramdaman ko nang biglng sumabay ang malakas na tunog ng bell hudyat na oras na para sa unang klase namin ngayong umaga sa pagsasalita nang babae. Kinunutan ko siya ng noo at sinenyasang ulitin niya ang kaniyang sinabi ngunit ngumiti lang siya saka mabilis na tumalikod at nauna pang naglakad sa amin papunta marahil sa room. "Ano raw ang pangalan? Hindi ko narinig," ani ni Ayna sa mga kaibigan niya. Nagkibit balikat lamang ang isa sa mga iyon saka hinatak na ang kapatid ko paalis. Hinatak na rin ako ni Chrismir na tumatawa at nakikipag-asaran sa tahimik na si Patrick. Pagdating sa room ay agad na hinanap ng mga mata ko ang babae ngunit hindi ko siya nakita roon. Akala ko ba ay kaklase ko siya? Bakit wala siya ngayon dito? "Uy, hinahanap yata ni Jerome 'yung magandang babae kanina!" Sigaw ni Chrismir habang inilalapag ang knaiyang baga sa upuan niya. "Baliw ka? Malaman ay hahanapin ko dahil sinabi niyang kaklase natin siya ngunit wala naman siya rito!" "May bago tayong kaklase?" Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ng presidente ng section namin na si Senmar. "Bakit hindi ko alam?" Nilapitan siya ni Chrismir at inakbayan na agad din namang inalis ni Senmar. "Humihina na ang radar mo sa tsismis, Mr. President! Kinakalawang na yata ang antena mo." Dahil sa angking kadaldalan ni Chrismar, hindi na tuloy nawala sa usapan ng mga kaklase ko ang bagong salta at sa tuwing may dumadaan sa room namin ay talagang inaabangan nila, nag ba-bakasakaling ang agong kaklase namin ang dumating ngunit palagi naman silang bigo. Iiling-iling akong naglakad papunta sa pinakalikuran ng room upang maupo sa pwesto ko, sa dulo at malapit sa bintana. Gusto ko sana maupo sa harapan kaso, pinuno na iyon ng mga kaklase kong babae na kung maka-pwesto roon ay akal mo taagang nag-aaral ng maayos gayong puro pagpapaganda at tsismisan lang naman ang ginagawa. "Crush nga iyon ni Jerome, eh. Kahit tanungin mo pa ang kapatid niyang si Shaina, kasama namin 'yun kanina." Inilapag ko ang notebook na hawak ko sa aking lamesa saka mabilis na hinubad ang mga sapatos ko. "Huwag ka ngang nagkakalat ng tsismis, Chrismir!" Ani naman ng natatawang si Alyssa, isa sa mga kaklase namin. "Hindi ako nagkakalat ng tsismis! Nagseselos ka lang yata, eh kaya hindi mo matanggap na crush ni Jerome 'yung bago-" Malakas na lagapak ang umalingawngaw sa buong room namin kasabay ng biglaang pagtahimik ng mga kaklase namin. Ang kaninang nagdadaldalan, nag-aasaran, nagkakatantahan, at maging ang mga kaklase naming tulog at kapapasok lang ay pare-parehong gulat sa nangyari. Tumayo ako at kaswal na naglakad palapit sa kung nasaan si Chrismir na mangiyak-ngiyak ngayon habang hinihimas ang kaniyang ulo. "Kunin ko lang ang sapatos ko, nakawala sa kamay ko at biglang lumipad papunta sa ulo mo, eh." Yumuko ako upang pulutin ang kaliwang sapatos ko. Pinunasan ko iyon na tila napuno ng alikabok sa nangyari. "Ano ba ang problema mo?" Matapang niyang saad nang maka-recover sa nangyari. Tiningala niya ako na sinukliaan ko ng nagtatakang tingin, mula sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang paa at pabalik bago inismiran. "Problema ko 'yang pasmado mong bunganga na kung makapagkalat ng tsismis ay parang isang babaeng namumutok ang labi sa lipstick." Nagtawanan ang mga kaklase ko na siyang lalong ikinasimangot ng lalaking nasa harapan ko. Napaatras ako sa gulat nang bigla na lang siyng humakbang ng isang beses at mabilis na hinawakan ang polo ko. Nabaling ang tingin ko sa isang butones na naalis dahil marahil sa lakas ata biglaang paghatak niya sa damit ko. Yari ako kay Lola nito. "Oy, tama na iyan," malumanay na saad ng presidente namin na pareho naming hindi pumansin. Ang hiyawan ng mga kaklase namin ang siyang lalong nagpalakas ng loob ko at tila nangangati ang kamao ko na sumuntok. "Jerome, Chrismar, kung umasta kayo ay parang hindi kayo magkaibigan, ah?" dagdag pa niya. Imbes na makinig sa iilang kaklase naming umaawat ay mas lalo ko pang idiniin ang sarili kay Chrismar. Bakas ang pagkabalisa sa kaniyang mga mata ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang kwelyo kong lukot-lukot na. "Ano? Sa liit mong iyan, ang lakas ng loob mong labanan ako gayong hanggang blikat ko lang naman ang noo mo?" usal ko kasunod ng bahagyang pagtawa na siya yatang lalo niyang ikinainis pagkat hindi nakaligtas sa mga tingin ko ang pagkunot ng kaniyang noo at lalong pagsama ng tingin. Malakas na tilian ng mga kaklase ko ang biglang sumakop sa pandinig ko kasabay ng malakas na pagbagsak ko sa sahig. Ang mabibilis na hakbang ni Chrismar ang tanging nakita ko bago ulit nakaramdam ng matinding suntok sa kaliwang pisngi ko. Pakiramdam ko ay humiwalay bigla ang ulo ko sa aking leeg sa lakas ng pagkakasuntok niya. "Ano? Nasaan ang yabang mo, Jerome? Tayo!" Sigaw ng nanggagalaiting Chrismar habang sumusubok na lumapit subalit hawak siya ng tatlo pa naming kaklaseng lalaki. Iiling-iling akong tumayo at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi ko. Mahapdi iyon kaya sigurado akong may sugat doon. Manghihiram na lang ako ng make-up sa mga kaklase kong babae, baka sakaling magawan ko ng paraan ang sugat upang hindi makita ni Lola. Marahan akong humakbang palapit kay Chrismar ngunit akmang magsasalita pa lang sana ko nang may biglang humatak sa aking damit mula sa likuran. "Ano ba?" Galit kong sigaw sabay hawi sa kamay sa pag-aakalang kaklase lamang namin iyon ngunit nang makitang isang babaeng nasa edad trenta na siguro iyon na may maikling buhok ay nanigas ako bigla sa kinataayuan. Hindi dahil sa itsura niya o ano ngunit sa katotohanang ang suot niyang damit ay uniporme ng mga guro. Leche. "Mukhang nagkakasiyahan yata tayo rito, mga iho?" Mahinahong ani ni Miss Tayag hang nakangiti ngunit ang mga mata niya ay nagpapakita ng salungat na reaksiyon. Sa likuran niya nakatayo ang 'yung babaeng bagong kaklase namin habang kuryosong nakatingin sa amin. "Hindi ko na siguro kailangang malaan kung saan kayo pupunta ngayong umaga, ano? Sa halos araw-araw na kaguluhang idinudulot niyo, lalo ka na, Mr. Mendoza, siguro naman ay kabisado mo na ang gagawin?" Hindi mabasa ang ekspresyon ng Guidance Counselor namin nang ako ang makita niya pagkabukas sa pintuan. Naunang pumasok si Miss Tayag habang pinakahuli naman si Chrismir na tatawa-tawa na ngayon na akala mo'y walang ginawang pakikipag-away. Abnormal yata ang lalaking ito, eh. "Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko, Mr. Mendoza at inaraw-araw mo na ang pagpunta rito sa opisina ko?" Taas kilay na usal ng Guidance Counselor habang tinititigan ako mula sa likuran ng kaniyang salamin. "Sawa na nga po, eh. Wala bang bagog guidance counselor?" bulong ko. Nagsisimula na ang ikalawang subject nang makabalik kami sa room. Sabay kaming naglalakad ni Chrismir na nakaakbay pa sa akin. "Ang lakas ng loob mo kanina at naghanap ka pa talaga ng bagong guidance counselor," aniya sabay tawa ng malakas. Nakakuha kami ng masamang tingin mula sa guro naming abalang nagpapaliwanag sa harapan. Akala ko ay itatanong pa niya kung saan kami galing ngunit hinayaan lamang niya kaming pumasok. "Hindi lakas ng loob iyon, Chrismir kundi kasanayan sa pangyayari," bulong ko saka mabilis na naupo sa pwesto ko. Kagat ang pang-ibabang labi, inilibot ko ang paningin sa buong room habang prenteng nakasandal sa upuan at kalmadong iniikot-ikot ang ballpen sa kanang kamay ko. Tinitigan ko ang bawat mukha ng mga kaklase ko, hinahanap ang isang partikular na mukhang kaninang umaga ko lamang nasilayan ngunit kahit anong paninitig ko, wala talaga siya roon. Nasaan kaya 'yun? Kasama lang iyon ni Miss Tayag kaninang pumasok siya rito, ah?  Natapos na lang ang subject na iyon ay hindi nagpakita iyong babae. Inis akong binalingan ng isa sa mga kaklase namin nang sipain ko ang kaniyang upuan na katapat lamang ng upuan ko. Bitbit na niya ang kaniyang bag at mukhang handa ana sa paglipat ng upuan. "Akala ko may bago tayong kaklase?" Sinulyapan ako ng isa pa naming kaklase na nakarinig sa tinuran ko saka niya ako binigyan ng isang mapang-asar na ngiti na sinagot ko ng isang masungit na tingin. "Oy, hinahanap ni Jerome 'yung bago nating kaklase. Sinong nakakita?" Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tumayo saka sinubukang hatakin ang mga dalang notebook nang kaklase ko ngunit mas mabilis ang naging kilos niya at agad na tumakbo palayo sa akin habang tumatawa. Leche. Mabilis na lumapit sa akin si Chexter habang nagsisimula na namang mang-asar. Imbes na patulan pa siya, tahimik na lang akong umalis dala ang mga gamit ko. Math ang sunod na klase namin at alam ng lahat ng kaklase ko na iyon ang pinaka ayaw kong subject kaya sigurado akong alam na nila ang gagawin kung sakaling hanapin ako ng guro namin. Nilakad ko ng tahimik ang pathway patungong canteen ngunit imbes na sa pinakamalapit na daan ako tumuloy, lumiko ako para makaikot sa gymnasium upang maiwasan ang room ni Ayna dahil oras na makita niya ako, siguradong magsusumbong iyon kay Lola. Hindi gaanong kalaihan ang paaralan kaya kailangan ko talagng mag-ingat kung ayaw kong mahuli ng mga guro at ng kapatid ko. Bawat may makakasalubong ako ay sinisikap kong magtago o 'di kaya y magpanggap na may ginagawa para lang hindi mapansin t nang makarating sa dulo ng gymnasium, pumasok ako sa mas maliit na building kung saan naroon ang canteen. Iilan lang ang mga estudyanteng nakatambay pagkat oras pa ng klase kaya mabilis lang naibigay ang binili kong egg sandwich at isang juice. Tahimik kong tinahak ang gitna ng canteen upang makaupo sa pinakadulong upuan. Nagtawanan ang isang grupo ng mga estudaynteng tingin ko ay nasa grade six na. Lima sila sa grupo at dalawa roon ay pawang mga lalaking minsan ko na ring nakaaway. Mataman ko silang tinitigan habang tahimik na kinakain ang sandwich ko nang bigla na lang tumayo ang isa sa kanila at mabilis na naglakad palapit sa akin. Sa gulat ay nabitawan ko ang sandwich sa mesa sabay tayo habang nag-aabang sa kung no ang sasabihin niya. "Bakit nakatingin ka?" Nakakairitang boses niya ang namutawi sa pandinig ko kasunod ng nakkairitang tawa ng kaniyang mga kaibigan. "May problema ka ba at panay ang tingin mo sa amin o sadyang inggit ka lng sa kinakain namin?" Sinulyapan ko ang lamesa nila. May tatlong softdrinks na hawak nang tatlong babae habang ang isa pang lalaki ay may hawak na juice, kagaya ng sa akin. Sa lamesa nakalapag ang limang iba't ibang klase ng tsitsirya at tinapay. Anong special doon? "Nakatingin ako sa labas, partikular na sa mga bulaklak. Bulaklak ka ba para akalaing sa'yo ako nakatingin o sadyang feeling-ero ka lang?" Kitang-kita ko kung paanong nagbaga ang kaniyang mga mata habang ang kamay niya ay nakakuyom, tila nagpipigil ng galit. "Pasalamat ka at kota na ako sa guidance kung hindi..." Hindi niya itinuloy ang kaniyang sasabihin. Ngumisi ako, isa pala siyang mahinang nilalang. "Ay, kota na rin ako sa guidance ngunit wala akong pakialam, hindi gaya mo. Duwag," usal ko bago pa man siya tuluyang makalayo. Sinulyapan ko ang mga kaibigan niyang seryoso na ring nakatingin sa akin ngayon. Ang isang lalaki ay nakatayo na at mukhang handa siyang tulungan ang kaibigan ano mang oras na magkagulo. Unti-unting bumaling sa akin 'yung lalaki na ngayon ay doble na ang galit na ipinapakita. Nanlalaki ang butas ng kaniyang ilong dahilan kung bakit nagmukha siyang gorilya at ang kaniyang dibdib ay mabilis na tumataas-baba. Wala akong pakialam kahit na mas malaki sila sa akin. Ang kasama niya ay lumapit na sa kaniya saka siya hinawakan sa balikat. Hindi ko alam kung ginawa niya iyon para awatin ang kasama o para suportahan. Alinman sa dalawang iyon, wala akong pakialam. Nagtilian ang mga babae nilang kaibigan, kasama na ang mga tindera at ibang estudyante nang mabilis na lumapit ang lalaki sa akin sabay suntok. Leche. Ramdam ko ang biglaang pagkakahapdi sa gilid ng labi ko at ang pagtulo ng dugo. "Ano?" Sigaw niya sabay amba ulit ng suntok. Yumuko ako sabay upo sa sahig upang maiwasan iyon ngunit ikinagulat ko ang biglaang paglapit ng kaibigan niya at itinayo ako. "Hoy, tama na iyan!" Sigaw ng isa sa mga tindera na pare-pareho naming inignora. "Juskong mga batang ito, oo!" Bahagya akong tumalon sabay sipa sa tiyan ng lalaki na siyang ikinabagsak niya sa sahig. Nagpumiglas ako upang makawala sa humahawak sa akin ngunit lalo lang humigpit ang kaniyang hawak. 'Di hamak na doble ang laki ng katawan niya kaysa sa akin kaya inasahan ko na na wala akong laban sa kaniya ngunit sinubukan ko pa rin. Hindi pwedeng hindi dahil kahinaan iyon. Hindi pa man ako nakakawala sa hawak niya ay nakatayo na ulit 'yung lalaking mukhang gorilya at nagsimulang pagsusuntukin ako. Hindi ko na alam kung ilang minuto nagtagal ang away ngunit nahanap ko na lang ang sarili ko na kaharap ulit ang guidance office, kasama ang mga lalaking nakaaway ko at ang nanggagalaiti kong guro sa math. Sa galit at sakit na nararamdaman ko, wala na akong pakialam sa kung anong sabihin ng guidance counselor. Nakatulala lang ako buong oras, iniisip kung paano ipapaliwanag sa Lola jo ang nangyari. "Siguraduhin mong ito na ang huli nating pagkikita rito, Mr. Mendoza. Maawa ka naman sa akin at ikaw na lang palagi ang nakikita ko," huling bilin ng guidance counselor bago ako lumabas. Tulala akong sumandal sa dingding ng office, pilit pa ring nag iisip kung ano ang ipapalusot ko sa Lola dahil siguradong magtatanong iyon sa kung anong nangyari sa akin. Tila naririnig ko na ang kaniyang boses at ang mga pang aasar ni Ayna. Kairita. "I don't like what you did, Mr. Mendoza pero I will spare you this time. Gamutin mo muna iyang mga sugat mo sa clinic." Binalingan ko ang guro na inis pa ring nakatingin sa akin ngunit nang bumaling siya sa grupo ng mga estudyanteng nakaupo sa bench, biglang nagbago ang ekspresyon niya. Sumenyas siyang lumapit sila ngunit isa lamang sa kanila ang lumapit. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ng tuwid nang makilala kung sino iyon. Mga kaklase ko pala ang nakaupo roon at kuryosong nakatingin sa akin ngunit hindi sila ang concern ko kundi ang babaeng lumapit sa guro namin. Sinulyapan ako ng babae bago muling ibinaling ang tingin sa guro. "May klase ba kayo?" "Wala po," anang babae gamit ang mahinhin na boses. Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ang boses niya. Leche. "Kaklase mo ba itong si Mr. Mendoza?" Tanging tango na lang ang kaniyang isinagot. Bakit hindi siya nagsalita? Gusto ko pang marinig ang mahinhin niyang boses! "Good. Pakisamahan si Mr. Mendoza sa clinic upang magamot ang mga sugat niya at siguraduhin mong papasok siya susunod na klase ninyo, okay?" "Po?" Sigaw ko sa gulat na agad ko ring pinagsisihan nang maramdaman ang tila pagkakapunit ng labi ko. Masakit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD