I woke up early in the morning just because Kuya Ras said, we were going to Bucas Grande in Socorro. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Wearing a plain red criss cross bikini swimsuit, pinatungan ko na lang rin nang pulang maikling skort at nag suot na rin ng hanggang kalahati nang hita na pula ring dress. Kabababa ko lang ng suklay ay sakto namang may kumatok mula sa labas. Nang pagbuksan ko iyon ay ang mukha ni Kuya Remus ang bumungad. "Tara na. Kakain na," aniya. Hindi na ako nakaimik rito dahil mabilis na niya rin akong tinalikuran. Sumunod na lang ako matapos i-lock ang pinto. Ang sungit yata no'n. "Kuya, bakit mukha kang bad mood?" 'di na nakatiis na tanong ko. Lumingon naman siya at kunot noong tiningnan ako. "Wala lang 'to. Wag mo kong pansinin," sabi pa niya. Gaya

