Dire-diretsong naglakad si Kuya Remus palabas ng Villa habang hatak-hatak ako. Si Alrik na parang wala lang na nakasunod sa amin. Nilingon ko siya pero inarkohan lang naman ako ng makakapal niyang kilay. He also mouthed that I should looked in front cause I might tripped. Sinunod ko naman siya agad, paminsan-minsan nililingon ulit kaya napapailing na lamang siya. May kaunting ngiti sa labi tapos ibabaling sa ibang direksyon ang tingin. “Ang tagal ninyo yata?” takang ani Kuya Ras. Nag uumpisa na rin silang kumain. Pasimple naman tumingin si Kuya Remus kay Alrik. Pansin ko rin na nanliit pa ang mga mata niya. “Nahirapan gisingin...” tipid na aniya. Teka, pinagtatakpan ba niya ang nakita kanina? “Umupo ka na, Analia.” ani Kuya Ras. Umupo nga ako sa katabing upuan niya. Sasabihan ko

