bc

A Young's Heart

book_age18+
622
FOLLOW
8.4K
READ
age gap
drama
female lead
male lead
small town
first love
like
intro-logo
Blurb

"You can't teach your heart to love but your heart knows how to feel the strange feelings that's confusing you without any reason. Somehow, it doesn't felt right but you can't find a way to stop it or you just don't want to stop because you're loving the way it's confused you."

Isang milagro ang pagdating ni Analia sa angkan ng mga De Vegas dahilan kung bakit sunod sa luho ang babae halos lahat ng gustuhin nito ay siyang makukuha. Mabuti na nga lamang ay lumaki pa rin itong may mabuting kalooban may kapilyahan nga lang madalas kung kaya't ang magulang at nakatatandang mga kapatid nito'y hindi na magkandaugaga sa kakasaway rito but, Analia's being smart finding a way that's why in the end she's always forgiven by the things she did.

Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya nilang ibigay para lamang sa nag iisang anak na babae? Maintindihan kaya nila ito?

Kung pati rin mismo ang sarili nito'y hindi na kaya pang pigilan ang sariling nararamdaman. Alam niyang mali ngunit hindi niya mapigilan. Alam niyang hindi tama pero ipinagpapatuloy parin. Alam niyang naguguluhan siya pero gusto niya ang kakaibang pakiramdam na tila ba'y humahaplos sa kanyang puso.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Analia, matagal ka pa ba?" "Pababa na po ako!" Kuya Remus is always like that. Every time he fetched me here... palagi na lamang itong nagmamadali. Kasalanan ko bang napakaaga ng flight na kinuha niya? At isa pa, ang alam ko sa isang linggo niya pa ako susunduin. Lakad takbo ang ginawa ko pababa ng hagdanan habang hila-hila ang dalawang may kalakihang maleta nang makita ako ni Kuya Remus. kunot noo itong umakyat at walang kahirap hirap na kinuha ang mga maleta sa aking mga kamay. "How many times do I have to tell you to stop running at the staircase. It's too dangerous, Analia." magkasalubong ang mga kilay na aniya ng makababa ako sa dulo ng hagdan. Napangiwi na lamang ako. "You've just told me that we're going to be late—" "But I didn't tell you to run, Analia." putol na naman nito. Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatiuna na lamang lumakad palabas ng bahay. Nang makasakay ay agad ng inutusan ni Kuya Remus ang driver patungo sa airport. Naging madali lamang ang biyahe dahil walang pang traffic ng ganito kaaga. Nakarating kami sa airport at agad ring nakapag settled down sa eroplanong sasakyan 'di kalaunan. Ilang oras pa, makakauwi na rin ako sa Lavizares. Sa ilang taon ko rito sa San Diego ay hindi pa ako ulit nakakauwi sa Lavizares kahit pa bakasyon. Ngayon lang dahil doon ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko sa pasukan. Para raw matutukan nila ako ng maayos. Nagising ako sa marahang pagyugyog ni Kuya Remus sa aking balikat. Tinignan ko ito. "Put your seatbelt on. Malapit na tayong bumaba." marahang aniya. Nang makalabas kami sa NAIA ay naroon na kaagad si Kuya Ras. Wearing an aviator habang nakahalukipkip at nakasandal ito sa itim na ford. Ilang oras na ba siyang naghihintay at mukhang inip na inip na ito. "Ras..." tawag pansin rito ni Kuya Remus. Mabilis naman siyang napabaling ng tingin at biglang nag buntong hininga. Tamad na tamad pa itong lumapit sa amin. "Kanina ka pa ba rito, Kuya Ras?" ani ko. Matapos itong yakapin. "Hindi naman. Tara na, eight hours pa tayong ba-biyahe pa Lavizares. Nagugutom ka na ba?" sunod sunod namang aniya. Umiling na lamang ako... "Okay." Hapon na nang magising ako. Napansin kong mga palayan na ang nadadaanan namin at kasunod niyon ang mga naglalakihang puno ng acasia. 'Di kalaunan ay lumiko na rin pakanan ang sasakyang minamaneho ni kuya Ras. Nasa Lavizares na kami dahil nakita ko na ang may kalakihang karatula na nasa gilid niyon. Nang nasa Centro na ay napuna kong malaki na ang pinagbago niyon. Marami nang malalaking establishment at sa 'di kalayuan ay mayroon na ring may kalakihang mall sa tabi ng Clio's Cafe. Bago lang rin iyon dahil sa pagkakaalam ko'y wala namang nakatayong kahit ano roon ng umalis ako rito. "Kailan pa itinayo ang mall na iyan at ang Cafe?" wala sa sariling tanong ko kila Kuya. Bumaling naman ang tingin ni Kuya Ras mula sa front mirror. “Three years ago..." tipid na aniya. Napatango naman ako. Nakalagpas na kami sa Centro at ang Lavizares Church naman ang napansin. Malaki rin ang ipinagbago niyon dahil sa pagkakaalala ko maliit lang iyon at sementado lang iyon. Pero ngayon ay nakulayan na ng dirty white at mukhang mas pinalaki pa ito. Nadagdagan na rin ang laki ng paaralan rito lalo na ang para sa kolehiyo na mayroong malawak na soccer field. Nang makalagpas na kami sa mga kabahayan ilang kilometro ang layo mula sa paaralan ay ang puno naman ng mahogany ang agad sumalubong sa'min. Lumiko pakanan si Kuya Ras kaya batid ko ng malapit na kami sa mansyon. Dalawampung minuto pa ang tinagal ng biyahe bago ko muling nasilayan ang karatulang may nakaukit na De Vega's Property. Ang mansyon ay pinapagitnaan ng matayog na puno ng mahogany at magkakasunod na puno ng mangga. Nang huminto ang sasakyan ay agad akong bumaba at walang pasubaling tumakbo paakyat sa hagdan ng mansyon. Naroon na sina Mama at Papa kasama sila Lolo't Lola. Maagap kong inakap ang mga ito at masayang bumati. "I miss you!" maligayang ani ko sa mga ito. "My goodness! Analia, ang ganda at ang tangkad mo na..." 'di makapaniwalang ani Lola Esme na ikinatawa ko. "Diyos mi yo! You're just fifteen but look at you now. Mas natangkaran mo pa ang Mama mo noong kabataan niya." madramang aniya. "Naku! Ma, matangkad lang iyan pero tignan mo. Batang bata pa rin kung kumilos." buweltang ani naman ni Mama. Napahalakhak na lamang ako dahil sa mga naririnig kila Lola at Mama dahil hindi na sila natigil sa kakasalita ng tungkol sa akin at nang mapagod ay nagyaya na lamang si Lola Esme'ng pumasok sa loob ng bahay. "Kayong tatlo alam namin mahaba haba rin ang binyahe niyo kaya magpahinga na lamang muna kayo sa itaas. Hindi pa naman natatapos ang niluluto nina Manang Juana para sa hapunan." "Yes, La." sabay pa naming nasabi. Nang makapasok sa loob ng kuwarto ay nagpahinga na lang muna ako ng ilang minuto. Gusto ko muna kasing maligo dahil nanlalagkit na ang katawan ko mula pa kanina. Mabilis lang din akong naligo at nag blower ng lagpas hanggang balikat kong buhok. Kahihiga ko pa nga lang sa kama ay hindi ko na napansing hinila na pala ang mga mata ko sa pagtulog. *** "Analia, saan ka na naman pupunta?" kunot noong tanong ni Manang Juana habang naka pamaywang pa ito. "Sa rancho lamang po, Manang Juana." nakangiwing ani ko habang napapakamot pa sa pisngi. Palihim na nga lang akong aalis ay nahuli pa ng mala-agilang mga mata ni Manang. "Oh, sa rancho na naman? Aba Analia, napaka init sa rancho." napapailing ito. "Eh, hindi naman po ako magbibilad sa araw at saka may mga puno naman po." natatawa na ako dahil sa nakikitang ekspresyon kay Manang problemado na kasi ito. "Hay naku! Itong batang talaga na ito hindi na mapakali rito sa mansion." Wala nang nagawa pa si Manang Juana kaya natawa na talaga ako. Natigil lang ng mabilis akong sinamaan ng tingin nito. Makaalis na nga lang at baka magbago pa ang isip niya at hindi na ako payagan. Bakit naman kasi na late kapa ng gising, eh, iyan tuloy halos hindi ka na magkandaugaga sa pagmamadali. Nakalabas na ako sa mansyon at walang pag aatubiling nagtungo kung saan naroon ang kuwadra. Malayo pa lamang ay kitang kita ko na ang ibang taga pangalaga ng mga kabayo na natigil pa sa kanilang ginagawa. "Magandang hapon po, Mang Adolfo. Hihiramin ko po muna si Algar." iyong kabayo ni Kuya Ras. "Ha, naku! Hija, hindi ka pa masyadong marunong sumakay sa kabayo at ang bilin sa amin ay huwag kang pagamitin ng kahit anong kabayong narito lalo pa at wala sina Rasmus rito." Mahabang paliwanag ni Mang Adolfo na tila ba'y problemado na rin. "Huwag po kayong mag alala mag iingat naman po ako at isa pa, hindi naman po ako magtatagal at hindi rin po ako lalayo." Magiliw pang ani ko rito. Hindi man pumayag si Mang Adolfo ay pipilitin ko parin ito. Paano ako masasanay kung ayaw naman nilang ipahiram si Algar? At saka may alam na ako sa pangangabayo, malayo na rin ang napupuntahan ko pagka sina Kuya Remus ang kasama. "Pasensya na, hija. Hindi talaga puwede.” seryosong aniya. "Pumayag na po kayo. Labing limang minuto lang ibabalik ko na rin si Algar." just say yes... please. "Oh, siya sige labing limang minuto lang, hija." pagsukong aniya na kinatuwa ko. Nang makita ko na si Algar ay agad ko rin yon nilapitan at marahang hinimas ang ulo nito upang paamuhin. Para sa ganoon ay maging maayos naman akong makasakay sa likod ni Algar na walang magiging aberya. Nang sa tingin ko'y hindi naman siya magliligalig ay walang kahirap hirap na sinampa ko ang aking kanang paa upang sa ganoon ay makaupo na ako sa likuran nito. "Hija, labing limang minuto lang." seryosong ani ni Mang Adolfo. Nginitian ko na lamang ito at mabilis na tinanguan at walang pasabing hinatak ang lubid para makalakad na si Algar. Nang medyo nakalayo na ako ay saka ko lamang pinatakbo ang kabayo ng walang pag aalinlangan. Ang totoo n'yan ay nasabi ko lamang yon para pumayag si Mang Adolfo. Natutuwang kinabig ko ang lubid para makaliko si Algar pa kaliwa naroon kasi ang burol na madalas naming puntahan ni kuya Remus noong nakaraang linggo pero ngayon mag isa lamang akong pupunta doon. Halos sampung minuto rin bago ko narating ang dulo ng burol. Bumaba ako kay Algar at agad nilapitan ang may kalakihang punong kahoy na mangga. Sa laki nito ay puwede kang makapag pahinga at bukod roon ay malilim. Kahit alas dos na ng hapon ay maganda parin ang simoy ng hangin dito at kahit mainit ay hindi naman masakit sa balat. Hinawi ko ang hanggang beywang kong buhok dahil tinatangay yon ng hangin, hindi pa naman ako nakapagdala ng panali ng buhok kaya sinikop ko na lamang yon para ilagay sa kanang balikat. I also fixed the hem of my white off shoulder dress because of the wind is too strong. Kaya lang nawalan na rin ako ng pasensyang ayusin pa yon dahil hindi rin naman ito sumusunod patuloy lang tumataas at naisip ko ring wala namang magiging problema dahil may suot akong maiksing short at walang makakakita sa akin, puwera na lang kung wala talagang maliligaw na kung sino rito. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako pero nang mapansin ko ang papalubog na araw ay agad akong nagmadaling tumakbo patungo sa kinalalagyan ni Algar. Hindi na ako nagabala pang panoorin ang papalubog na araw dahil sa pagmamadali ko. Hindi ko alam kung anong oras na dahil hindi ko naman nadala ang cellphone ko at nakalimutan ko yon kanina. Kahit pa nga nakakaingganyong panoorin ang papalubog na araw ay binalewala ko na lang ang ganda n'yon. Kailangan ko ng makabalik sa mansyon baka hinahanap na ako ng mga kasambahay. Papalapit pa lamang ako sa mansyon ay natutunghayan ko na ang mga taong naroon kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo kay Algar. "Nasaan na ba ang batang yon? Jusku! Nag aalala na ako." dinig kong litanya ni Manang Juana kaya lihim na lang akong napangiwi. Lagot na! Pasensya na po, napasarap lang ang tulog ko... Nang tuluyan akong nakalapit ay agad din nabaling ang kanilang atensyon sa akin. Sa gulat ko ay hindi na ako naka angal ng mabilis akong nilapitan ni kuya Ras at walang kahirap hirap na ibinaba mula kay Algar. Sobrang seryoso ng mukha nito. "Damn. Where have you been?" patay! galit si Kuya. "Uhh... sa may dulo nitong rancho." "What?! Napakalayo niyon, Analia. Tapos ano, iniwan mo pa ang cellphone mo rito at ang sabi mo hindi ka magtatagal? It's already six in the evening." galit pa ring aniya. "Nakalimutan ko po kasi iyong cellphone at saka hindi ko rin namalayang nakatulog pala ako—" "Ulitin mo pa ‘yan. Hinding hindi ka na makakalabas rito." Magpapaliwanag pa sana ako ngunit nasulyapan ko ang nasa tabi ni Kuya Remus. He's looking at me intently na para bang nagsasabing manahimik na lamang ako. Sobrang seryoso ng mga mata niyang nakatingin sa akin. He looks so good on his natural red lips and also he has a narrowed nose. Makakapal na kilay na bumagay sa matatapang nitong mga mata and he has a dark eyelashes too, may kahabaan ang buhok nito at kaunti na lang ay aabot na sa balikat, moreno dahil napansin kong mas maputi rito si Kuya Remus. At nang bumaba ang paningin ko sa braso nito'y gusto ko na lang mapaiwas ng tingin pero hindi ko yon magawa dahil para bang may nagtutulak sa akin na titigan ko lamang ang mga yon at— s**t! He's so damn hot! Meron pa palang nag i exist na ganitong ka guwapo na akala mo ay sa mga nobela o teleserye mo na lang makikita? "Analia, nakikinig kaba?" Kuya Remus seriously said nakakunot pa ang noo nito. "Uhh... yes po." nasabi ko na lamang. Ano na nga bang sinabi nila? Freaking hell! This man is making me space out just because of how he intently stared at me. Am I intimidated to him? I hope not... "Pumasok ka na sa loob. Magbihis ka and stop wearing dress when you're riding a horse that's not appropriate to wear, Analia." "Eh, naka short naman ako, Kuya." nakangiwing turan ko rito. Pati pala 'tong suot ko ay mapapansin? "Kahit na. Hindi puwede iyan." mariing aniya. "Fine," nakangusong sabi ko na lamang. Nakaligo at nakapagpalit na ako ng damit nang naisipan kong sumilip sa bintana. Naroon sina Kuya sa ibaba at tahimik na nag iinuman kasama ang mga kaibigan nila. I absent mindedly looked at the person who's wearing a black V neck t-shirt ngunit agad ko ring binawi ang tingin ko dahil agad na nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako at napapikit. What's happening to me? Why the damn hell my heart's keeps on beating so fast na para bang gusto na nitong lumabas? Hindi ko alam pero mabilis ko na lang hinawi ang puting kurtina at napasandal na lamang habang hawak ang aking dibdib. •••

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook