Chapter 3

1338 Words
"Hindi nga kasi totoo ang mga anghel!" Padabog na binuksan ni Ayna ang gate namin at dire-diretso ang lakad papasok sa bahay. Bumuntong hininga ako bago isinara ng maayos ang gate namin. "Ayna, bakit ba nagagalit ka? Kailangan ba na maniwala rin ako dahil lang naniniwala ka?" Ibinaba ko ang bag sa sala. Wala rito si Lola kaya dumiretso ako sa kwarto ni Lola na nasa kaliwang bahagi ng sala at nakitang wala siya roon. Nagtungo ako sa kusina at wala rin siya. "Si Lola?" Nilingon ko si Ayna na pababa sa hagdanan at nakapambahay na. Hindi niya ako pinansin bagkus ay dumiretso siya sa kusina kaya sinundan ko siya roon. May pintuan sa dulo na papunta sa hardin ni Lola sa likod ng bahay at nakita kong doon nagtungo si Ayna. Maliit lang ang bahay namin kahit na up and down ito. Pagpasok sa main door ay makikita agad ang sala at sa kaliwang bahagi ay ang kwarto ni Lola, pati na rin ang hagdanan paakyat. Sa kanan ang daan patungo sa kusina at rito sa likod bahay. "Mano po..." sinundan ko ng tingin ang kapatid na nakasimangot na bumalik sa loob ng bahay matapos magmano kay Lola. "Napano ang iyong kapatid?" "Nagagalit po dahil hindi ako naniniwala sa anghel. Kayo naman po kasi, Lola. Kung ano-ano ang mga ikinukwento ninyo sa kaniya kaya ayan, maging ako ay pinipilit na maniwala sa mga gusto niya." Tumawa si Lola sa sinabi ko. She's like this since no one knows, tatawanan lang sa tuwing nagrereklamo o nagsasabi-sabi kami at sa tuwing may masabi o magawa kaming mali, iiyak ka nalang. Iniwan ko siya roon at pumasok na sa loob para makapagbihis. Dinatnan kong tahimik na nanonood ng anime sa tv si Ayna at dahil ayoko sa tahimik na buhay, kinuha ko ang remote na nasa tabi niya at mabilis na pinatay ang tv. Halos umusok ang ilong niya sa galit at habang hinahabol ako. Pumunta ako malapit sa saksakan at mabilis na binunot ang tv bago pa niya ako maabutan at tumakbo palabas. "Kuya!" Sigaw niya at maya-maya lang ay nakita ko na siyang lumabas din. "Humanda ka sa akin! Nasa c****x na ang kwento, eh!" "Humanda ka sa akin!" Panggagaya ko sa kaniya na agad niyang ikinainis. "Kumalma ka, Ayna! Kitang kita ko na ang laman ng ulo mo dahil sa nanlalaki mong ilong!" Tumawa pa ako bago tumakbo papunta sa gilid ng bahay dahil doon ako dadaan para makapunta sa likod at makapasok muli sa loob gamit ang pintuan sa kusina. "Isa! Hindi na nakakatuwa, l*che!" "Ayna!" Pareho kaming napatigil sa pagsigaw ni Lola. "Iyang bibig mo, hindi nakakatuwa!" "Eh kasi naman, Lola! Si Kuya ang may kasalanan!" "Oh? Bakit ako?" Palihim akong ngumisi. "Nananahimik ako rito bigla ka nalang nanghahabol diyan!" "Nananahimik akong nanonood sa loob tapos manggugulo ka!" "Ang pangit-pangit kasi ng pinapanood mo! Walang kwenta!" "Tumigil kayo! Kayong dalawa, away kayo ng away! Pasok sa loob!" Wala kaming nagawa ni Ayna kundi ang sumunod. Nasa likod namin si Lola at nagsasabi-sabi habang kinukuha ang dalawang malaking bilao sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko at nagsisi agad na ginulo ko pa ang kapatid ko. "Hala! May assignment pa pala ako!" Sinubukan kong tumakbo paakyat sa kwarto ngunit agad na nahawakan ni Lola ang damit ko. "Lola, si Kuya po talaga ang may kasalanan. Nananahimik po akong nanonood tapos bigla niya akong guguluhin." "Parang 'di ka pa sanay..." bulong ko habang pinapanood si Lola na inilalapag ang dalawang bilao sa sahig at parehong nilalagyan ng munggo. "Simula yata noong ipanganak tayo, iyan na ang parusa kaya huwag ka ng umiyak. Ang pangit mo kamukha mo 'yung multo sa isang horror movie." "Ang dami kayang nagsasabi na kamukha ko si Lola. Ibig sabihin kung pangit ako, pangit din si Lola?" Bulong niya pabalik habang pinipigilan pa ang mga hikbi. "Lola, pangit daw po kayo sabi ni Ayna!" Kitang-kita ko kung paanong nanlaki bigla ang mga mata ng kapatid ko sa sinabi ko. Kunot noo kaming hinarap ni Lola at itinuro ang dalawang bilao na ngayon ay puno na ng munggo. "Alam naman na siguro ninuo kung ano ang gagawin, ano?" Huminga ako ng malalim, itinaas ang slacks at nagsimulang lumuhod sa tabi ng bilao. "Kailangan ay makakuha kayo ng isang libong munggo. Heto ang lalagyan." Kinuha ko ang malaking garapon na inaabot ni Lola. Dahan-dahan na ring umupo si Ayna sa tabi ko at nagsimulang mag bilang. "Dati, limang daan lang na munggo. Bakit biglang naging isang libo." Bulong ko nang makaalis na si Lola. Sa tuwing nag-aaway kami ni Ayna lalo na kung malala o may nasabing masama ang isa sa amin, o 'di kaya ay may ginawa kaming kasalanan at nahuli kami ay ganito ang parusa ni Lola. Ibubuhos niya ang munggo sa bilao at kailangan bilangin isa-isa hanggang sa mabuo ang bilang na gusto niya. Noon ay madalas na limang daang munggo lang ang kailangan pero ngayon, isang libo na. "Limang daan bilangin mo, limang daan akin." "Ay, ang galing sa math ng kapatid ko pero parang mas maganda kung dalawang daan akin tapos walong daan sa iyo." Nginitian ko pa siya ng pagkatamis-tamis para dama niya ang pagmamahal ng gwapo niyang kuya. "Ang kapal ng mukha mo. Bakit ba kasi lagi mo akong inaaway? Hindi ka ba nagsasawa na magbilang ng munggo?" "Hindi." Buong hapon yata ay ganoon ang ginawa namin. Tumigil lang kami nang maghapunan na para kumain saglit at muling nagbilang pagkatapos. Hindi pa nahuhugasan ang mga pinagkainan namin at wala pa akong nagagawang assignment kaya inis na inis ako lalo na nang matapon ni Ayna ang garapon ko! "Ayna! Isang daang munggo na lang tapos tinapon mo pa! Ikaw magbilang niyan!" Itinulak ko sa harapan niya ang garapon. "Sorry. Hindi ko sinasadya. Nangangawit na kasi ang paa ko at malay ko bang matatamaan 'yang garapon mo!" "Kahit na! Edi sana nag ingat ka! Ikaw magbilang niyan!" Tumayo ako at padabog siyang iniwan doon saka nagkulong sa kwarto ko. Nakakainis. Isang daang munggo na lang sana ang kailangan at matatapos na ako pero tinapon pa niya. Mabuti sana kung sa sahig lahat na punta, madali lang kunin lahat pero may iilang nahalo sa mga munggong nasa bilao at hindi ko alam kung ilan iyon. Kunot ang noo at nag-iinit ang ulo ko nang kinuha ang notebook at sinimulang gawin ang mga assignment ko. Dahil sa kaniya ay hindi na ako nakapaglaro ng basketball ngayong araw. "Kuya?" Inis kong binalingan ang pintuan. "Sorry." "Huwag mo muna akong kausapin, Ayna at nag-iinit ang dugo ko sa iyo baka masapak pa kita. Alis!" Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naligo at nagbihis na muna ako bago bumaba para sa almusal. "Good morning, Lola..." nagmano ako at humalik sa pisngi ni Lola na nakaupo sa kabisera ng mesa. "Good morning, pangit na Ayna." Ngumiti siya sa akin ngunit alam kong sarkastiko iyon. Naupo ako sa tabi niya at nagsimula ng kumain. Kape at tinapay ang pagkain, usual na kinakain namin tuwing almusal. "Isabay mo mamayang pauwi ang kapatid mo." "Opo. Pero ihahatid ko lang siya hanggang gate dahil mag ba-basketball po ako." Hanggang sa paglalakd ay hindi ako kinakausap ng kasama ko. Tahimik lang siya, hindi ko alam kung galit sa akin dahil hindi ko siya tinulungan kagabi o dahil nahihiya siya sa ginawa niyang pagtapon ng mga nabilang ko. "Ayna!" Pinanood ko kung paano siya sinalubong ng mga kaibigan niya pagapak pa lang namin sa gate. Lumawak ang ngiti ng kapatid ko at yinakap ang mga kaibigan. "May naghahanap sa iyong babae. Maganda siya." "Oh? Sinong maganda?" Sabay-sabay silang lumingon sa akin. "'Yung babae po na naghahanap kay Ayna, Kuya Jerome." "Ahh.. akala ko ay si Ayna ang sinasabi niyong maganda. Ipapagamot ko sana ang mga mata ninyo, eh." Ngumisi ako ginulo ang buhok ng kapatid ko bago sila iniwan doon. "Ang salbahe mo parang 'di ka kapatid!" Natigil ako sa paglalakad hindi dahil sa isinigaw ni Ayna kundi dahil sa maputing babae na nakatayo sa harapan ko at malapad ang ngiti. "Hello, Jerome..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD